* nasa larawan si Mitz, ako (Marvin) at si Milky*
Of Goodbyes and Betrayals
My friend Mitz and I were having a conversation this morning...ok, actually, it's more of a chit chat 'cause we're counting the Mont Blanc inventory that time.
Napag-usapan kase namin 'yung status nya sa hotel...she's leaving by the end of August after 5 years of working with Hyatt.
Although palagi naman nyang nababanggit sa aming mga kaibigan nya na she's leaving, marami pa rin sa hotel ang nagulat ng sabihin nya finally that her resignation paper is already accepted. Kung noon eh inookray ko sya na palagi na lang syang may press release na aalis sya pero hindi naman matutuloy, this time, to be honest, I felt the loss immediately. Isa sya sa mga kaibigan ko na talagang nakakabasa ng ikinikilos at ng ugali ko kahit na hindi pa ko nagsasalita. Psycho rin kase sya.
I realized na ang feeling of goodbye pala ay may pagkakapareho sa feeling of betrayal. Kase, may times na pareho silang unpredictable at parehong nangangailangan ng acceptance.
Unpredictable dahil minsan malalaman mo na lang na "this is it!" na pala kahit na alam mong posibleng dumating talaga 'yon...
Acceptance dahil mas madaling maka-cope up ang damdamin natin kapag tinanggap natin na once in a while, it happens to anyone... defense mechanism.
**********************************************************************************
Come Out, Come Out...Wherever You Are
Speaking of psycho, naalala ko yung first time that we met. Bago pa lang ako noon sa Hyatt ( sa Dubai ) and my supervisor was showing me around to meet people from different departments. Mitz was working in the Business Centre then. Akala ko, sya yung Executive Secretary noon kase ang sosyal nyang tignan. Very well dressed and made up. Pero ramdam ko na may pagka-luka luka sya. We were very formal then and I was not that "loud" with my gender when we were introduced. Pero alam ko, ramdam nya ang pagkababae ko...ahihihihihi...
Minsan, naabutan ko syang lumalafang sa cafeteria. Maraming mga Filipino noon ang parang palihim na tumitingin sa akin. Siguro, meron silang mga tanong tungkol sa akin na maaaring hindi nila maitanong ng diretso. O, siguro, psycho lang talaga ako. Hindi kasi ako makiri that time. Malamang, dahil hindi naman ako bruskong umasta, at may pagkamalamya talaga ako, gusto marahil nilang ma-confirm sa akin kung bading ba ako o hindi. Pero wala namang nagkakalakas loob. Basta nararamdaman ko lang na parang ganun. May pagka-psycho nga ako, di ba?
Hindi ko alam kung naghihintay lang sya ng pagkakataon. Pero nang makita nya ako na naghahanap ng mauupuan, bigla ba namang pasigaw nya akong tinawag na, "Bakla! Dito ka umupo sa tabi ko!"
Natatawa na lang akong lumapit sa kanya at halos sabay kaming nagtawanan habang nakatingin sa amin ang napakaraming tao na nakaintindi ng sinabi nya. Nasagot na rin sa wakas ang mga tanong na naglalaro sa isipan nila. Pagkatapos noon, marami ang nagsabi at nagbiro na," Sabi ko na nga ba girl ka eh!". Nakakatawa pero sinuklian ko na lang sila ng isang matamis na ngiti. Wala naman akong itinatago eh.
**********************************************************************************
A Wolf in A Sheep's Clothing
A Wolf in A Sheep's Clothing
Kaninang nag-uusap kami, tinanong nya ako kung ano na ang update sa akin. Kagagaling lang kase nya ng bakasyon at tamad naman talaga syang magbasa ng blog ko kaya nagpakwento sya sa akin.
Sinabi ko ang mga kaganapan sa buhay ko at talagang nagulat sya sa mga rebelasyon ko! ahihihihihi...Noong una, natatawa pa sya at kung ano ano ang pumasok na subject sa usapan namin. Kung saan saan napunta ang usapan - pati Caladryl, relong Concorde, Bicol, Visayas at birthday gift nadamay! ahihihhihihi...
