Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, August 11, 2009

Gotta Get Get

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get.

H*yupness! Nae-LSS ako sa Voom Voom Fow na 'yan! Sheeeeezzz! Erase! Erase!

Anyway, 2 days ago, nagpaalam na ako sa boss ko na magve-vacation ako ng Disyembre. Pagpasok ko sa office n'ya, masayang masaya ko s'yang binati sabay:

Me: Sir, I'd like to file a leave on December. Can I?
Sir: No.

Sarap upakan! Waaahhhh! Anong gagawin ko? Nde pwede 'toh!

Me: Yeah?
Sir: You can not go.

Seryoso talaga s'ya...kaya with all the malungkot emotion I could plaster sa fez ko, lulugo lugo at dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto n'ya nang nakaharap pa rin sa kanya. Sayang kasi 'yung effort kong magmukhang nalugi kung hindi n'ya makikita eh. Pro bono pa naman ang acting ko.

Sir: Why December? Are you getting married?

Aray ko! Wala ngang jowa, papakasal pa! Nde ba n'ya ramdam na laging ok lang sa akin ang umuwi ng late galing sa work?

Me: Nope.
Sir: If you are getting married, you can go on vacation until January.

May pang-aasar talaga! At epektib kase hindi na talaga ako natutuwa.

Me: I'm not getting married. I just want to spend my vacation in the Philippines on December.
Sir: Which dates?

Ayuuuunn!!!! Hahahahaha. Sa totoo lang, mahirap umakting ng malungkot ka kapag bigla kang nagkaroon ng pag-asa. Pero sa ngalan ng convince-ation, pinanindigan ko muna ang lungkot lungkutang fez.

Me: From the 3rd to the 20th...
Sir: No.

Sasapakin ko na talaga eh! Pero naalala ko, mas mahirap palang umakting ng galit na malungkot. Pinili ko na lang na maging malungkot lang. Time to negotiate.

Me: But I will be back before the closing starts.
Sir: We will be busy even before that.
Me: Ok, until the 13th then?
Sir: OK.

Did I hear an OK? Gusto ko na s'yang halikan nung time na 'yun!

Me: What about until the 15th?
Sir: Until the 13th. Don't negotiate anymore. Get out of my office.

Tapos, gusto ko na uli s'yang sapakin! Hahahaha.

Pero hindi na baleng maikling panahon lang. Ang importante, I'm going home in December. I'd be celebrating my birthday there! Yiheeee!!!

At para mailabas ko ang kasiyahan ko, nag-diet ako nung gabi at gumawa lang ng veggie salad at nag-stir fry ng fresh mushrooms.

Alam kong irrelevant 'yung pagda-diet kaya nag-aya akong kumain sa paborito naming japanese resto the next day! Hihihi. I'm soooo looking forward to my birthday!

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get. Hahahahha!

Thursday, August 6, 2009

Mader's Birthday

Kriiingggg!!!

Me: Hello...

Mader: Marhaba! (pagbati 'yan sa Arabic. fluent nanay ko d'yan eh!)

Me: Heller! Ma, happy birthday! Happy birthday to 'ye! Happy birthday to 'ye! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to 'ye! Ahihihihi. O, anong chizmis sa bahay? Sinong mga nand'yan?

Mader: Tenkyu! Hindi pa ngayon birthday ko anak. Bukas pa 'yun!

Toinks!

Me: Ahihihihi. Sorry naman! Bukas pa ba?

Mader: Oo naman!

Me: Ahehehehe. Ukei! Bukas na lang ako tatawag. Ahahahah! Award!

Birthday ng aking mader. Ang nagtaguyod sa amin lalo na nung wala na si pader.

Kamukha ko daw siya sabi ng mga tao. In fairness, namana ko sa kanya ang walang kapantay na katarayan! Ahahaha! Highlight yata ng buhay n'ya nung nakamayan n'ya si PGMA nung graduation namin. Dama ko ang pagiging feeling high and mighty n'ya nun. Sabi ko sa kanya n'un:

Me: Ma, 'wag kang ma-starstruck. Normalin mo lang.

