Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, August 25, 2009

Because There Is One You

Umuwi ako ng late today dahil sa nalalapit na pagbabayad na naman ng suweldo. Abala na naman ako siyempre pa.

Pero simula pa lang ng araw, hindi na ako mapakali. Maghapong sumasakit ang ulo ko sa anticipation. Merong hindi maalis sa isip ko.

Pagupo ko sa bus papasok sa work, nakasabay ko ang mega-friend kong si Jong. Chinorvah n'ya na naaliw daw s'ya the night before dahil sa panonood ng mga teleserye. Sa isip ko, "Sh*tness! Sinasabi ko na nga ba eh! Maling mali ito!". Nagsimula nang sumakit ang ulo ko.

Itinulog ko ang kalahating oras ng biyahe para hindi naman ako masyadong ma-stress. Pero hindi masyadong epektib. Hindi ko na mahintay ang uwian. Buti na lang at arroz caldo ang breakfast. Medyo nabalanse ang sakit ng ulo ko.

Pinlano kong madaliin ang trabaho ko para makaeskapo ako ng maaga. Pero may trainee pala ako ngayon. Kasuya. Wrong timing. Lalong sumakit ang ulo ko.

Nang bago magtanghalian, may ipinakilala ang amo namin. Government auditors daw. Mag-i-stay daw ng ilang araw. Ibigay daw namin ang mga required documents kapag kailangan nila. F*ck! Bakit ngayon pa? Buti na lang isang report lang hinanap sa akin. Still, na-disrupt ang work flow ko.

After lunch, nagluko naman ang payroll system na gamit ko. Kainis! Isang oras din akong naghintay bago naayos ng software developer. Pagsubok ba ito? Gusto ko nang sukuan! Gusto nang sumabog ng ulo ko!

Uwian time na. Tumawag sa akin si Jong at nangiinis. Uuwi na daw siya. Pagbutihin ko daw ang paggawa ng sweldo. Gusto ko siyang i-surprise. Huwag ko kaya siyang bayaran ng tama? Nanggigigil na ako. Magisa ko na lang din sa opisina.

Nang makauwi na ako ng alas otso, nawala na ang sakit ng ulo ko. Psychosomatic lang naman 'yun eh. Hinarap ko na ang laptop at sinearch na sa google kung paano ko mapapanood ang...


Leche kasing teaser 'yan eh! Nakaka-tease! Na-tease naman ako! Hihihihi.

The last time na napanood ko si Lorna sa ABS CBN, I got really hooked with Kaytagal Kang Hinintay. Doon nagsimula ang John Lloyd-Bea tandem.

The last time I completed an Echo-Tin teleserye, I was totally converted. Hindi ko pwedeng i-deny na iba ang hatak ng chemistry nila sa Pangako Sa 'Yo.

The last time na nakita kong umarte si Gabby, I was smitten. Ka-partner pa n'ya ang talented actress na si Claudine sa Iisa Pa Lamang.

Kaya ngayong gabi, habang pinapanood ko ang first 2 episodes ng Dahil May Isang Ikaw, para akong nasa spa - na-relax talaga ako. Bagama't hindi na bago ang kwento, napukaw pa rin n'ya ang atensyon ko.

Hmmm, mukhang meron akong bagong aabangan gabi-gabi ah! :)

Friday, August 21, 2009

Can U Stand The Q&A?

Miss Universe ek-ek mood...

Sa mga beauty pageants, ang mga karaniwang categories eh swimsuit competition, evening gown, national costume at meron ding talent competition. Pero, ang isa sa mga kinatatakutan at talagang pinaghahandaan ng mga beauty pageant contestants ay ang interview o question and answer portion. Ito kasi ang magtatakda kung ang gerlat eh hindi lang puro paggarutay ang inaatupag! Dito malalaman kung may "laman" ba ang isang muher! Isa sa mga sikat na final question ay 'nung ginanap ang Miss U sa Pilipinas noong 1994 - What is the essence of being a woman?

Madalas sa ganitong kritikal na moment, ang isang diyosang diyosang kandidata eh nagiging first runner up lang dahil kinabog s'ya sa pagiging smart ng isang hindi naman kagandahang dilag. Miriam Quiambao, ikaw ba 'yan? Ruffa Guttierez, mag-react kah! Hihihihi. Pero, in respect to Miriam at Ruffa, they did their best and they still made our country proud kahit hindi sila 'yung nakakuha ng corona.

Anyway, meron akong isa-suggest na final question if ever na maging judge ako. Basahin ang question at i-try na sagutin.

Halimbawang dumating ka isang araw sa bahay n'yo at nakita mong may kausap na isang babae at isang lalake ang nanay mo. Ang babae ay medyo may edad na at napansin mo na buntis ito. Ang lalake ay medyo bata pa. Nang tinanong mo kung pang-ilan na n'ya ang pinagbubuntis n'ya, sinabi n'yang pangalawa na ito. Nag-comment ka ngayon sa lalaki ng, " Uy, magiging kuya ka na!". Sumagot naman ang lalaki ng, " Anak ko 'yan." Awkward moment.

Paano mong lulusutan ang awkward moment na 'to?

