Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, July 20, 2008

Of Losing Some

maglalagay sana ako ng pic sa post ko na ito kaya lang kinontra ni jong...sana daw photo album na lang ang ginawa ko at hindi blog...echosera! boooooo!!!!

well, hindi sana ito ang ipo-post ko today pero dahil sa kabobahan ko eh nawala yung draft na ginawa ko for my next post...nasipa ko lang naman yung power connector ng computer ko dito sa office kaya ayun, hindi na na-save yung gawa ko...eh sa e-mail ko pa naman nai-balangkas yung gawa ko...na-check ko na sa IT kung meron bang chance na ma-recover ito...negative daw...shoots!!!!!!

hmmm, normally, kung ibang bagay ang nawala sa akin, de-deadma-hin ko lang...ganun kase ako eh...kesa naman sumama ang loob ko at manghinayang, iisipin ko na lang na makaka-getch naman ulet ako nun some other time...ibe-brainwash ko ang sarili ko na wala naman akong ganun dati at nabuhay rin naman ako ng matiwasay kaya hahayaan ko na lang yung kung anuman yung bagay na nawala na yun...

pero kase iba yung pinaghirapan mong pag-isipan at pinagbuhusan ng creative juices mo eh...kase, sa 'yo galing yun...di ko alam pero di ko magawang i-program ang sarili ko na wag panghinayangan yung naisulat ko na kase feeling ko, there's a part of my being na nawala, na-loss...kaya nga kahit sinabi na ng IT dept namin na wala ngang chance na ma-retrieve ang draft ko, eh nagbakasakali pa rin ako na baka may paraan na hindi lang nila alam...fighting spirit talga ang tema ng life ko sa pagkakataong iyon...ahehehehehe....

sa kahahanap ko, eh iba ang natagpuan ko...yung mga pictures ko sa dati kong memory card na na-corrupt na lang bigla! shoots! di ko alam na bigla ko na lang itong makikita kase ang gaganda pa naman ng shots ko doon! ahihihihihi...syempre, napaka-importante rin ng memories na kasama ng mga pictures na yan...grabe! happiness talga ang lola nyo kase akala ko, nawala na nang tuluyan ang mga pictures ko na itu! eh hindi ko pa nga cla na-popost sa profile ko sa friendster noh! ahiihihihi...sweet no?

so, ang moral of the story: you lose some, you win some...ganon daw talaga ang life...oh, well...

stay positive!

1 comment:

  1. Estoy muy orgulloso de descubrir a ti mismo, tu blog es realmente genial! Me gusta su interfaz, y yo también me encantó el contenido también. Especialmente por lo que seguirá!

    voyance gratuitement ; voyance gratuite par mail

    ReplyDelete