Katatapos mo lang bang makipag-break kay jowa?
Nade-depress ka ba at nahihirapang mag-move on kahit na sinasabi mong ok ka lang?
Na-perfect mo na ba ang pagbilang ng mga stars sa kakatingin sa langit nang mag-isa?
Nagsulat ka na ba ng suicide note o nag-record ng sariling suicide video (uuuyy! pang-youtubebang!)?
Napadaan ka ba sa blog ko para maghanap ng paraan na maibalik ang katinuan mo?
Kung ang sagot mo sa lahat ng iyan ay "yes!" na may kasamang panginginig, aba'y kawawa ka naman! Pero, swerte mo! Dahil bibigyan kita ng lima - hindi jisa, hindi jolawa, shotlo o kyopat - kundi, lima as in Lima, Peru!...limang bonggang steps para bumalik sa normal ang iyong buhay at makalimutan mo na ang jowaers mong dinedma ang kagandahan mong taglay.
Paunawa: Bago basahin ang mga sumusunod na steps, kinakailangang magsindi ng puting kandila with matching ora-orasyon para siguradong mabisa. At para talagang epektib, magsindi na rin ng insenso at magpahid ng langis sa buong katawan ( optional 'to!). Hehehe. 'Wag mo nang gawin 'yan kung ayaw mong lumabas na uto-uto.
Heto na:
1. Bitch around.
Dahil mainit ang ulo mo at dahil numb ka na sa sakit na dulot sa iyo ng break up, aba eh maging insensitive ka na pansamantala sa feelings ng iba! Ang layunin nito eh para mailabas mo na ng todong-todo ang natitira pa sa mga kinikimkim mong galit at hinanakit.
Halimbawa, kung maisipan mong kumain sa isang restaurant at ganito ang naging eksena:
Waiter: Ma'am, table for one?
Sagutin mo ng:
You: Baket? Dahil ba mukha akong single? 'Yun ba ang gusto mong sabihin? Na malamig ang gabi ko? Ano, nang-aasar ka? Tawagin mo nga ang manager mo!
Or...
Waiter: Ma'am, oorder po?
You: Hinde! Magpapahula! Pwedeng magpahula dito? Restaurant 'to 'di ba? So, magpapahula ako. Ilabas n'yo ang pinakamagaling n'yong psychic 'tapos samahan mo na rin ng extra tarot card.
Mas maganda na bago gawin ang step na ito ay mag-internalize muna ng character at isiping ikaw si Bella Flores.
Paalala lang: Huwag itong gawin sa paborito mong kainan dahil baka i-ban ka na habambuhay. Worse, 'wag itong gawin kung ang waiter ay si Manny Pacquiao. 'Pag nagkataon, alam mo na kung saan ka pupulutin.
2. Learn a new trade alone.
Ang point nito ay para ma-appreciate mo na after a while, ang breakup mo with jowa ang kailangan mo para naman magawa mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon dahil demanding si jowa sa time.
Ito ay maaaring isang uri ng sport o hobby o kahit ano lang na pagkakainteresan mo. Hindi ko ipapayo na mag-aral ng art of kulam o pambabarang para lang makaganti sa sakit na idinulot ni jowa sa iyo. At, hindi ko ito binanggit para magkaroon ka ng ideya. Hindi talaga!
Hangga't maaari, umisip ng pagkakaabalahan na hindi makikita ng ibang tao na heartbroken ka. Wala ka nang ibang magagawa kundi aliwin mo ang sarili mo sa paraang hindi mo kakailanganin si jowa.
Subukang mag-bungee jump at ibuhos ang luha habang nasa ere para hindi ramdam ng mga kasama mo na nasasaktan ka pa rin. Kung gusto mo namang matutong mag-isa, huwag mag-aral ng mga sports na kailangan ng kalaban katulad ng badminton o table tennis dahil nakakapagod na habulin ang bola o shuttlecock na inismash mo sa kabilang side, gaga kah!
3. Change your wardrobe.
Kapag pasok ang budget, ipagtatapon ang mga pinaglumaang damit o kaya ay ipamigay sa mga kaibigang nag-aabang na gawin mo ang number 3! I'm sure, isa ito sa mga consolation na hinihintay nila matapos nilang mapuyat at magka-hang over dahil ilang gabi ka ring nag-aaya ng nomoan. Bukod pa d'yan, mababawasan ang clutter sa buhay mo na hindi mo kailangan sa panahong ganito. Kailangan mong pagalawin ang "chi" sa buhay mo para naman mas madali kang mapalagay.
Unang una nang alisin sa wardrobe ang mga isinuot mo nuong Valentine's day, Christmas day at Anniversary date with jowa. Isama mo na rin 'yung sinuot mo noong um-attend ka ng binyag ng pamangkin n'ya. Hindi mo na dapat gustuhin pang mag-reminisce ng mga memories at ang mga damit na ito ay parang flashback sa mga moments mo with jowa. 'Wag kang makulit! Let it go.
