Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, July 28, 2009

"Musta Naman Ang Lovelife?"


Matapos ang usaping moving on, dadako naman tayo sa pagsagot sa tanong na obvious na nga ang sagot, itatanong pa.

"Musta naman ang lovelife mo?"

'Di ba? Kung hindi ba naman nananadya? Nakita na ngang namumugto ang mata mo at sagana ka na sa sustansya ng eyebags, ito pa talaga ang napiling itanong sa 'yo. Pwede namang find the value of x ( 'di pala pwede kase may x, baka lalo kang magwala! ). O kaya naman, solve the following equations. Pwede ring match column A with column B o kaya fill in the blanks. 'Di ba? Andami namang tanong, 'yun pa talagang hindi mo masyadong na-review ang ibabato sa 'yo.

"Musta naman ang lovelife mo?"

Masyado ka namang pa-mysterious kung smile lang ang isasagot mo. Parang sinabi mo naman na manahimik na lang 'yung nagtanong sa 'yo.

Kapag sinabi mo namang "It's OK.", para mo naman silang pinakain ng ampalaya. Ang pait!

Kapag sinabi mo namang "No comment", trying hard ka namang mag-artista.

Kapag humagulgol ka, masyado namang give away ang answer. Hindi man lang umabot na nagdemand ng clue 'yung nagtanong.

Kapag nagmaang-maangan ka naman at kunwari eh hindi mo narinig ang tanong, baka mas bongga pa ang itanong sa 'yo ' pag inulit.

Kaya nga ang idea, maging matalino sa pagsagot. Huwag rin namang gumaya sa Miss India sa mga beauty contest na ang haba haba ng sagot samantalang ang gusto lang namang sabihin eh "Wow!".

Importante sa pagsagot ng question na ito ay 'yung hindi na magpa-follow-up question 'yung nagtanong. Minsan kase, ang follow up question eh 'yung tanong na masusundan pa ng sobrang daming follow up question tulad ng, "Ha? Anong nangyari? Kwento mo naman!". Ayan na! D'yan na maguumpisa ang scoop!

Kaya 'pag sumagot ka, siguraduhing mahihinto na sa isang tanong lang. Pwede kang maging charming, amusing, sarcastic, mapanglait, ambiguous, funny, witty o nanggugulat. 'Yung tipong kapag sumagot ka, either masa-shock s'ya for a while sa sagot mo para may time kang maka-escape o kaya naman eh mada-divert mo ang usapan sa ibang bagay.

"So, musta naman ang lovelife mo?"

Hay naku! Pumili na lang ng isasagot sa mga sumusunod na listahan!


1. “Eto, parang entry sa raffle, hindi mabunot-bunot.”

2. “Eto, hinahanap pa rin ang hideout ng mga soulmate ko. Nakita mo ba?”

3. “Bakit, kung sasabihin ko bang butata may magagawa ka?”

4. “Eto, parang epilepsy, pasumpong-sumpong…”

5. “Eto, parang ukay-ukay, 3 for 100 na nga lang, tinatawaran pa.”

6. “Eto, parang patis, ang daming gustong makisawsaw.”

7. “Eto, parang Coke, ZERO.”

8. “Eto, single…single parent.”

9. “Sinubukan ko na lahat: girl, boy, bakla, tomboy, wala talaga!”

10. Sagot ng officemate ko tuwing may magtatanong sa kanya nito: “P*tang*na mo rin!”

11. “Feeling ko ilang buwan pa, kaong na ito!”

12. “Eto, parang ikaw, hindi maganda.”

13. “Eto, parang gobyerno, bulok.”

14. “Eto, parang sinabawang gulay…makulay.”

15. “Eto, self-supporting.”

16. “Eto, parang kaning bahaw, malamig.”

17. “Eto, parang pag-nguya ng chewing gum, sa una masarap, pagtagal nawawalan na ng lasa…ang sarap na iluwa.”

18. “Buti pa ang chemistry class ko, may lab.”

19. “Eto, parang pasko, once a year lang.”

20. “Manong, bayad muna, bago lovelife!”

21. “Will you shut up and let me breastfeed in peace?”

22. “Tulad ng sabi ng Friendster account ko, it’s complicated.”

23. “Eto, parang buhok mo…bagsak!”

24. “Eto, parang face mo…ang pangit!”

25. “Eto, parang taxi: bawal mamili, bawal mabakante, at bawal tumanggi pag may gustong sumakay!”

26. “It’s like a vacuum cleaner, it sucks.”

27. “Eto, parang mga kuko mo sa paa…patay!”

28. “Eto, parang palitaw, lulubog, lilitaw.”

29. “Eto, parang buhok mo sa kilikili, magulo!”

30. “Eto, parang funeraria, walang kabuhay-buhay!”

31. “Ano, gusto mo suntukan na lang!”

32. “Eto, taken…taken for granted!”

34. “Eto, parang google, searching…”

35. “Eto, parang skin mo, rough.”

36. “Eto, parang painting, abstract!”

37. “Eto, parang boses mo, flat.”

38. “Same to you.”

39. “Eto, parang cancer, walang gustong madapuan.”

40. “Eto, parang ancient alphabet, ang hirap i-translate.”

41. “Eto, parang gilagid mo lang, full of darkness.”


O 'di ba? 'Di ko pa nasusubukan pero sa tingin ko naman effective ang mga ito. Kung sa tingin mo eh hindi umubra ang mga 'yan, try mong sumagot sa Chinese language hanggang magsawa sila sa kakatanong.

Pwede ring magkunwari kang ibang tao at sumagot ka ng, "I'm sorry but I'm not who you think I am. I am human." Antaray 'di ba? May identity theft na nagaganap!

