Free Blog Counter
Poker Blog

Monday, November 15, 2010

Call It Hardwork...I Call It Home


Hardwork pays off.

I still can't believe it's almost done. Not really my dream house (yet) but, like what I mentioned to one of my co-workers, if it's something that you want and you never experienced it yet, it still stands as a dream.

I never regret my decision to (re)build our family house. If you have been following my blog, you would probably know by now how I have impulsively decided on it. Just like how I have decided on seriously lots of things in my life. Call it instinct. Call it impulse. I just call it "being me".

The house got rave reviews from neighbors and some visiting friends and relatives. They really like it, oftentimes asking where the design of the structure's taken. Ma always tells them she got it from me. Well, it's true. I gave it to her but the design was the result of house design searches I did through the web and design magazines. Even then, I have just impulsively (again) chose that design from some other designs I "devised" ( I'm so out of words now ).

Honestly, it was not an easy task especially if you're not only putting efforts to a certain project. All the while, I am also considering the fact that most of the money I saved ( and will sacrifice saving in the next few years ) will eventually be contributed to this property.

Looking at this picture now, I can't help but feel really inspired and motivated. It's a long shot from the first time I came here in Dubai when my only goal for coming is to save our family house and lot from "foreclosure". I accomplished that after 2 seemingly-long, difficult years. But that's another story of mine to tell. Nevertheless, everything I learned from it, I am eternally grateful for.

I just feel so envious that my brother will see, feel, touch, smell and taste it first! He just flew back home last night for his yearly vacation and is probably only a few miles away from home now. Dang!

Friday, November 12, 2010

This Blog's Not Doomed...Yet

Where did I get the "inspiration" to post? Sa kawalan ko ng antok!

Nabasa ko kase sa Yahoo News na ang human resources department eh hindi na lang nagrerely sa kung ano ang nakasulat sa CV (curriculum vitae ) mo ngayon. Nagreresort na rin daw sila sa cyber searching ( exag - cyber stalking! ) to get to know you even more! Ang totoo, gawain kong mag-Google ng kung ano ano at sino sino kaya dapat hindi na ako na-shock dun noh!

Matapos kong magbasa, nag-try akong matulog. Hindi ako mapakali. Naglog-in uli ako sa laptop at itinype ( 'wag nyo akong paandarin ng ni-type!!!) ang pangalan ko sa Google, first name at last name and voila! Lumitaw sa first page ng search result ang blog ko! Dang!

Kaya agad akong nag-unpublish ng mga entries. 'Yung mga iba kong post eh talagang hindi ko naman balak ipamalita sa future employer(s) ko! Nagmistula na kaseng diary/biography/travel accounts/kung anik anik eklat na ang blog ko kaya nakakaparanoid na baka mamaya pagdating ko sa interview eh tungkol sa blog entry ko ang pagusapan namin ng interviewer. Honestly, may mga posts na kapag iyon ang naging topic, I would definitely feel uncomfortable. Hence, the unpublish act.

Ayokong burahin ang blog na ito. Ayoko ring maglagay ng password. Pero ayoko ring i-compromise ang current and future career prospects ko. So, for now, self-censorship(?) muna ako hanggang makaisip ako ng something.

Sunday, June 20, 2010

Rafa is World's Numero Uno Once More!

Rafael Nadal during his pre-tournament conference at Wimbledon 2010.


Been seriously following the ATP Tour lately ( from Miami Open to Queen's )...Rafa dropped to as low as # 4 in the world rankings, trailing Murray, Djokovic and the greatest of all time (GOAT) Roger Federer since his last year's slump due to injuries and domestic problem.

Boy do I love an underdog and a comeback story! When Rafa ceded the # 1 ranking to Roger in July last year, everyone dismissed the Spaniard's reign as done. It's over.

Not so fast, amigo! After a commendable showing in earlier tournaments this year following his recovery from injuries, Nadal started the clay court season like an insatiable beast. He won his 6th Monte Carlo title, then his 5th Rome Masters and bludgeoned Federer in the finals to claim his 5th Madrid Masters - not wincing a bit in reasserting his newfound dominance.

And, in what awestricken people would later claim a "Clay Slam", he reaffirmed his back-to-form performance by winning the last and the most important title to end the terre rouge season - the French Open 2010. His fifth Roland Garros in 6 years. ( Insert a fist pump here! :) )

With that win, he reclaims the # 1 ranking from his archrival Federer and has subsequently made tennis a lot more interesting again.