Pero kung ipamimigay ang mga ito, payuhan ang pagbibigyan na huwag lumapit sa iyo within a 4 mile radius kung isusuot nila ang mga damit na ito. Sabihin na hindi mo maga-guarantee na hindi magdidilim ang paningin mo kapag nakita mong suot nila ito. Mas maganda kung papayuhan sila na mangibang-bansa para sure na sure na hindi mo na sila makikitang suot ang nga damit na binigay mo hanggang sa tuluyan mo nang makalimutan si jowa. After that, pwede na silang bumalik ng Pinas.
At sa mga bagong damit, pumili ng mga kulay na hindi naman gaanong pansinin katulad ng bright orange, sunny yellow at blazing red. For sure, wala talagang makakapansin sa 'yo n'yan! Pero kapag may umusisa sa 'yo, i-press release mo na lang na color blind ka.
At sa mga bagong damit, pumili ng mga kulay na hindi naman gaanong pansinin katulad ng bright orange, sunny yellow at blazing red. For sure, wala talagang makakapansin sa 'yo n'yan! Pero kapag may umusisa sa 'yo, i-press release mo na lang na color blind ka.
Ang punto kase, ang mga kulay na iyan ay nakakapagpasaya sa mood ng isang tao. Sabi pa nga ng teacher ko nung high school, nakakatulong daw ang pagsusuot ng mga damit in "happy colors" para bumilis ang paggaling ng isang taong maysakit. Nakakatulong din daw ito para mawala ang stress. Nagtataka ka pa ba kung bakit orange ang suot ng mga preso?
Pero kung naaasar ka sa makukulay mong damit dahil hindi "click" sa heartbreak mood mo, pumili ng mga neutral colors na hindi masyadong "loud". Bahala ka. Matigas ang ulo mo eh!
4. Get a new look.
Ang objective is to feel good about yourself. Oo na, heartbroken ka. Pero huwag mong ipagsigawan sa buong mundo na "I'm a mess!". Baka makita mo na lang ang sarili mong nakasilid sa isang lalagyan na may nakapaskil na "non-biodegradable".
Kung noon ay asar talo ka kapag kinukurot ni jowa ang iyong bilbil, ipa-lipo mo na 'yan. At kung dati ay madalas kang usisain ni jowa sa iyong body hairs, ipa-laser treatment mo na rin 'yan. 'Wag ka nang magdalawang isip pa, ineng!
Kung dati ay boring ang mahaba mong buhok, magpagupit ka ng "laiterang" style ng hair. 'Yung hair na sa unang tingin pa lang, nangookray na! Tapos, magpa-spa at magpa-diamond peel ka at i-try mo na rin ang iba't ibang klase ng precious stone peel - jade peel, ruby peel, pati sapphire at emerald peel. Kumpletuhin mo na! Patulan mo na rin pati ang pebbles peel.
Huwag mag-alala sa gastos dahil remember, 'yung perang inipon mo para ipambili ng gift kay jowa sa anniversary n'yo ay pwedeng pwede mo nang galawin! Withdraw na!
5. Mag-out of town trip.
Mag-empake at bisitahin ang mga lugar na makakapag-uplift ng spirit mo. Kung gusto mo, pwede mong gayahin ang cycling competition at maghanda ng sarili mong Tour of Luzon. Ito na ang pagkakataon mo para mapuntahan ang mga magagandang lugar sa Pilipinas na aminin mo man o hinde eh nauna pang mapuntahan ng mga turistang bumibisita lang.
Hangga't maaari, umiwas sa ibang tourist destination tulad ng distressed area ng Tondo dahil baka lalo lang ma-stress. Sayang naman ang bagong hair at diamond peel. And, for the same reason, huwag magpakabibo sa pagbisita sa Visayas at sumali sa ati-atihan. Makuntento ka nang audience ka lang!
Iwasan ding bumisita sa mga kuta ng Abu Sayyaf sa Mindanao dahil hindi uubra ang pagtataray mo d'un!
At s'yempre, bago maglakwatsa, siguraduhing magpaalam sa mga magulang. Hindi lang para bigyan ka ng blessings kundi para makaiwas na rin sa commotion na pwedeng mangyari kapag dalawang linggo na ay hindi ka pa bumabalik at aksidenteng nakita ni mudra ang suicide note mo na sinulat mo bago mo naisip na basahin ang blog ko.
So, 'yun lang! Inaasahan kong nakatulong ako ng malaki para maka-recover ka ng bonggang bongga. Kung sa palagay mo ay hindi nakatulong sa iyo ang mga pinagsasabi ko dito, mangyaring piliin mo na lang na manahimik.
:-)
Hi marvin, thanks sa pagbati sa aking kaarawan.
