Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, August 21, 2009

Can U Stand The Q&A?

Miss Universe ek-ek mood...

Sa mga beauty pageants, ang mga karaniwang categories eh swimsuit competition, evening gown, national costume at meron ding talent competition. Pero, ang isa sa mga kinatatakutan at talagang pinaghahandaan ng mga beauty pageant contestants ay ang interview o question and answer portion. Ito kasi ang magtatakda kung ang gerlat eh hindi lang puro paggarutay ang inaatupag! Dito malalaman kung may "laman" ba ang isang muher! Isa sa mga sikat na final question ay 'nung ginanap ang Miss U sa Pilipinas noong 1994 - What is the essence of being a woman?

Madalas sa ganitong kritikal na moment, ang isang diyosang diyosang kandidata eh nagiging first runner up lang dahil kinabog s'ya sa pagiging smart ng isang hindi naman kagandahang dilag. Miriam Quiambao, ikaw ba 'yan? Ruffa Guttierez, mag-react kah! Hihihihi. Pero, in respect to Miriam at Ruffa, they did their best and they still made our country proud kahit hindi sila 'yung nakakuha ng corona.

Anyway, meron akong isa-suggest na final question if ever na maging judge ako. Basahin ang question at i-try na sagutin.

Halimbawang dumating ka isang araw sa bahay n'yo at nakita mong may kausap na isang babae at isang lalake ang nanay mo. Ang babae ay medyo may edad na at napansin mo na buntis ito. Ang lalake ay medyo bata pa. Nang tinanong mo kung pang-ilan na n'ya ang pinagbubuntis n'ya, sinabi n'yang pangalawa na ito. Nag-comment ka ngayon sa lalaki ng, " Uy, magiging kuya ka na!". Sumagot naman ang lalaki ng, " Anak ko 'yan." Awkward moment.

Paano mong lulusutan ang awkward moment na 'to?

********************************************

Matapos ang nakaka-nose bleed na pagiisip ng sagot, mag-relax muna at maaliw sa video na sinend sa akin ng kapatid ko. Kukulet ng mga kids!

video

20 comments:

  1. Hi Marvin lalo naman akong naging boba sa tanong na yan lol!! tameme ang magiging tama sa ken niyan..

    galing gn tricks ng video na to ah, kakatuwa

    ReplyDelete
  2. @ mareng linz,

    hahaha! first runner up kah! hihihihi. di bale, n d event that the titleholder can not fulfill her obligation, the 1st runner up will take over. hahahha! :)

    ReplyDelete
  3. ewan hehe. congrats mo na lang at least nakabuo pa si ate LOL

    ReplyDelete
  4. Yung mga kids parang mga cute na tyanak lalo na nung nakakapit sila sa bakod!!!(Deadma sa Q&A)

    puyat ako te, manhid utak ko kaya nga sayo ko humingi ng answer sa Q&A namin ni uncle! (may excuse! heheheh) :)

    ReplyDelete
  5. @ dencios,

    ahehehe. pwede. pwedeng congrats sabay eskapo. :)

    @ jong,

    tseh! ligwak ka sa top 10! isa ka sa mga contestant na wiz maka-handle ng prezher! puro ka lang ganda wala kang sabstans! tenk yu girl! hihihi.

    ReplyDelete
  6. Siguro dahil mabait ako, sasabihin ko "kelan ang binyag? Ninong ako ha? Kung hindi....."

    .... IPALAGLAG YAN, NOW NA!

    Jokes.

    ReplyDelete
  7. @ K.noizki,

    best answer so far! hahaha. shows the wit and the grace under pressure. pasok sa title! halatang halatang naghanda sa competition! ei, K., nde ko ma-access ang site mo since 5 days ago siguro. anything wrong with ur site o sa connection ko? naoopen ko naman yung iba...

    ReplyDelete
  8. Sorry for the incovenience, sira yung sattelite disc ng knoizki.net for two days, inatupag ko kasing lagyan ng surveilance cam sa ibang readers na hindi na leave ng comments, haha.

    Watch out, I think Ms Phili-pens is going to be in the Final 3. Naka coverage ang ABS-CBN.

    ReplyDelete
  9. @ K.noizki,

    ok. i'll stop by once in a while para ma-check kung ok na ang site mo. top 3 ba talaga? nde ba masyadong ambisyosa ang top 3? pwedeng iraos muna ang semis ( top 15 )? kase baka malaking disappointment lang 'pag umasa ng top 3 eh. hindi ko maxadong feel 'yung gown n'ya sa semis although nadala naman n'ya. tomorrow na 'un!

    ReplyDelete
  10. Ang hirap naman ng tanong mo mare. Pwede find the value of x nalang sa isang math problem? ahihihihi..

    Anyway, I love your header! :D

    ReplyDelete
  11. OK, yung Top 5 bet ko, isa lang nakapasok si Ms Koso haha.

    The worst pageant in MU history, walang Asian kahit isa (ok except for Ms Aussie).

    Based on my overall judging, Ms Kosovo should have won.

    ReplyDelete
  12. @ madz,

    hay naku mare! isa ka pah! first runner up ka na lang din. unfortunately, wala pang math problems na ipina-solve sa isang beauty pageant. hiiihihih.

    @ K.noizki,

    i'm a bit disappointed sa results kase bukod sa walang Asian ('cept Aussie ) na pumasok sa top 15, back-to-back pa ang MU crown for Venezuela! Ano kaya 'yun? but then again, beauty is subjective so...anyway, dalawa pumasok sa top 5 ko - Kosovo and Puerto Rico! 1 ahead of yours! hahahah! :)

    ReplyDelete
  13. hirap namang sagutin ng tanong na yan!hehe

    hang kyyyyyut ng mga kids sa video..aba at nagskating pa ha.

    ReplyDelete
  14. @ flamindevil,

    iz ok. daanin mo na lang sa talent. kukulet ng mga kids noh? paborito ko 'yung sumabit sila sa bakod. haha! :)

    ReplyDelete
  15. wahaha... talo ang mga Q and A ng atin g Body with A purpose ah.. LOL

    dapat yang ang mga tanong ni Ecker nun sa atin wahaha

    Make or Break

    ReplyDelete
  16. @ pehpot,

    for sure ligwak pa rin tayo! hihihih. umasa ako na math ang question ni ecker pero nadisappoint ako. nagreview pa naman ako ng integral calculus! hmmmpphhh! :)

    ReplyDelete
  17. ay marunong akong bumawi ng mga reckless comments ko. bwahahaha! "Talaga? Congratulations!" with matching ngiti hanggang tenga sabay talikod at hwag ng magpakita ulit ever.

    ReplyDelete
  18. @ ifoundme,

    hahahaha! meron pa ring "TALAGA?"! parang mas ipinamukha mo ang disbelief mo mare! hahahhaha.

    ReplyDelete
  19. Mahusay na gawain! Ito ang uri ng impormasyon na dapat na ibabahagi sa buong internet. Nakakahiya sa mga search engine para sa hindi nagpoposisyon ang post na ito mas mataas na! Pumunta ka rito at bisitahin ang aking site. Salamat =)

    ReplyDelete
  20. Nakumpleto mo ang ilang mga magandang puntos doon. Ako ay isang paghahanap sa isyu at natagpuan na ang karamihan ng mga tao ay magkakaroon ng parehong opinyon sa iyong mga blog.

    ReplyDelete