turn your face to the sun and the shadows will fall behind you...
- chinorvah ng kung sino lang...ahehehehehe...
i thought about breaking my silence about certain issues pestering me right now...but i thought better.
kapag affected ako, I would usually retort and explain pero what good would it do us all now? dapat ko pa bang itama ang mali nyang argumento? pinili nyang yakapin ang paniniwala nya...na kahit ang bodabil na ginawa nya ay hindi na nya maitanghal ng tama...
kung hindi makuha 'yung in-emphasize ko, ganun talaga. parte 'yun ng individual limitations ng bawat tao. and it is yet another thing na iba ang interpretation at ibahin ang isyu...nakakatawa pero tama na. hahaba lang ang kwento at marami lang masasayang na dapat i-save sa mas importanteng bagay...tulad ng space sa blog ko. ahihihihihi...ay naku! anghirap kong magseryoso!
matagal ko na rin namang pinaniniwalaan na sa magkakaibigan wala naman nang dapat pang paliwanagan. dahil ang taong hindi makakaintindi sa paniniwala mo eh, slow!(ahehehehe...ok! last na yun! seryoso na talaga!)
ang totoo, ang taong hindi nakakaintindi sa 'yo eh yung taong hindi nilagay ang sarili nya sa kalagayan mo.
empathy. ganun lang kasimple. ang empathy eh kapag nilagay ng isang tao ang sarili nya sa katayuan mo. related dito ang sympathy at apathy. pero magkaiba sila...
masakit kung yung taong malapit sa 'yo eh hindi naramdaman ang empathy sa 'yo. pero mas masakit kung mas nasaktan cia para sa iba kaysa para sa 'yo kahit na sa palagay nya pareho lang naman kayo ng sitwasyon. sa ganoon, may sympathy cia sa ibang tao at apathy lang ang kaya nyang maramdaman para sa yo...siguro dahil hindi nman nya talaga naintindihan ang punto mo...o ayaw lang talaga nyang intindihin...
dapat ba syang mag-react? minsan oo, minsan hindi na dapat...ang choice eh laging nakadepende sa pagkatao natin...kung gusto nyang ipakita na meron ciang pinapanigan, hindi rin magiging madali sa kanya na tanggapin ang sasabihin mong, "chenes ka! hindi pala tayo tight..." ahehehehhe ( sori! di ko mapigil ang joke...)
Jong's been credible enough for me to take her advice of just ending all of it without saying anything further about it. straightforward ang kaibigan kong 'to. kung mali ka, sasabihin nya in your face - masaktan ka man o hindi. walang pretensions, walang sugar coating. 100% unadulterated truth kahit sino ka pa. like me, she hates lying. do you know what she did? she pointed out my mistakes and I got hell from her...she does not mince words. kaya kung hindi ka nagsasabi ng totoo, or baluktot ang paniniwala mo, she'll grill you! trust me, ginawa na nya yan sa akin! ahahahaha...
so, I asked her, "...ganun na lang yon? nasaan ang respeto? nasaan ang urbanidad?"( ahehehehe)
she said, "oo! dahil kung gusto mong matapos, tapusin mo na ngayon...wag kang mag-aksaya ng panahon sa walang kwentang bagay!".
shockwave! ganun nya ako sinabihan...ang taray! sarap igisa!
pero nung gabi na 'yon, nung natanggap ko ang isang mensahe, hindi sya nagsalita...pati si Domeng...ilang minuto kaming tahimik lang...ramdam nila ang nararamdaman ko kahit wala silang sinasabi...kahit na walang salitang namamagitan sa aming tatlo...kahit na kung minsan nagkakatampuhan kami, ito 'yung mga tagpo sa buhay namin na iisa ang nararamdaman namin...
...empathy.
...sympathy para sa isa't isa.
...at, apathy para sa iba.
pero, nagpaka-joker na lang muna ako nung gabi na 'yon at sobrang aliw pa rin sila sa akin kasi ayoko namang masira yung lakad namin...nagpaka-world class actress ako...pro bono...ahehehehe...
ang totoo, hindi ko nakayang pigiling umiyak nung tulog na sila...tapang-tapangan lang naman ako eh...hanggang ngayon shocked pa rin ako at nasasaktan tuwing binabasa ko ang mensaheng na-receive ko...pagka-post ko nito, buburahin ko na yun kasi kahit may pagka-sadistic ako, nararamdaman kong konti na lang ma-re-reach ko na yung point na hindi ko na kaya...guguho ako...kaya bago pa yun mangyari, ise-save ko na muna ang sarili ko...kahit para sa akin lang...dahil i don't deserve this pain...
gusto kong linawin na hindi kami pareho ng sitwasyon...dahil alam kong naging mabuti akong kaibigan...
no...far better than what is due...
marami akong pinanghinayangan recently...ngunitsubalitdatapwat (ulitin ng mga sampung beses hanggang mapagod at mabulol...ahehehehe )... alam kong sa bandang huli, pipiliin kong magpatuloy...
dahil alam ko, maganda ang buhay...at ayokong panghinayangan 'yon sa hinaharap...
cheers!
Sunday, July 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Thanks for sharing .Keep posting articles like this.A good example of content presentation.A
ReplyDeletepiece of information from you every now and then is really great.
An excellent congratulations for an excellent subject and an excellent blog !!!
ReplyDeletevoyance gratuite en ligne par Email
Really nice this site and in addition it is complete and simple in research. I thank you very much for these moments of relaxation.
ReplyDeletevoyance gratuite par Email