a lot of things are happening to my life right now. all at the same time. have you ever been in a situation where you feel like you are floating and things just pop up everywhere and you can not grab anything to hold?
just a few weeks after i came back from vacation, parang dun nag-start lahat. i got this plan to take Mars ( di tunay na pangalan - we'll discuss about him some other time, there'd be plenty of stories about him so, that should stimulate the curiousity in you, hehehe) on December ( which is like, less than a month from now? fuckshet!!!panic room itu! ), then i got this flirty moment with Melay's friend ( Gotawk ), tapos may moment din si Naruto ( ang Hapon na bumihag sa puso ng lola nyo ). so you see, sa usapang pag-ibig section, wiz akech lost in translation ( i think im beginning to sound like a baklang parlorista...uh well, ). pero ciempre, deadma lang sa mga ganyang moment. ninormal ko lang lahat kasi nga focused ako sa career dahil ang assistant ng lola mo eh fly sa sarili nyang bansa. so, solo flight ako sa Receivables kaya di ko napagtuunan ng masigasig na atensyon ang mga bagay bagay na yan. feeling balanced life kasi ang drama ko nun, so yon!
so, without deciding kung sino nga ba ang tinimbang ngunit kulang sa tatlong otoko sa buhay ni valeria del valle, pinagpatuloy ko ang buhay ko...ending, 3 days ago, nasa Sahari ang diyosa at may i emote ako sa Ate Mitz nyo. ewan ko ba. parang feeling ko panandalian lang ang siglang idinulot sa kin ng pagiging Goddess of the Universe ko sa tatlong otoko na yun! kanina, emote to the max ako kay Jong kasi i finally decided to let go of Naruto kasi, tinext ko na cia ng ilang beses and ignore lang ang lolo mo. honestly, masakit sa bading yun kasi di talaga namin mage-get over yung pain of rejection cheverlou! then, kagabi, di ko na rin ni-reply-an yung text ni Gotawk sa 'ken kasi parang magtetext lang naman cia sa kin pag tinext ko muna cia...walang extra effort akong nakikita from him na mag-initiate ng sms...
si Mars naman, darating na cia dito. Jong advised na I should take everything slow and not to expect anything as if mamahalin nya akong bigla pagkita namin sa airport. well, in fairness, nde naman ako ganun. yung kay Mars eh matagal ko na rin namang nalugar ang sarili ko. masaya na ko na kaibigan nya ako...pero i still have to talk to him tungkol sa ginawa kong pag-amin sa feelings ko for him sa e-mail. nung nagkita kasi kame, parang wala naman ciang reaction...pero hindi ako patatahimikin ni Tessa Concencia at ni Bodie Budhi pag nde ko nalaman yung saloobin nya dun - chaka man o katanggap-tanggap lang.
tapos kanina naman, nag-resign na yung cost auditor namin. sa kin pinapasa yung posisyon. di ko nga alam kung matutuwa ako o magsasaksak na lang eh. Kasi naman parang sumobra namang masyado yung kaswertehan ko sa career at wala nang natirang positive energy sa house of love ko! hayyyy, sabi nga nila, you can't really have it all...ek ek nila! Matagal ko nang tinanggap na pakana lang yan ng mga taong bigo!
sabi ni Mitz, maswerte daw ako kasi walang complications yung life ko. I can do what I want kasi single nga. ala akong inaalalang kung anech anech - no bf to look after, no bf to give me problems, no bf to worry me, no bf to allocate the time to. NAMAAAAN! eh, minsan, gusto ko rin namang mag-worry,minsan gusto ko ring mag-allocate ng pagkarami-raming kong time, and minsan, gusto ko rin mag-alaga ng mahal ko at isolve ang problema nya in 2 seconds! kamustahin naman yun di ba?
buti pa nga si Ati Rene, may lovelife. merong nagbibigay ng problema sa kanya at nagpapasakit ng ulo nya pero ang kapalit naman eh may kayakap cia sa gabi. fine, mababaw na yun kung mababaw. pero, at the end of the day, susukatin pa ba natin ang lalim ng ating ngiti? ( eeekkkk, ako ba 'to? )
anyway, wala na 'kong magagawa. mukhang sa susunod na mga linggo eh nde ko na naman masisilayan ang blog ko kasi for sure, sangkatutak na training at nakakasuyang handover na naman ang magaganap. kelan naman kaya ako hahand-overan ng pagmamahal? ahiihihihi ( tama bang tumawa ako bilang pagtatapos? ) ewan...
Sunday, November 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This is such a great resource that you are providing and you give it away for free. I love seeing websites that understand the value of providing a quality resource for free.
ReplyDeleteI have gone through your blog it was really very informative. I definitely share these views to my close friends keeps up the good work going. Waiting for your next post to live.
ReplyDelete