Free Blog Counter
Poker Blog

Thursday, August 6, 2009

Mader's Birthday

Kriiingggg!!!

Me: Hello...

Mader: Marhaba! (pagbati 'yan sa Arabic. fluent nanay ko d'yan eh!)

Me: Heller! Ma, happy birthday! Happy birthday to 'ye! Happy birthday to 'ye! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to 'ye! Ahihihihi. O, anong chizmis sa bahay? Sinong mga nand'yan?

Mader: Tenkyu! Hindi pa ngayon birthday ko anak. Bukas pa 'yun!

Toinks!

Me: Ahihihihi. Sorry naman! Bukas pa ba?

Mader: Oo naman!

Me: Ahehehehe. Ukei! Bukas na lang ako tatawag. Ahahahah! Award!

Birthday ng aking mader. Ang nagtaguyod sa amin lalo na nung wala na si pader.

Kamukha ko daw siya sabi ng mga tao. In fairness, namana ko sa kanya ang walang kapantay na katarayan! Ahahaha! Highlight yata ng buhay n'ya nung nakamayan n'ya si PGMA nung graduation namin. Dama ko ang pagiging feeling high and mighty n'ya nun. Sabi ko sa kanya n'un:

Me: Ma, 'wag kang ma-starstruck. Normalin mo lang.

Mader: Hindi naman, anak.

Me: Sus! Ramdam ko ang excitement, Ma. 'Wag i-hide!

Mader: Ikukwento ko 'to sa amo ko tsaka sa mga kaibigan ko sa Dubai! Maiinggit 'yung mga 'yun.

Me: Taray! 'Wag ka d'yan sa ulap, Ma. Baba ka ng konti. Ahihihi.

Mader: Teka nga! Contrabida ka eh. Nasaan na ba 'yung kumuha ng picture namin ni Gloria.

Me: Friendship kayo? First name basis ah!

Mader: Hayaan mo na nga ako. Nasaan ba 'yung cameraman?

Me: Wala! Wala nang ebidensya. Umalis na 'yung cameraman. Hahahahaha.

Well, just like what an old Jewish proverb say, "God could not be everywhere, so he created mothers".

Dear Ma, I thank God for you.

:)

12 comments:

  1. tulad mo

    mahal ko din talaga ang nanay at tatay ko

    pasalamat tayo sa Diyos para sa kanila.

    nakakatuwa closeness.

    pag ao din tumatawag puro tawanan lang din kame. haha

    un lang

    o ingat

    tambay lang muna ako at wala na agad pera

    hehe

    ReplyDelete
  2. kakamiss c tita! yung bigla na lng magyayayang kumain sa labas at manood ng sine...take note sagot nya lahat kc mayaman sya! ;)

    ReplyDelete
  3. Haha, para kayong friendship ng Mamsi mo. Kung ganun daw ka cool ang Madir, ganun din daw yung mga anak..

    Kahawig ka ni Madir (syempre eh anak ka kaya?).

    Ganun ang mga Mother, kahit malayo basta may mega long distance, tuwang tuwa na!

    Happy Bday kay Inang. How old na cia?

    ReplyDelete
  4. @ the lady in green ruffles,

    haha! base it is! tnx for passing by...

    @ dencios,

    totoo 'yan. thank God talaga...

    @ jong,

    kaw talaga! sabi ko na at 'yung panlilibre na-miss mo eh! hihihi.
    well, ganun talaga. time naman na n'yang magrelax.

    @ K.noizki,

    52 na ata eh...'di ko sure. hehhehe. madalas din kaming mag-away sa mga walang katuturang bagay for the sake of arguing. may ganun kaming exena palagi para hindi kami ma-bore. :)

    ReplyDelete
  5. ang sweet!

    happy berdey sa mommy mo..bigla ko tuloy namiss ang mommy ko.

    highlight naman ng career ng mommy ko nung nakapag papicture sya habang kandung-kandong ni dennis roldan.

    hang kuleeetttss di ba?hahahaha

    ReplyDelete
  6. magkahawig nga kayo mare :P

    Happy Birthday kay Mader mo :) Ano handa? Hindi mo ba siya ipinagluto?

    Kakatuwa naman si mader mo, ganyan din ang mommy ko :P

    ReplyDelete
  7. @ flamindevil,

    may ganon? kuleet tlga! hahahha! 'pag ako, 'di ako papayag magpa-upstage! ako din kakandong! hahahah! :p

    @ mareng madz,

    ei, nasa Pinas na s'ya mare...kuleet tlga n'yan. madalas akong sinasapawan! hahahha! :)

    ReplyDelete
  8. wow mare... i like the last sentence. that is so true. kaso parang mas malala ata nanay ko. hehehe! happy birthday sa mama mo kahit late na ako

    ReplyDelete
  9. @ mareng ifoundme,

    marathon ka sa comment mare! hihihi! salamat sa pagbati. don't we just adore our mothers? :)

    ReplyDelete
  10. Mahusay na artikulo at ng karapatan sa point. Hindi ko alam kung ito ay sa katunayan ang pinakamahusay na lugar upang magtanong ngunit huwag mong tao ay may anumang ideea kung saan upang umupa ng ilang mga propesyonal na mga manunulat? Salamat sa iyo

    ReplyDelete
  11. Ang aking kapatid na Iminungkahing maaari kong blog na ito. Siya ay ganap na karapatan. Ang post na ito tunay na ginawa ang aking araw. Cann't mong isipin lamang kung magkano ang oras ko ay ginugol para sa impormasyon! Salamat!

    ReplyDelete