********************************************

Matapos ang nakaka-nose bleed na pagiisip ng sagot, mag-relax muna at maaliw sa video na sinend sa akin ng kapatid ko. Kukulet ng mga kids!

video

Tuesday, August 11, 2009

Gotta Get Get

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get.

H*yupness! Nae-LSS ako sa Voom Voom Fow na 'yan! Sheeeeezzz! Erase! Erase!

Anyway, 2 days ago, nagpaalam na ako sa boss ko na magve-vacation ako ng Disyembre. Pagpasok ko sa office n'ya, masayang masaya ko s'yang binati sabay:

Me: Sir, I'd like to file a leave on December. Can I?
Sir: No.

Sarap upakan! Waaahhhh! Anong gagawin ko? Nde pwede 'toh!

Me: Yeah?
Sir: You can not go.

Seryoso talaga s'ya...kaya with all the malungkot emotion I could plaster sa fez ko, lulugo lugo at dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto n'ya nang nakaharap pa rin sa kanya. Sayang kasi 'yung effort kong magmukhang nalugi kung hindi n'ya makikita eh. Pro bono pa naman ang acting ko.

Sir: Why December? Are you getting married?

Aray ko! Wala ngang jowa, papakasal pa! Nde ba n'ya ramdam na laging ok lang sa akin ang umuwi ng late galing sa work?

Me: Nope.
Sir: If you are getting married, you can go on vacation until January.

May pang-aasar talaga! At epektib kase hindi na talaga ako natutuwa.

Me: I'm not getting married. I just want to spend my vacation in the Philippines on December.
Sir: Which dates?

Ayuuuunn!!!! Hahahahaha. Sa totoo lang, mahirap umakting ng malungkot ka kapag bigla kang nagkaroon ng pag-asa. Pero sa ngalan ng convince-ation, pinanindigan ko muna ang lungkot lungkutang fez.

Me: From the 3rd to the 20th...
Sir: No.

Sasapakin ko na talaga eh! Pero naalala ko, mas mahirap palang umakting ng galit na malungkot. Pinili ko na lang na maging malungkot lang. Time to negotiate.

Me: But I will be back before the closing starts.
Sir: We will be busy even before that.
Me: Ok, until the 13th then?
Sir: OK.

Did I hear an OK? Gusto ko na s'yang halikan nung time na 'yun!

Me: What about until the 15th?
Sir: Until the 13th. Don't negotiate anymore. Get out of my office.

Tapos, gusto ko na uli s'yang sapakin! Hahahaha.

Pero hindi na baleng maikling panahon lang. Ang importante, I'm going home in December. I'd be celebrating my birthday there! Yiheeee!!!

At para mailabas ko ang kasiyahan ko, nag-diet ako nung gabi at gumawa lang ng veggie salad at nag-stir fry ng fresh mushrooms.

Alam kong irrelevant 'yung pagda-diet kaya nag-aya akong kumain sa paborito naming japanese resto the next day! Hihihi. I'm soooo looking forward to my birthday!

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get. Hahahahha!

Thursday, August 6, 2009

Mader's Birthday

Kriiingggg!!!

Me: Hello...

Mader: Marhaba! (pagbati 'yan sa Arabic. fluent nanay ko d'yan eh!)

Me: Heller! Ma, happy birthday! Happy birthday to 'ye! Happy birthday to 'ye! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to 'ye! Ahihihihi. O, anong chizmis sa bahay? Sinong mga nand'yan?

Mader: Tenkyu! Hindi pa ngayon birthday ko anak. Bukas pa 'yun!

Toinks!

Me: Ahihihihi. Sorry naman! Bukas pa ba?

Mader: Oo naman!

Me: Ahehehehe. Ukei! Bukas na lang ako tatawag. Ahahahah! Award!

Birthday ng aking mader. Ang nagtaguyod sa amin lalo na nung wala na si pader.

Kamukha ko daw siya sabi ng mga tao. In fairness, namana ko sa kanya ang walang kapantay na katarayan! Ahahaha! Highlight yata ng buhay n'ya nung nakamayan n'ya si PGMA nung graduation namin. Dama ko ang pagiging feeling high and mighty n'ya nun. Sabi ko sa kanya n'un:

Me: Ma, 'wag kang ma-starstruck. Normalin mo lang.

Mader: Hindi naman, anak.

Me: Sus! Ramdam ko ang excitement, Ma. 'Wag i-hide!

Mader: Ikukwento ko 'to sa amo ko tsaka sa mga kaibigan ko sa Dubai! Maiinggit 'yung mga 'yun.

Me: Taray! 'Wag ka d'yan sa ulap, Ma. Baba ka ng konti. Ahihihi.

Mader: Teka nga! Contrabida ka eh. Nasaan na ba 'yung kumuha ng picture namin ni Gloria.

Me: Friendship kayo? First name basis ah!

Mader: Hayaan mo na nga ako. Nasaan ba 'yung cameraman?

Me: Wala! Wala nang ebidensya. Umalis na 'yung cameraman. Hahahahaha.

Well, just like what an old Jewish proverb say, "God could not be everywhere, so he created mothers".

Dear Ma, I thank God for you.

:)