Mader: Hindi naman, anak.

Me: Sus! Ramdam ko ang excitement, Ma. 'Wag i-hide!

Mader: Ikukwento ko 'to sa amo ko tsaka sa mga kaibigan ko sa Dubai! Maiinggit 'yung mga 'yun.

Me: Taray! 'Wag ka d'yan sa ulap, Ma. Baba ka ng konti. Ahihihi.

Mader: Teka nga! Contrabida ka eh. Nasaan na ba 'yung kumuha ng picture namin ni Gloria.

Me: Friendship kayo? First name basis ah!

Mader: Hayaan mo na nga ako. Nasaan ba 'yung cameraman?

Me: Wala! Wala nang ebidensya. Umalis na 'yung cameraman. Hahahahaha.

Well, just like what an old Jewish proverb say, "God could not be everywhere, so he created mothers".

Dear Ma, I thank God for you.

:)

Tuesday, July 28, 2009

"Musta Naman Ang Lovelife?"


Matapos ang usaping moving on, dadako naman tayo sa pagsagot sa tanong na obvious na nga ang sagot, itatanong pa.

"Musta naman ang lovelife mo?"

'Di ba? Kung hindi ba naman nananadya? Nakita na ngang namumugto ang mata mo at sagana ka na sa sustansya ng eyebags, ito pa talaga ang napiling itanong sa 'yo. Pwede namang find the value of x ( 'di pala pwede kase may x, baka lalo kang magwala! ). O kaya naman, solve the following equations. Pwede ring match column A with column B o kaya fill in the blanks. 'Di ba? Andami namang tanong, 'yun pa talagang hindi mo masyadong na-review ang ibabato sa 'yo.

"Musta naman ang lovelife mo?"

Masyado ka namang pa-mysterious kung smile lang ang isasagot mo. Parang sinabi mo naman na manahimik na lang 'yung nagtanong sa 'yo.

Kapag sinabi mo namang "It's OK.", para mo naman silang pinakain ng ampalaya. Ang pait!

Kapag sinabi mo namang "No comment", trying hard ka namang mag-artista.

Kapag humagulgol ka, masyado namang give away ang answer. Hindi man lang umabot na nagdemand ng clue 'yung nagtanong.

Kapag nagmaang-maangan ka naman at kunwari eh hindi mo narinig ang tanong, baka mas bongga pa ang itanong sa 'yo ' pag inulit.

Kaya nga ang idea, maging matalino sa pagsagot. Huwag rin namang gumaya sa Miss India sa mga beauty contest na ang haba haba ng sagot samantalang ang gusto lang namang sabihin eh "Wow!".

Importante sa pagsagot ng question na ito ay 'yung hindi na magpa-follow-up question 'yung nagtanong. Minsan kase, ang follow up question eh 'yung tanong na masusundan pa ng sobrang daming follow up question tulad ng, "Ha? Anong nangyari? Kwento mo naman!". Ayan na! D'yan na maguumpisa ang scoop!

Kaya 'pag sumagot ka, siguraduhing mahihinto na sa isang tanong lang. Pwede kang maging charming, amusing, sarcastic, mapanglait, ambiguous, funny, witty o nanggugulat. 'Yung tipong kapag sumagot ka, either masa-shock s'ya for a while sa sagot mo para may time kang maka-escape o kaya naman eh mada-divert mo ang usapan sa ibang bagay.

"So, musta naman ang lovelife mo?"

Hay naku! Pumili na lang ng isasagot sa mga sumusunod na listahan!


1. “Eto, parang entry sa raffle, hindi mabunot-bunot.”

2. “Eto, hinahanap pa rin ang hideout ng mga soulmate ko. Nakita mo ba?”

3. “Bakit, kung sasabihin ko bang butata may magagawa ka?”

4. “Eto, parang epilepsy, pasumpong-sumpong…”

5. “Eto, parang ukay-ukay, 3 for 100 na nga lang, tinatawaran pa.”

