Free Blog Counter
Poker Blog

Saturday, November 24, 2007

Sssshhh - Beng - Episode 2



ang mga sumusunod na kaganapan ay nangyari apat na araw na ang nakalilipas. dahil sa wantusawang pagtatrabaho ng lola nyo, nde ko na naa-update ang vlog kech. hmp!


nakausap ko na naman si Beng from Habib Bank AG Zurich ( wag daw kakalimutan ang AG Zurich! yun daw kasi ang magtatakda ng kung sino ang makasalanan at kung sino ang maliligtas! echoz! ).

eto ang transcript ng usapan namin:

Beng: Kriiiiinggg! ( mwahahahaha! chaka naman ng ring ng phone namin. parang payphone...)
Marvin: GoodAfternoonMarvinSpeaking! ( walang hingahan yun! )
Beng: Hello?!
Marvin: ( Hello? Mystery Caller from line 2? ahihihi ) Uhm, Beng! Ano na?
Beng: Hay naku! Pagoda Philippines ang beauty ko kahapon.
Marvin: Vahket?
Beng: Eh pano, nag-bus ako hanggang makarating sa bahay noh!
Marvin: Ha? Eh ang car-u?
Beng: Eh di ba nga, nasa parking. Di ko dala.
Marvin: Ay! Chaka naman.
Beng: Sinabi mo! Kaya nga kahapon, nagpamasahe lang ako sa katulong ko tapos plakda na koh!
Marvin: In fairness, kakapagod magbyahe sa bus. Kaya nga ako, super taxi.
Beng: Hay naku, eh anghirap mag-abang ng taxi dun!
Marvin: Yun lang!
Beng: Kaya nga wala kang ibang choice kundi mag-bus!
Marvin: O, anong eksena mo nga pala kahapon?
Beng: Eh, yun nga...

( ang mga sumunod na pinag-usapan namin ay pawang confidential...)

previously kasi, we talked about sobrang daming stuffs. right now, she's cooking up something...that something could either break me or make me...o davah? kamustahin naman ang suspense powers ng eksenang yun! pero sabi nya, it could make me daw. pero i feel na kahit na it could break me eh sasabihin lang nya na "you should be thankful kasi you've learned something about it. remember, that which could not kill you ( break lang nga kasi...) could make you stronger". asus! taray ng linya ha! baka magalusan ang reputasyon ni Tiya Delly jan. ahihihii

eh ano nga ba yung SOMETHING na yan????? something fishy ba yan?

well, sabi nga ng bruha, according daw kay Sheikh Zayed, ang dating pinuno ng Nagkakaisang Arabong Emirates eh "although you can go public with a lot of things about you, make sure that there is at least a thing you're keeping from the public". o, ano kah! si potah, may words of wisdom tooth na naman! ahihihihi! davah? wisdom to the psycho level na itu!

ang question ng diyosa: "Eh why oh why namanchi?" with matching kandirit!

at inisplukara nya ng walang halong pag-iimbot ang misteryo ng Balete drive at ng mga kumaw na bumihag ng maraming Pilipino para kunan ng dugo na ihahalo sa semento ng ginagawang tulay upang itu ay tumibay! ahihihihi.

at sa pinagusapan namin, ipinahatid ko sa kanya ang takot na aking nararamdaman - takot na may kasamang ipit na tili, pilit na hikbi, kurot ng agam-agam at tikom na pagnanasa! ahihihihi.

ano veh!

3 comments:

  1. “I was looking for this information in search engines and thank god I got this information here. Thanks a lot”.

    ReplyDelete
  2. Beautiful, good post. I just came across your blog and I wanted to say that I really enjoyed reading your blog posts.

    voyance gratuite

    ReplyDelete
  3. Nice Stuff..! I also wish him good luck to defend his gold medal. I definitely enjoyed every little bit of it I have you bookmarked to check out new stuff you post.

    ReplyDelete