Matapos ang usaping moving on, dadako naman tayo sa pagsagot sa tanong na obvious na nga ang sagot, itatanong pa.
"Musta naman ang lovelife mo?"
'Di ba? Kung hindi ba naman nananadya? Nakita na ngang namumugto ang mata mo at sagana ka na sa sustansya ng eyebags, ito pa talaga ang napiling itanong sa 'yo. Pwede namang find the value of x ( 'di pala pwede kase may x, baka lalo kang magwala! ). O kaya naman, solve the following equations. Pwede ring match column A with column B o kaya fill in the blanks. 'Di ba? Andami namang tanong, 'yun pa talagang hindi mo masyadong na-review ang ibabato sa 'yo.
"Musta naman ang lovelife mo?"
Masyado ka namang pa-mysterious kung smile lang ang isasagot mo. Parang sinabi mo naman na manahimik na lang 'yung nagtanong sa 'yo.
Kapag sinabi mo namang "It's OK.", para mo naman silang pinakain ng ampalaya. Ang pait!
Kapag sinabi mo namang "No comment", trying hard ka namang mag-artista.
Kapag humagulgol ka, masyado namang give away ang answer. Hindi man lang umabot na nagdemand ng clue 'yung nagtanong.
Kapag nagmaang-maangan ka naman at kunwari eh hindi mo narinig ang tanong, baka mas bongga pa ang itanong sa 'yo ' pag inulit.
Kaya nga ang idea, maging matalino sa pagsagot. Huwag rin namang gumaya sa Miss India sa mga beauty contest na ang haba haba ng sagot samantalang ang gusto lang namang sabihin eh "Wow!".
Importante sa pagsagot ng question na ito ay 'yung hindi na magpa-follow-up question 'yung nagtanong. Minsan kase, ang follow up question eh 'yung tanong na masusundan pa ng sobrang daming follow up question tulad ng, "Ha? Anong nangyari? Kwento mo naman!". Ayan na! D'yan na maguumpisa ang scoop!
Kaya 'pag sumagot ka, siguraduhing mahihinto na sa isang tanong lang. Pwede kang maging charming, amusing, sarcastic, mapanglait, ambiguous, funny, witty o nanggugulat. 'Yung tipong kapag sumagot ka, either masa-shock s'ya for a while sa sagot mo para may time kang maka-escape o kaya naman eh mada-divert mo ang usapan sa ibang bagay.
"So, musta naman ang lovelife mo?"
Hay naku! Pumili na lang ng isasagot sa mga sumusunod na listahan!
1. “Eto, parang entry sa raffle, hindi mabunot-bunot.”
2. “Eto, hinahanap pa rin ang hideout ng mga soulmate ko. Nakita mo ba?”
3. “Bakit, kung sasabihin ko bang butata may magagawa ka?”
4. “Eto, parang epilepsy, pasumpong-sumpong…”
5. “Eto, parang ukay-ukay, 3 for 100 na nga lang, tinatawaran pa.”
6. “Eto, parang patis, ang daming gustong makisawsaw.”
7. “Eto, parang Coke, ZERO.”
8. “Eto, single…single parent.”
9. “Sinubukan ko na lahat: girl, boy, bakla, tomboy, wala talaga!”
10. Sagot ng officemate ko tuwing may magtatanong sa kanya nito: “P*tang*na mo rin!”
11. “Feeling ko ilang buwan pa, kaong na ito!”
12. “Eto, parang ikaw, hindi maganda.”
13. “Eto, parang gobyerno, bulok.”
14. “Eto, parang sinabawang gulay…makulay.”
15. “Eto, self-supporting.”
16. “Eto, parang kaning bahaw, malamig.”
17. “Eto, parang pag-nguya ng chewing gum, sa una masarap, pagtagal nawawalan na ng lasa…ang sarap na iluwa.”
18. “Buti pa ang chemistry class ko, may lab.”
19. “Eto, parang pasko, once a year lang.”
20. “Manong, bayad muna, bago lovelife!”
21. “Will you shut up and let me breastfeed in peace?”
22. “Tulad ng sabi ng Friendster account ko, it’s complicated.”
23. “Eto, parang buhok mo…bagsak!”
24. “Eto, parang face mo…ang pangit!”
25. “Eto, parang taxi: bawal mamili, bawal mabakante, at bawal tumanggi pag may gustong sumakay!”
26. “It’s like a vacuum cleaner, it sucks.”
27. “Eto, parang mga kuko mo sa paa…patay!”
28. “Eto, parang palitaw, lulubog, lilitaw.”
29. “Eto, parang buhok mo sa kilikili, magulo!”
30. “Eto, parang funeraria, walang kabuhay-buhay!”
31. “Ano, gusto mo suntukan na lang!”
32. “Eto, taken…taken for granted!”
34. “Eto, parang google, searching…”
35. “Eto, parang skin mo, rough.”
36. “Eto, parang painting, abstract!”
37. “Eto, parang boses mo, flat.”
38. “Same to you.”
39. “Eto, parang cancer, walang gustong madapuan.”
40. “Eto, parang ancient alphabet, ang hirap i-translate.”
41. “Eto, parang gilagid mo lang, full of darkness.”
O 'di ba? 'Di ko pa nasusubukan pero sa tingin ko naman effective ang mga ito. Kung sa tingin mo eh hindi umubra ang mga 'yan, try mong sumagot sa Chinese language hanggang magsawa sila sa kakatanong.
Pwede ring magkunwari kang ibang tao at sumagot ka ng, "I'm sorry but I'm not who you think I am. I am human." Antaray 'di ba? May identity theft na nagaganap!
O kaya, magpretend kang napo-possessed with matching ikot ikot ng ulo na parang pang-Exorcist. Tignan natin kung hindi ka pa naman layuan!
At, kung talagang makulit at ayaw ka talagang tantanan, sampahan mo na ng kaso! Invasion of privacy na 'yan! Andami mo na ngang ginawa, dedma pa rin. Ano ba'ng hinihintay n'yang sagot? Na, "Eto, relaxed, heartbroken eh. Try mo rin! Para ka lang nagpa-spa!" Ganon?