6. “Eto, parang patis, ang daming gustong makisawsaw.”

7. “Eto, parang Coke, ZERO.”

8. “Eto, single…single parent.”

9. “Sinubukan ko na lahat: girl, boy, bakla, tomboy, wala talaga!”

10. Sagot ng officemate ko tuwing may magtatanong sa kanya nito: “P*tang*na mo rin!”

11. “Feeling ko ilang buwan pa, kaong na ito!”

12. “Eto, parang ikaw, hindi maganda.”

13. “Eto, parang gobyerno, bulok.”

14. “Eto, parang sinabawang gulay…makulay.”

15. “Eto, self-supporting.”

16. “Eto, parang kaning bahaw, malamig.”

17. “Eto, parang pag-nguya ng chewing gum, sa una masarap, pagtagal nawawalan na ng lasa…ang sarap na iluwa.”

18. “Buti pa ang chemistry class ko, may lab.”

19. “Eto, parang pasko, once a year lang.”

20. “Manong, bayad muna, bago lovelife!”

21. “Will you shut up and let me breastfeed in peace?”

22. “Tulad ng sabi ng Friendster account ko, it’s complicated.”

23. “Eto, parang buhok mo…bagsak!”

24. “Eto, parang face mo…ang pangit!”

25. “Eto, parang taxi: bawal mamili, bawal mabakante, at bawal tumanggi pag may gustong sumakay!”

26. “It’s like a vacuum cleaner, it sucks.”

27. “Eto, parang mga kuko mo sa paa…patay!”

28. “Eto, parang palitaw, lulubog, lilitaw.”

29. “Eto, parang buhok mo sa kilikili, magulo!”

30. “Eto, parang funeraria, walang kabuhay-buhay!”

31. “Ano, gusto mo suntukan na lang!”

32. “Eto, taken…taken for granted!”

34. “Eto, parang google, searching…”

35. “Eto, parang skin mo, rough.”

36. “Eto, parang painting, abstract!”

37. “Eto, parang boses mo, flat.”

38. “Same to you.”

39. “Eto, parang cancer, walang gustong madapuan.”

40. “Eto, parang ancient alphabet, ang hirap i-translate.”

41. “Eto, parang gilagid mo lang, full of darkness.”


O 'di ba? 'Di ko pa nasusubukan pero sa tingin ko naman effective ang mga ito. Kung sa tingin mo eh hindi umubra ang mga 'yan, try mong sumagot sa Chinese language hanggang magsawa sila sa kakatanong.

Pwede ring magkunwari kang ibang tao at sumagot ka ng, "I'm sorry but I'm not who you think I am. I am human." Antaray 'di ba? May identity theft na nagaganap!

O kaya, magpretend kang napo-possessed with matching ikot ikot ng ulo na parang pang-Exorcist. Tignan natin kung hindi ka pa naman layuan!

At, kung talagang makulit at ayaw ka talagang tantanan, sampahan mo na ng kaso! Invasion of privacy na 'yan! Andami mo na ngang ginawa, dedma pa rin. Ano ba'ng hinihintay n'yang sagot? Na, "Eto, relaxed, heartbroken eh. Try mo rin! Para ka lang nagpa-spa!" Ganon?

Sunday, July 19, 2009

5 Easy Steps To Moving On

Katatapos mo lang bang makipag-break kay jowa?

Nade-depress ka ba at nahihirapang mag-move on kahit na sinasabi mong ok ka lang?

Na-perfect mo na ba ang pagbilang ng mga stars sa kakatingin sa langit nang mag-isa?

Nagsulat ka na ba ng suicide note o nag-record ng sariling suicide video (uuuyy! pang-youtubebang!)?

Napadaan ka ba sa blog ko para maghanap ng paraan na maibalik ang katinuan mo?

