Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, November 25, 2007

Samid

Ehek! Ehek!

Nasamid ako kanina. Bakit nga ba tayo nasasamid? Mali ba yung paglunok pag ganun?

Hmm, parang marami pa 'kong dapat matutunan sa mga lunok lunok factor na yan ah! ahihiihi

Anyway, eh davah, ugali na nating mga Pinoy yung pag nasamid eh may i ask ng noomeroo? Tapos, yung noomeroo, may katumbas na letter. Pag 1, letter A. Pag 2, letter B. etc. Tapos, yung naturang noomeroo ang magcocorespond sa first letter ng taong nakaisip sa iyo na siya ring salarin kung vahket ka nasamid samid!

So, un, drink ako ng water sa pantry tapos nasamid nga ang lola. Eh nagkataon na andun si Nazirudeen na taga-linis ng aming opisina. Siya lang naman yung matiyagang nag-vavacuum para lang magkaroon ng ingay ang office namin na dinaig pa ang memorial park sa sobrang katahimikan. may naglilista kasi ng maingay at may parusa ang malilista - halik sa amo ko! choz!!

Anyway, back sa samid, may I ask moi ng noomeroo sa kanya. Tumingin muna siya sa kin na parang tinatantiya kung hindi ko ba siya ookrayin pag pinatulan nya ang tanong ko at nang ma-realized nya na mukha naman akong seryoso, sabi nya - Seven...

Seven? Hay naku...

2 comments:

  1. I really love what you do, bravo !!! Thank you for sharing this article with us.

    voyance sérieuse en ligne

    ReplyDelete
  2. Thank you for sharing, this information is useful to me,good quality.

    ReplyDelete