Here's hoping to a Career Slam! Vamos Rafa! :))

Friday, April 30, 2010

Pagtantiya

"matalino ka. pero palagi mo akong pinangungunahan. bakit ba gusto mong laging i-predict ang pwedeng mangyari?" mas makahulugan ang sagot n'ya.

"meaning?" ang nalilito kong tanong. ano naman ang ibig n'yang sabihin sa pagsasabing nagpapaka-Madam Auring ako? saan nanggaling 'yun? ang gulo n'ya ha! tsaka, hindi ba talaga s'ya didilat?

"hindi mo ba naisip na kahit na diktahan mo ako eh pwedeng hindi pa rin 'yun ang maririnig mo sa akin?" ang winner n'yang sagot.

kabog! s'yempre spluk-less ako. oo nga naman. bakit ba feeling ko eh susundin n'ya ako 'pag may sinabi ako sa kanya? bumaling ako ng tingin sa laptop at nagsimulang galaw galawin ang touch pad at magtata-type ng kung ano-ano.

"ganyan ka kapag nasusukol. kung ano anong ginagawa mo. kung saan saan mo binabaling ang atensiyon mo." marahan n'yang litanya. hindi n'ya ako nakikita pero alam n'ya kung anong ginagawa ko. katakot!

hindi ako kumibo dahil hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko. ngayon, parang gusto kong ako naman ang pumikit para hindi n'ya makita ang nararamdaman ko. pakiramdam ko kase, kahit hindi s'ya nakatingin sa akin, napaka-vulnerable ng kalagayan ko kase anytime pwede s'yang dumilat at makita ang reaksiyon ko. pero nagpatuloy lang ako sa kaka-surf sa net. ayoko nang makinig sa youtubebang dahil baka isipin n'ya na iniiwasan kong makipag-usap sa kanya. mga sampung minuto rin kaming parehong hindi nagsasalita.

"saan mo gustong pumunta mamaya?". basag n'ya sa katahimikang namagitan sa amin.

"ikaw?" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. nakatutok pa rin ako sa laptop.

"kapag 'di ka sumagot ng maayos, aalis na lang ako." banta n'ya. matalim at seryoso ang pagkakabitiw n'ya n'un.

"ay! masungit? nagsusuplado ka, gano'n? bakit daw? saan nanggagaling ang asim at pait?" inis-biro kong tugon.

hindi s'ya sumagot. pero dumilat s'yang bigla tsaka bumangon. nakangisi ang animal habang nakatingin sa akin. magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw ng kama.

s'yempre nabigla ako kase bigla s'yang bumangon! kaya sabi ko, "anong trip mo, gago ka!"

mas nagulat ako sa sumunod n'yang ginawa. bigla n'ya akong kinabig at inipit n'ya ang ulo ko sa kanan n'yang braso.

"'pag tinatanong ka ng maayos, sasagot ka ng maayos!" sabi n'ya habang tina-try kong makawala.

"saan mo gustong pumunta mamaya?" ulit n'yang tanong.

"eh, kahit nga saan mo gusto! pakawalan mo na 'ko! masakit eh!" echos kong sagot. ang totoo, gusto ko 'yung ginagawa n'ya. ansarap kaya ng moment! 'tapos ambango pa ng hayup!

kaso, pinakawalan na ako kaagad. kainis. masyadong obedient.

pero mas bongga pala ang gagawin n'ya. kinabig na naman n'ya ako 'tapos pinahiga ako sa lap n'ya habang naka-angkla ang isa n'yang braso sa leeg ko. mukhang mag-momoment kame! hahaha!

"ganito na lang..." patuloy n'ya. "...walang pressure. walang expectations. 'pag handa na 'ko at handa ka na rin, kung anuman 'yung dapat nating sabihin sa isa't isa, tsaka na natin sabihin. sa ngayon, i-enjoy natin kung ano meron tayo. let's not try to spoil it".

matagal bago ko na-absorb 'yung sinabi n'ya. tahimik lang ako ng mga ilang sandali bago ako tumango.

narealize ko na kapag pala tumango ka, hindi ibig sabihin n'un eh sumasang-ayon ka. hindi rin ibig sabihin na ang hindi mo pagsang-ayon ngayon eh panghabambuhay na.

dahil ngayon ko naisip na ang sinabi n'yang 'yun ang isa sa mga importanteng natutunan ko sa kanya.