Kung ang sagot mo sa lahat ng iyan ay "yes!" na may kasamang panginginig, aba'y kawawa ka naman! Pero, swerte mo! Dahil bibigyan kita ng lima - hindi jisa, hindi jolawa, shotlo o kyopat - kundi, lima as in Lima, Peru!...limang bonggang steps para bumalik sa normal ang iyong buhay at makalimutan mo na ang jowaers mong dinedma ang kagandahan mong taglay.

Paunawa: Bago basahin ang mga sumusunod na steps, kinakailangang magsindi ng puting kandila with matching ora-orasyon para siguradong mabisa. At para talagang epektib, magsindi na rin ng insenso at magpahid ng langis sa buong katawan ( optional 'to!). Hehehe. 'Wag mo nang gawin 'yan kung ayaw mong lumabas na uto-uto.

Heto na:


1. Bitch around.

Dahil mainit ang ulo mo at dahil numb ka na sa sakit na dulot sa iyo ng break up, aba eh maging insensitive ka na pansamantala sa feelings ng iba! Ang layunin nito eh para mailabas mo na ng todong-todo ang natitira pa sa mga kinikimkim mong galit at hinanakit.

Halimbawa, kung maisipan mong kumain sa isang restaurant at ganito ang naging eksena:

Waiter: Ma'am, table for one?

Sagutin mo ng:

You: Baket? Dahil ba mukha akong single? 'Yun ba ang gusto mong sabihin? Na malamig ang gabi ko? Ano, nang-aasar ka? Tawagin mo nga ang manager mo!

Or...

Waiter: Ma'am, oorder po?

You: Hinde! Magpapahula! Pwedeng magpahula dito? Restaurant 'to 'di ba? So, magpapahula ako. Ilabas n'yo ang pinakamagaling n'yong psychic 'tapos samahan mo na rin ng extra tarot card.

Mas maganda na bago gawin ang step na ito ay mag-internalize muna ng character at isiping ikaw si Bella Flores.

Paalala lang: Huwag itong gawin sa paborito mong kainan dahil baka i-ban ka na habambuhay. Worse, 'wag itong gawin kung ang waiter ay si Manny Pacquiao. 'Pag nagkataon, alam mo na kung saan ka pupulutin.




2. Learn a new trade alone.

Ang point nito ay para ma-appreciate mo na after a while, ang breakup mo with jowa ang kailangan mo para naman magawa mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon dahil demanding si jowa sa time.

Ito ay maaaring isang uri ng sport o hobby o kahit ano lang na pagkakainteresan mo. Hindi ko ipapayo na mag-aral ng art of kulam o pambabarang para lang makaganti sa sakit na idinulot ni jowa sa iyo. At, hindi ko ito binanggit para magkaroon ka ng ideya. Hindi talaga!

Hangga't maaari, umisip ng pagkakaabalahan na hindi makikita ng ibang tao na heartbroken ka. Wala ka nang ibang magagawa kundi aliwin mo ang sarili mo sa paraang hindi mo kakailanganin si jowa.

Subukang mag-bungee jump at ibuhos ang luha habang nasa ere para hindi ramdam ng mga kasama mo na nasasaktan ka pa rin. Kung gusto mo namang matutong mag-isa, huwag mag-aral ng mga sports na kailangan ng kalaban katulad ng badminton o table tennis dahil nakakapagod na habulin ang bola o shuttlecock na inismash mo sa kabilang side, gaga kah!


3. Change your wardrobe.

Kapag pasok ang budget, ipagtatapon ang mga pinaglumaang damit o kaya ay ipamigay sa mga kaibigang nag-aabang na gawin mo ang number 3! I'm sure, isa ito sa mga consolation na hinihintay nila matapos nilang mapuyat at magka-hang over dahil ilang gabi ka ring nag-aaya ng nomoan. Bukod pa d'yan, mababawasan ang clutter sa buhay mo na hindi mo kailangan sa panahong ganito. Kailangan mong pagalawin ang "chi" sa buhay mo para naman mas madali kang mapalagay.

