Free Blog Counter
Poker Blog

Showing posts with label cheers. Show all posts
Showing posts with label cheers. Show all posts

Sunday, November 8, 2009

On Leave


...finally visited this place...i'm currently on leave and will reply to your messages as soon as i face civilization. bwah! :p

Tuesday, August 11, 2009

Gotta Get Get

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get.

H*yupness! Nae-LSS ako sa Voom Voom Fow na 'yan! Sheeeeezzz! Erase! Erase!

Anyway, 2 days ago, nagpaalam na ako sa boss ko na magve-vacation ako ng Disyembre. Pagpasok ko sa office n'ya, masayang masaya ko s'yang binati sabay:

Me: Sir, I'd like to file a leave on December. Can I?
Sir: No.

Sarap upakan! Waaahhhh! Anong gagawin ko? Nde pwede 'toh!

Me: Yeah?
Sir: You can not go.

Seryoso talaga s'ya...kaya with all the malungkot emotion I could plaster sa fez ko, lulugo lugo at dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto n'ya nang nakaharap pa rin sa kanya. Sayang kasi 'yung effort kong magmukhang nalugi kung hindi n'ya makikita eh. Pro bono pa naman ang acting ko.

Sir: Why December? Are you getting married?

Aray ko! Wala ngang jowa, papakasal pa! Nde ba n'ya ramdam na laging ok lang sa akin ang umuwi ng late galing sa work?

Me: Nope.
Sir: If you are getting married, you can go on vacation until January.

May pang-aasar talaga! At epektib kase hindi na talaga ako natutuwa.

Me: I'm not getting married. I just want to spend my vacation in the Philippines on December.
Sir: Which dates?

Ayuuuunn!!!! Hahahahaha. Sa totoo lang, mahirap umakting ng malungkot ka kapag bigla kang nagkaroon ng pag-asa. Pero sa ngalan ng convince-ation, pinanindigan ko muna ang lungkot lungkutang fez.

Me: From the 3rd to the 20th...
Sir: No.

Sasapakin ko na talaga eh! Pero naalala ko, mas mahirap palang umakting ng galit na malungkot. Pinili ko na lang na maging malungkot lang. Time to negotiate.

Me: But I will be back before the closing starts.
Sir: We will be busy even before that.
Me: Ok, until the 13th then?
Sir: OK.

Did I hear an OK? Gusto ko na s'yang halikan nung time na 'yun!

Me: What about until the 15th?
Sir: Until the 13th. Don't negotiate anymore. Get out of my office.

Tapos, gusto ko na uli s'yang sapakin! Hahahaha.

Pero hindi na baleng maikling panahon lang. Ang importante, I'm going home in December. I'd be celebrating my birthday there! Yiheeee!!!

At para mailabas ko ang kasiyahan ko, nag-diet ako nung gabi at gumawa lang ng veggie salad at nag-stir fry ng fresh mushrooms.

Alam kong irrelevant 'yung pagda-diet kaya nag-aya akong kumain sa paborito naming japanese resto the next day! Hihihi. I'm soooo looking forward to my birthday!

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get. Hahahahha!

Wednesday, October 15, 2008

Thank you naman!

Sa panahong handa ka nang mangarap, dapat maghanda ka na ring magtagumpay. --- Marvin, isa sa mga panuntunan ko sa buhay.

Hayzzzz!!!

Dahil sa naimbudo ako sa eksena ko kay April kahapon, 'di ko tuloy nagunita ang aking ika-limang taon sa Dubai. October 14, 2003 nang una akong pumalaot at napadpad sa City of Gold.

Tutyal! Akalain mo 'yun. How time flies!

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil itinakda n'yang mapagtagumpayan ko ang hamon dito. Maraming nabago sa buhay ko at mas marami akong natutunan. Marami akong natupad na pangarap. Marami akong napatunayan.

Pero higit sa pansarili kong tagumpay, mas ipinagpapasalamat ko sa Kanya na naging instrumento Niya ako para matupad rin ang mga pangarap ng mga mahal ko sa buhay at ng mga taong malalapit sa puso ko. Na nabago din ang buhay nila dahil sa akin.

Dahil ganoon lang naman kasimple ang hangarin ko nang minsang ako'y nangarap.

Limang taon ang nakalipas. Wala akong inireklamo kahit na mahirap ang dinaanan ko noon lalo na nang ako'y nag-iisa pa lang. Hindi ko 'yun naging ugali. Inilayo ko ang pag-iisip ko sa gan'ong perspektibo. Dahil para sa akin, 'pag nangarap ka, dapat isa lang ang iniisip mo - ang magtagumpay.

'Tapos, pasalamat ka kay God!

:-)

Wednesday, August 15, 2007

Cheers to my first post!

Cheers to my first post!
I'm honestly just wandering through this blog thing 'coz I thought it'd be cool to have one. I just told my friend Dorothy that I'm gonna try and create my own blog ( sweet Lord, I'm 25 and I don't have a blog ). Luckily, we don't get seriously punished for not having one these days...my first post??!!!!