Free Blog Counter
Poker Blog

Wednesday, July 16, 2008

Cravin'

kung iniisip mo na gusto kong kumain ng manggang hilaw na isasawsaw sa bagoong, nagkakamali ka...hindi ko bet yun! mahina ako sa mga maaasim na bagay kase madali akong mangilo...
hindi rin ito post tungkol sa pinaglilihian ko ngayon...dahil wala naman akong matris para magpanggap...ahehehehehe.

Cravin'...yan ang pamagat ng isa sa mga naisulat kong lyrics noong college. Naku! Madami talaga akong naisulat noon! Nang mapunta ako ng Dubai, nakilala ko ang Carpenter's Band sa pangunguna ni Lolo Boyhan...dahil sa hilig ko sa musika, kahit na hindi ito mahilig sa akin, pinakiusapan ko sila na gawan ng arrangement ito...syempre, dahil para sa akin eh maganda ang boses ko ( pasensya na, hindi talaga ako humble...) ako ang nagprisintang kumanta nito sa tonong gusto ko...may pagka-rnb ang arrangement nito pero na-try ko na rin itong pang-acoustic nang kapain ng isa sa mga kaibigan ko sa gitara ang melodiya...in fairness, pang "himig handog love song" itu!...ahehehehe...at kesa puro "bawal na gamot" at "magdalena" ang kantahin, pwede rin ciang i-interpret nung mga mamang tumutugtog sa bangketa habang nanghihingi ng donasyon...tignan ko lang kung hindi pa naman mawindang, ma-insecure at magtaasan ang kilay ng mga taong dumadaan pag ito na ang tinira nila sa repertoire nila! ahihihihhi...attention grabber amputsa! cravin' for your attention and something else ang drama nila pag nagkataon...ahehehehehe...

at sa maniwala ka't sa hindi, kinanta ko talaga ito noong staff party namin sa Hyatt...sa harap ng halos isang libong tao! kunsyerto sa disyerto! ahahahahaha...pumiyok pa nga ako noon eh pero ok lang...ako naman ang nanalo ng "originality award" nang gabing yon...di ko alam kung dahil ako lang ang pumiyok o dahil wala na lang silang maibigay na ibang award sa akin...bet ko pa naman ang "best interpreter" nun! umph! pero, marami ang naka-appreciate nung kumanta ako...maganda daw ang song...ahehehehehe...ang totoo, takot lang silang masabihan ko na wala silang taste pag inokray nila ang kanta ko...ahahahahah.

heniwei, eto na ang ilan sa lyrics ng kantang yan...kung gusto mo itong mapakinggan, wag mo na itong hanapin sa amazon.com o sa google.com o sa iyong suking pinag-da-download-an ng iligal na mp3...dahil hindi ka magtatagumpay...ahehehehehe. ang kopya ng recording ko na yan ay hindi pa rin naibibigay sa akin hanggang ngayon...kaya, kung gusto nyong mapakinggan ito ay magpasimula na ng isang signature campaign at dumulog na sa pinakamalapit na recording studio at ipetisyon na gawin nilang single ko ito...ahihihihihi...jokeness!


Cravin'
Marvin

words and lyrics by: Marvin
arranged by: Lolo Boyhan
additional back up vocals by: The Carpenter's Band


sittin' here at home
in front of tv
waiting for your call
just to make my day complete

i hesitate on writing
another love song
'cause it feels so right
just wasting time
thinking of you

yeah, i might not be certain
about what you did to me
i can only be so sure
that it feels damn so right...

chorus:

maybe i know
what no one else knows
maybe i have
all the money in the world
but baby, hear this
"i don't have what i need!"
i couldn't get enough
'cause i'm cravin' for you...

1 comment:

  1. Love the site and all content.
    Congratulations and thank you

    ReplyDelete