Unang una nang alisin sa wardrobe ang mga isinuot mo nuong Valentine's day, Christmas day at Anniversary date with jowa. Isama mo na rin 'yung sinuot mo noong um-attend ka ng binyag ng pamangkin n'ya. Hindi mo na dapat gustuhin pang mag-reminisce ng mga memories at ang mga damit na ito ay parang flashback sa mga moments mo with jowa. 'Wag kang makulit! Let it go.
Pero kung ipamimigay ang mga ito, payuhan ang pagbibigyan na huwag lumapit sa iyo within a 4 mile radius kung isusuot nila ang mga damit na ito. Sabihin na hindi mo maga-guarantee na hindi magdidilim ang paningin mo kapag nakita mong suot nila ito. Mas maganda kung papayuhan sila na mangibang-bansa para sure na sure na hindi mo na sila makikitang suot ang nga damit na binigay mo hanggang sa tuluyan mo nang makalimutan si jowa. After that, pwede na silang bumalik ng Pinas.

At sa mga bagong damit, pumili ng mga kulay na hindi naman gaanong pansinin katulad ng bright orange, sunny yellow at blazing red. For sure, wala talagang makakapansin sa 'yo n'yan! Pero kapag may umusisa sa 'yo, i-press release mo na lang na color blind ka.

Ang punto kase, ang mga kulay na iyan ay nakakapagpasaya sa mood ng isang tao. Sabi pa nga ng teacher ko nung high school, nakakatulong daw ang pagsusuot ng mga damit in "happy colors" para bumilis ang paggaling ng isang taong maysakit. Nakakatulong din daw ito para mawala ang stress. Nagtataka ka pa ba kung bakit orange ang suot ng mga preso?

Pero kung naaasar ka sa makukulay mong damit dahil hindi "click" sa heartbreak mood mo, pumili ng mga neutral colors na hindi masyadong "loud". Bahala ka. Matigas ang ulo mo eh!


4. Get a new look.


Ang objective is to feel good about yourself. Oo na, heartbroken ka. Pero huwag mong ipagsigawan sa buong mundo na "I'm a mess!". Baka makita mo na lang ang sarili mong nakasilid sa isang lalagyan na may nakapaskil na "non-biodegradable".

Kung noon ay asar talo ka kapag kinukurot ni jowa ang iyong bilbil, ipa-lipo mo na 'yan. At kung dati ay madalas kang usisain ni jowa sa iyong body hairs, ipa-laser treatment mo na rin 'yan. 'Wag ka nang magdalawang isip pa, ineng!

Kung dati ay boring ang mahaba mong buhok, magpagupit ka ng "laiterang" style ng hair. 'Yung hair na sa unang tingin pa lang, nangookray na! Tapos, magpa-spa at magpa-diamond peel ka at i-try mo na rin ang iba't ibang klase ng precious stone peel - jade peel, ruby peel, pati sapphire at emerald peel. Kumpletuhin mo na! Patulan mo na rin pati ang pebbles peel.

Huwag mag-alala sa gastos dahil remember, 'yung perang inipon mo para ipambili ng gift kay jowa sa anniversary n'yo ay pwedeng pwede mo nang galawin! Withdraw na!


5. Mag-out of town trip.

Mag-empake at bisitahin ang mga lugar na makakapag-uplift ng spirit mo. Kung gusto mo, pwede mong gayahin ang cycling competition at maghanda ng sarili mong Tour of Luzon. Ito na ang pagkakataon mo para mapuntahan ang mga magagandang lugar sa Pilipinas na aminin mo man o hinde eh nauna pang mapuntahan ng mga turistang bumibisita lang.

Hangga't maaari, umiwas sa ibang tourist destination tulad ng distressed area ng Tondo dahil baka lalo lang ma-stress. Sayang naman ang bagong hair at diamond peel. And, for the same reason, huwag magpakabibo sa pagbisita sa Visayas at sumali sa ati-atihan. Makuntento ka nang audience ka lang!

Iwasan ding bumisita sa mga kuta ng Abu Sayyaf sa Mindanao dahil hindi uubra ang pagtataray mo d'un!