Sunday, January 3, 2010

Pakiwari

"mahal na 'ata kita..."

nakapikit s'ya n'un habang nakahiga nang banggitin ko ang magic words. diyosme! anghirap palang sabihin! muntik pa akong mabulol at malagutan ng hininga!

char!

napangiti s'ya - 'yung ngiting parang expected na n'ya ang sinabi ko. 'yung ngiting confident at malandi.

pero hindi pa rin s'ya dumilat.

sa isip ko, " gano'n lang ang reaksiyon n'ya? hindi man lang s'ya papa-burger?".

"hindi ka ba magpapa-burger?" eto na naman! na-translate ko na naman sa spoken words ang aking thoughts. s'yempre pa, 'di ko na nabawi kaya kailangang lusutan na lang...

"huh?" sagot n'ya sa akin. hindi n'ya naintindihan kung saan nanggaling ang tanong na 'yun.

inulit ko naman. "hindi ka ba magpapa-burger? parang gusto ko ng burger eh." pa-cute na naglilihi. char!

"labas na lang tayo mamaya. tinatamad pa ako eh." hindi pa rin talaga s'ya dumidilat. parang gusto na n'yang iderecho ng tulog ang pagkakapikit n'ya. bakit ba kase hindi na lang s'ya umuwi?

"umuwi ka na lang kaya!" peste! another Freudian slip.

"huh?" favorite n'ya talaga ang ganitong reaksiyon. 'yung tanga-tangahan effect. ano bang napapala n'ya sa pagtitipid ng reaksiyon. hindi ko naman ipinagbabawal ang reaksiyon na lelevel sa SONA sa kahabaan. gusto n'ya papalakpak pa ako pagkatapos ng speech.

pero in fairness, anghirap naman talagang sundan ng sequence of thoughts ko. kailangan n'ya talagang basahin ang isip ko para lang malaman n'ya kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko. eh, mukhang inaantok pa s'ya kaya naman hindi na s'ya nag-eeffort na arukin ang pagiisip ko.

"wala." walang gana kong sagot. itinuon ko na lang ang pagsa-surf sa net, nagsuot ng headset at nagumpisa nang makinig ng kanta sa youtubebang. nag-uumpisa pa lang ang kantang "Somebody Warm Like Me" ng 5th Dimension nang maramdaman kong kinakalabit n'ya ako.

kinakausap pala n'ya ako pero s'yempre hindi ko s'ya naririnig kaya inalis ko muna ang headset at isinabit sa leeg ko. nairita ako na nakapikit pa rin s'ya.

"ano bang gusto mong marinig sa akin?" tanong n'ya. seryoso ang mukha n'ya kaya medyo kinabahan ako. turning point ba itu?

"turning point ba itu?" putik! wala ba talaga akong maiisip na pwedeng nasa isip ko na lang?

"huh?" ang kanyang walang kakupas kupas na linya.

"huh?" ang napipikon ko nang sabi. "may kakaibang swerte ba sa 'yo ang mag-huh? siguro kung may disease na huh syndrome, nahawa na ako sa 'yo. tuwing magrereact ka, huh! anong pangalan mo? huh? saan ka nakatira? huh? paabot ng plato. huh? gising na! huh? tulog ka na? huh? nananaginip ka na ba? huh? katakot. standard sa 'yo ang huh, 'no?" dire-diretso kong sabi. seryoso ang mukha ko habang dinideliver ko ang spiel pero deep inside eh natatawa na ako sa mga pinagsasabi ko.

nakangiti lang s'ya habang nakikinig sa akin. alam n'ya talaga akong i-provoke kapag asar na ako. parang layunin n'ya 'yun sa bawat paguusap namin.

"hindi mo sinagot ang tanong ko." balik-spiel n'ya sa akin.

oo nga naman. minsan na nga lang s'yang mag-speech ng isang complete sentence na may subject and predicate, dinedma ko pa.

"hindi ko alam. siguro dahil 'yun na ang tanong mo, ayoko na ring sagutin. kung ano man ang gusto kong sabihin mo, sasabihin ko na lang sa sarili ko. may ipinagkaiba ba kung ididikta ko sa 'yo?" makahulugan kong sagot.

hindi s'ya umimik. nanatiling nakapinid ang mata n'ya. mahirap basahin ang iniisip n'ya habang nakatingin ako sa kanya. pero hinintay kong sagutin n'ya ang tanong ko.