O kaya, magpretend kang napo-possessed with matching ikot ikot ng ulo na parang pang-Exorcist. Tignan natin kung hindi ka pa naman layuan!

At, kung talagang makulit at ayaw ka talagang tantanan, sampahan mo na ng kaso! Invasion of privacy na 'yan! Andami mo na ngang ginawa, dedma pa rin. Ano ba'ng hinihintay n'yang sagot? Na, "Eto, relaxed, heartbroken eh. Try mo rin! Para ka lang nagpa-spa!" Ganon?

18 comments:

  1. puro kalokohan ka marvs.hahaha

    laughtrip to. san mo nakuha ang mga pamatay na sagot na to? kung ikaw lang nag-imbento, aba'y sobrang astig ka. :p

    apir tayo!

    ReplyDelete
  2. hahahahahah! mare, sumakit ang tyan ko kakatawa. mahiram nga ang karamihan sa sagot dyan.

    ReplyDelete
  3. hehehe goodluck nalang sa sasabihan mo niyan di ba?

    ReplyDelete
  4. Hahaha. LVet.

    Perfect sa akin yung parang funeraria, walang kabuhay buhay!

    ReplyDelete
  5. Ha ha ha, mareeee... bakit ganyan mga post mo? "Musta naman ang love life mo?" ahihih..

    Tingin ko effective ung #10, ha ha ha.. :D

    anyway, flattered ako sa pagbasa mo sa mga posts ko :D tenchu!

    ReplyDelete
  6. @ flamindevil,

    hahaha! tawa lang, rye! nope! not entirely mine. nakuha ko lang sa forwarded e-mail ng friend ko. nilagyan ko lang ng writeup tsaka dinagdagan ko ung list. apir! :p

    @ ifoundme,

    uy! mare, 'wag mo lang isasagot s akin ha! hihihih.

    @ yhen1027,

    hihihi. gudluck tlga lalo na dun sa "eto, parang ikaw, pangit!". issue 'toh! lols!

    @ k.noizki,

    hahaha! enjoy! :)

    @ mareng madz,

    mare, nde bagay sa 'yo 'tong post na 'to. maxadong bongga lablyp mo eh! hihihih. siguro bagay sa 'yo 'yung sagot na "eto, parang fiesta, bongga!" hihiihihi.

    ReplyDelete
  7. mare, pwede ring Pepsi! ahihih.. MEGA!

    ReplyDelete
  8. 11 ako hahaha
    puro ka kalokohan e hehe

    ReplyDelete
  9. natural na natural daming mapupulot na aral!.... aral nga ba?:)

    ReplyDelete
  10. Hello there!

    Kindly update your listings/blog rolls/ link list/ blog directories..
    pehpot.blogspot.com is now GOSSIP MOM

    MAKE OR BREAK
    now have its own domain:www.pehpot.com

    PLease update your listings and add or change the said blogs.. rest assured that your link/ blog is listed on both blogs..

    Thanks a lot and have a great week ahead of you!

    Make or Break

    ReplyDelete
  11. @ mareng madz,

    ...or, Sprite, obey your thirst! hahaaha. andae! :)

    @ dencios,

    uy gusto ko ng kaong ha! hahahha! :p

    @ ate jong,

    hiihihi. busy ka na 'teh. ako naman ang nde. andami kong time! kaso puro time for myself lang eh. hihiihihi.:p

    @ pehpot,

    uu na! Gossip Mom tlga! :p

    ReplyDelete
  12. dumaan at nagparamdam.may secret akong sabihin sayo.satin-satin lang.

    cinopy paste ko tong entry na to at sinend ko sa mga pinoy na ofismates ko dito sa call center.laughtrip talaga. :p

    ReplyDelete
  13. wahahaha... the best ka talaga marvin. where were you when i needed those lines? sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa kangingiting aso tuwing tinatanong ng mga tao kung kamusta na ang lovelife ko. di rin ako mahilig magkwento ng mga drama anthology kaya madalas napakaawkward ng mga moments tuwing tinatanong ako ng lecheng tanong na yan.

    at least ngayon, may isasagot n a ako. salamat!

    at least ngayon, may isasagot na ako.

    ReplyDelete
  14. Mare, may bago akong hirit... Ang LoveLife ko, parang 8888, UNLIMITED, :D

    ReplyDelete
  15. @ flamindevil,

    hahaha! spread the luuurve! :p

    @ sianghelnawalangpakpak,

    wahihihi! tama! nararapat lang na sagutin ng bonggang bongga ang tanong na 'yan! print mo 'to mare 'tapos ipaskil mo sa ref para lagi kang mare-remind just in case.

    @ mareng madz,

    andae tlga! hahahah! pwede ring , "eto, parang seiko wallet, maswerti"! :)

    ReplyDelete
  16. Thanks to you, I learned many interesting things. I hope to learn more. I congratulate you for these wonderful shares. Keep it up!

    voyance ; voyance par mail gratuite

    ReplyDelete
  17. Lahat ng bagay ay napaka-bukas at malinaw na paliwanag ng mga isyu. ay tunay na impormasyon. Ang iyong website ay lubhang kapaki-pakinabang. Salamat para sa pagbabahagi.

    ReplyDelete
  18. Salamat, ako kamakailan-lamang ay naghahanap para sa impormasyon tungkol sa paksang ito para sa mga edad at iyo ay ang pinakadakilang ako ay may natuklasan hanggang ngayon. Ngunit, kung ano ang tungkol sa ilalim na linya? Sigurado ka bang tungkol sa pinagmulan?

    ReplyDelete