At s'yempre, bago maglakwatsa, siguraduhing magpaalam sa mga magulang. Hindi lang para bigyan ka ng blessings kundi para makaiwas na rin sa commotion na pwedeng mangyari kapag dalawang linggo na ay hindi ka pa bumabalik at aksidenteng nakita ni mudra ang suicide note mo na sinulat mo bago mo naisip na basahin ang blog ko.

So, 'yun lang! Inaasahan kong nakatulong ako ng malaki para maka-recover ka ng bonggang bongga. Kung sa palagay mo ay hindi nakatulong sa iyo ang mga pinagsasabi ko dito, mangyaring piliin mo na lang na manahimik.
:-)

Friday, July 10, 2009

Pagkurap

minsan, we hold on to something too long enough dahil na rin sa nararamdaman nating affinity sa bawat saglit na tignan natin ito. we tend to look at and reminisce the past instead of learning from it kaya talagang minsan, anghirap bumitaw.

paninindigan ba tawag d'un?

hanggang sa maging dragging na ang bawat sitwasyon at panahon. hindi ka na maka-move on. hindi ka na nabubuhay sa present. dahil stubborn kang umaasa sa akala mo ay mababago rin isang araw.

marami kasi sa atin ang naniniwala sa kasabihang "kung saan ka nadapa..."

hindi natin nare-realize na mas importanteng maintindihan at malaman na minsan, may mga laban talaga na dapat nang isuko. na sa buhay, may mga laban na nakatadhana nang hindi natin maipapanalo.

ang mahalaga naman natuto ka. maaaring nalugmok ka pansamantala. pero ikaw pa rin ang pipili kung gaano katagal ang pansamantala, hindi ba?

hindi ba't marami ka na ring napalagpas na pagkakataon para mag-iba ang ikot ng mundo mo?

"sa pagpinid ng ating mga mata at sa muli nitong pagbukas, bakit hindi naman natin tignan ang sa simula't simula pa ay naghihintay lang na makita natin?"

Friday, June 26, 2009

Lip Liner 7


Wimbledon Disappointment.

Rafael Nadal is not playing the grass this year. I was soooo disappointed! Hindi na nga n'ya na-defend 'yung French Open, pati ba naman ang Wimbledon? But then again, that does not change the fact that he is a great player. I just wish he stays out of injuries so people can see him playing Grand Slams more often for the many years to come. Besides, tennis will become boring without him.


Pop Goes the King.

Michael Jackson died on Thursday. I grew up to his music and had tried to emulate his moonwalk. Sheez! Just kiddin' on the moonwalk part. Hehehehe. Well, I assume that he is one celebrity not a single person on earth who is not in a coma does not recognize ( no matter how vague, no matter how demeaning ). So, expect a barrage of news on every media about anything related to the King of Pop.


Probably Probable.

I have been using the word "probably" so profusely in my correspondence and conversations that I think I am beginning to unuse "maybe". I just love the sound and tone it brings to a message. It seems more high end, tactful and genuinely savoir faire. And, probably very British.


To Renovate Or Rebuild?

I have finally decided not to renovate our family home. Well, just last night since the dilemma started 3 years ago. I was told that renovating is costlier than building a new house. Besides, creativity is limited in renovation. There are just some things you can not do as some parts are almost impossible to change already. So, I called my mother today and told her I want the house destroyed! She was speechless for a while and, knowing that she did not raise a monthly period-stricken b*tch, had to laugh out loud when she realized it was just me being Marvin again. Very up-to-the-moment. I told her they will practically be homeless until the new one is built while I'd be tightening my already tight belt. Still, I'm nothing short of excited!


Quick Round Up.