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang nag-init talaga ang ulo nya at sinabi nyang, "...sana, tinanong mo sya kung alam ba nya ang ibig sabihin ng kaibigan!" Kinalma ko sya at sinabi kong huwag syang mag-alala dahil tapos na ang isyu. Hindi ko na rin balak pang buhayin. At lalong wala akong ka-balak-balak na makipag-usap. Actually, sinabi ko sa kanya na nag-try na makipag-usap sa akin...pero hanggang ngayon, hindi nya alam kung bakit kami nagkakaganito. Natawa sya sabay iling - senyales na may sasabihin syang sarkastiko.
"T'***ina! Maang-maangan?...mahirap kausapin at paliwanagan ang mga taong ganyan...". Hindi nga ako nagkamali - at pareho pa kami ng naisip! At nang sinabi nya na, "...ganyan talaga. Hindi mo kontrolado ang lahat.", alam ko na patungkol na rin ito sa pangyayari sa buhay nya ngayon.
**********************************************************************************
Beating A Dead Horse
Maraming sapantaha sa kanyang pag-alis. Nasabay pa sa pag-alis ng pinakapinuno namin. Maraming tao ang iniuugnay ang pag-alis nilang dalawa. Kunsabagay, hindi ko rin naman sila masisisi dahil marami naman ang hindi nakakaunawa sa kaibigan ko. Madalas kasing iba ang tingin ng tao sa kanya eh. At katulad ko, wala naman syang pakialam. Madalas, pinaguusapan namin ang tsismis tungkol sa kanya at ginagawan namin ng kakaibang twist ang kwento at sabay naming pagtatawanan. Isa yan sa maraming bagay na natutunan ko sa kanya.
"Marvin, ang strong ko, noh?". Tinignan ko sya sabay tango. Nakikita ko na kase na nangingilid ang luha nya eh. At sinabi nyang wala naman kasi syang kinatatakutan pang mawala sa kanya. Maliban na lang sa isa.
**********************************************************************************
One For The Road
At ngayon ngang paalis na sya, inihahanda ko na rin ang sarili ko. Mami-miss ko talaga tong psycho'ng to eh! Andami kong natutunan sa kanya - ang pagpili ng damit, sapatos, style ng buhok, lalaki, - hayyyy, in short, ni-redefine nya ang mga taste ko sa iba't ibang bagay...at pati ang approach ko sa buhay, inayos nya. Madalas, salungat kami ng paniniwala pero pareho naming nilulunok ang isa't isa...dahil alam namin kung gaano namin nababalanse ang bawat isa.
Loyal at brutally honest kami to each other. Madalas din, kaming dalawa ang nagbobolahan para tumaas ang confidence level! ahihihihih
Mami-miss ko yung linya nya na, "pang-Accounts ka lang kase!" kapag nagkakamali ako...
Mami-miss ko yung mga kwento ng mga "kalbaryo" daw nya na dahilan ng pagiging aktres nya kung minsan...mga chapter sa buhay nya na inihahambing ko sa walang katapusang teleserye habang iniirapan ko sya at tinitignan ng masama...
Mami-miss ko yung pagpapa-download nya ng mga mp3 na hindi nya alam ang title...kailangan, I can name that tune in one note! ahihihihihi
Mami-miss ko yung mga usapan namin ( patago man o hindi, makabuluhan man o walang kwenta ), panlalait sa mga kung sinong mapag-tripan namin, pang-aaway sa mga taong sumusubok sa kabaitan namin at panlalandi ng mga hombreng damang dama ang kagwapuhan...
Mami-miss ko ang pangangarap ng gising kapag wala kaming magawa, pagsampal sa sarili kapag seryoso na ang tema namin...at ang pagka-involved ko sa pamilya nila na kung minsan, sinusukuan ko talaga...ahihihihihii...
At, marami pa akong mami-miss - mga bagay, lugar, panahon, gunita at pangyayari na nagpatibay ng aming pagkakaibigan.
My dear friend, til we meet again...
Maraming tao sa buhay ko ang palagi kong hahanapin kapag malayo na sila...
Maraming tao sa buhay ko ang panghihinayangan ko kapag nawala sa akin...
Maraming tao sa buhay ko na ikabibigat ko ng loob kapag nagpaalam na...
Maraming tao sa buhay ko na palagi kong maaalala kapag napagusapan na ang totoong kaibigan.
At, maraming tao sa buhay ko ang gugustuhin kong maging parte ng buhay ko kahit kailan...
...kaibigan, SALAMAT dahil isa ka sa mga taong 'yon...
Stay lucky, Mitz!