ReplyDeleteSa tingin ko, hindi ko kailanang 'yung 5 easy steps mo to move on :)
@ pau,
ReplyDeletepleasure...and yep! nde mo 'to kailangan. not ever! hahahaha! :)
Hahaha, ganda ng bitching mo kahit di ko na gets yung mga ibang churvaloos (as what Pokwang say it).
ReplyDeleteTo move on, you just have to DO it, hindi sinabi lang kasi the more we express our "anger" eh lalo kang may maalala.
Ikaw ba to ulet?
LOL@shotlo.
ganda nitong mga advice mo ah, sana noon na brokenhearted ako nabasa ko to lol!!! at tama ka move on talaga )as if we have choice a tall hehehe)
ReplyDelete@ K.noizki,
ReplyDeleteryt. we have to just DO it. but still, if we can do it with a flair, why not? and nope, this is not entirely me. im not the suicidal type. lols! :)
@ mareng lindz,
tenchu! psalamat ka na lang n nde mo to nbasa noon. baka isinumpa mo na ko! hahaha!
mareeeeee, anong moving on na drama ito? may friend ka bang nangangailangan nito?
ReplyDeletetype ko ung bitch around, hee hee.. applicable na rin 'to pag may kinaiinisan kang officemate or boss, sa iba mo ilabas, shock absorber nalang, haha
gusto ko rin ung out of town, applicable kapag bagot ka na sa office, haha, kaya lang, wala akong pera pang travel, maglalakad nalang ako, walk for a cause, ahihih,, join ka mare? :D
ang ganda ng advice!swak na swak!LOL
ReplyDelete@ mareng madz,
ReplyDeletewalk for a cause tlga? kapagod mare! pagiisipan ko. depende sa cause. pag d aq natuloy, ichi-cheer na lng kta! hihihih
@ Mac Callister,
lols!tenchu! :-)
those were really "HELP"ful.
ReplyDeleteheheh.
bonggang bongga na ang pag move-on pag sinunod ang mga steps na yan.
paano naman ang damit na sinuot noong natulog kayo sa bandang Psaig (motel), o meron nga ba? WAHAHA
ReplyDeletesaan kaya nahugot itong mga to ha Marvs.. may true to life story behind this ba? hehe
hahaha. natawa ako pero bitching around and having new look is essential :D
ReplyDelete@ bittersweetfemme,
ReplyDeletehahaha! "help"ful indeed! been a long while...come back to blogging! :)
@ pehpot,
manahimik kah! hahaha! wiz tru 2 lyf itu! :)
@ dencios,
u are supposed 2 b a nice person so, bitching around won't work 4 u.hehehe...kkgcing q lang kea mambubulabog aq s blog mo! :p
hindi jisa, hindi jolawa, shotlo o kyopat - kundi, lima as in Lima, Peru
ReplyDelete-natawa ko dito
so pwede kang maging kamukha ni victoria beckham ha..
at sa number 1, panalo.ibuhos ang sama ng loob sa kawawang waiter. :p
@ flamindevil,
ReplyDeleteyep! be as bitchy as u want! hehehe.
haha.bitch na bitch ka and you're enjoying every bit of it..asteeeegg
ReplyDeleteoo mare, walk for a cause, hihihih.. nabalitaan ko effective na pampaliit ng tyan un :P
ReplyDeleteahaha so talagang pinapatawa mo lang kame? sige ka bagay kayo ni Mr TITI WALLA, gusto mo pakilala kita? bigay ko email ad mo sa kanya? wahaha
ReplyDeletesabi ng aking jowa tuturuan daw nya ako, kaso ang laki na ng tyan ko no at tsaka tamad pa ako haha.. sbai ko sa kanya baka pag natuto na ako, gawin na nya ako driver nya haha..
dito ka na lang kumuha sa atin, mas madali haha, kahit hindi ka marunong mag drive go na go..
Make or Break
@ flamindevil,
ReplyDeletehahaha! casting a bitchy eye on you now...hala ka! heheheh
@ mareng madz,
pwede bang pass muna ako d'yan? ok na muna ako sa oatmeal. hihihi.
@ pehpot,
'wag mo nang ibigay e-mail add ko. ka-chat ko na s'ya! lols! pag nagkataong naging driver ka na, iba na ang blog mo. hindi na make or break. magiging "bayad muna bago baba" na! hahahhaa! :p
Isang kaakit-akit na dialogue ay nagkakahalaga ng komento. Sa tingin ko na dapat mong isulat ang higit pa sa paksang ito, hindi ito maaaring maging isang bawalan paksa gayunpaman karaniwang tao ay hindi sapat upang makipag-usap sa mga paksa. Sa susunod. Cheers
ReplyDeleteIto ay talagang isang maganda at kapaki-pakinabang na piraso ng impormasyon. Natutuwa akong na ibinahagi mo ito kapaki-pakinabang na impormasyon sa amin. Mangyaring panatilihin sa amin hanggang sa petsa tulad nito. Salamat sa iyong pagbabahagi.
ReplyDelete