My friend Bessie gave birth last week to a baby boy. I told her how happy I am now that she is a mother. Apparently, she's loving every moment of it! Meanwhile, recently, Jocelyn, a classmate from elementary found me in Dubai through Friendster. It was a long shot from those days but I can still remember how she used to fetch me up to go for Christmas carolling every year. Sheer fun and pure business! Hahaha. Incidentally, through Friendster (again, albeit I don't log in to that social networking site very often anymore) also, I found out that one of my high school classmates, Popes and one of my college schoolmates, Abe (he aptly changed it to Yva, that b*tch! hehehehe) are working in Dubai. Have excitedly spoken with them but haven't met all of them yet so, I guess I'd be looking forward to a busier calendar next month. Oh saints save this blog!

Sunday, June 21, 2009

Coming Out

Sa mga naghanap sa akin, narito lang ako. Hindi ako nawala. Huwag kayong mag-alala. Ligtas ako sa swine flu kung iyan ang nasa sa isip n'yo.

At sa mga magtataas ang kilay dahil hindi nila naramdaman ang pagkawala ko, pakiusap, manahimik po kayo!

Ahihihihihi. Comeback ko 'to, baket ba!

Well, kinailangan ko lang talaga ang moment. Matinding pangangailangan ng moment...


...para sa nakaka-nosebleed na adjustment at kasanayan sa bago naming payroll system. Nabilang ko na ata lahat ng bituin sa langit at mga ilaw sa bawat sulok ng hotel namin dahil sa halos bente kwatro oras kong pagroronda. Minsan iniisip ko, is it worth it? Ano ba talaga ang trabaho ko? Tiga-pasweldo ba o barangay tanod? Bakit wala akong vest? Nasaan ang ever reliable deadly batuta? Bakit walang naghahanap kay chairman?

...para sa pagbawi ng mga tulog na nawala at lumipas. Ansakit pala talaga sa loob nang malipasan ka ng antok. Ngayon ko lang na-realize 'yung napanood ko sa isang series tungkol sa mga hotelier. Mahirap daw ang buhay ng isang nagtatrabaho sa hotel. Lalo na kung ang karelasyon mo eh hindi hotelier. Madalas daw pagod ka dahil sa long hours at wala kang mai-devote na time para sa partner mo kapag gising sila. Kapag naman daw sila ang pagod, ikaw naman ang gising at wala ka ring magawa kundi i-try na lang matulog kasama sila. Hayzzz! Pero mahal ko na 'ata ang pagtatrabaho sa hotel. I can't get enough of it.

...para sa pagdadownload at panonood ng tv series at movies na na-miss ko dahil nagtututulog ako. Natapos ko na ang Prison Break at nalungkot ako sa ending. Wala na akong aabangang Michael Scofield! Huhuhuhu. May mga sapantaha ang mga kaibigan ko na may season 5 pa ito dahil ang magpapatuloy daw ay ang anak ni Michael. Sige lang mga ineng! Hintayin ninyong magbinata 'yung bagets!

...at siyempre, para isaayos ang mga priorities ko ulit sa buhay. Nagawa kong mag-SWOT analysis, short at long term plan checking & revision, cost-benefit analysis, reforecast at kung anik anik pang chuva na sa tingin ko eh much needed sa panahon ng krisis. Kulang na nga lang mag-Eva test na rin ako para magkaalaman na! Hihihihi.

At bago ko makalimutan, ang larawan sa itaas ay kuha nitong nakaraang kaarawan ng matalik kong kaibigan na si Jong. 'Yung babaeng nakakulay lumot pero hindi naman po s'ya amoy lumot. Huwag po natin s'yang husgahan. Hihihihihi.

Well, opo! May birthday s'ya. At nagtipar-tipar ang hitad!

Hindi ko na kinuhanan ang handa dahil mas delectable naman ako dun! At isa pa, napaka-demanding ng celebrant sa regalo. Nadehydrate ako sa ipinabili! Hmmmph!

Anyway, umaasa ako na napatawad ninyo ako sa panandalian kong pagkawala at hayaan n'yong bumawi ako sa inyo sa mga susunod kong posts nang bonggang bongga.

At muli, sa mga hindi maintindihan ang mga pinagsasabi ko dito, manahimik po kayo!

:-)