Umuwi ako ng late today dahil sa nalalapit na pagbabayad na naman ng suweldo. Abala na naman ako siyempre pa.
Pero simula pa lang ng araw, hindi na ako mapakali. Maghapong sumasakit ang ulo ko sa anticipation. Merong hindi maalis sa isip ko.
Pagupo ko sa bus papasok sa work, nakasabay ko ang mega-friend kong si Jong. Chinorvah n'ya na naaliw daw s'ya the night before dahil sa panonood ng mga teleserye. Sa isip ko, "Sh*tness! Sinasabi ko na nga ba eh! Maling mali ito!". Nagsimula nang sumakit ang ulo ko.
Itinulog ko ang kalahating oras ng biyahe para hindi naman ako masyadong ma-stress. Pero hindi masyadong epektib. Hindi ko na mahintay ang uwian. Buti na lang at arroz caldo ang breakfast. Medyo nabalanse ang sakit ng ulo ko.
Pinlano kong madaliin ang trabaho ko para makaeskapo ako ng maaga. Pero may trainee pala ako ngayon. Kasuya. Wrong timing. Lalong sumakit ang ulo ko.
Nang bago magtanghalian, may ipinakilala ang amo namin. Government auditors daw. Mag-i-stay daw ng ilang araw. Ibigay daw namin ang mga required documents kapag kailangan nila. F*ck! Bakit ngayon pa? Buti na lang isang report lang hinanap sa akin. Still, na-disrupt ang work flow ko.
After lunch, nagluko naman ang payroll system na gamit ko. Kainis! Isang oras din akong naghintay bago naayos ng software developer. Pagsubok ba ito? Gusto ko nang sukuan! Gusto nang sumabog ng ulo ko!
Uwian time na. Tumawag sa akin si Jong at nangiinis. Uuwi na daw siya. Pagbutihin ko daw ang paggawa ng sweldo. Gusto ko siyang i-surprise. Huwag ko kaya siyang bayaran ng tama? Nanggigigil na ako. Magisa ko na lang din sa opisina.
Nang makauwi na ako ng alas otso, nawala na ang sakit ng ulo ko. Psychosomatic lang naman 'yun eh. Hinarap ko na ang laptop at sinearch na sa google kung paano ko mapapanood ang...
Leche kasing teaser 'yan eh! Nakaka-tease! Na-tease naman ako! Hihihihi.
The last time na napanood ko si Lorna sa ABS CBN, I got really hooked with Kaytagal Kang Hinintay. Doon nagsimula ang John Lloyd-Bea tandem.
The last time I completed an Echo-Tin teleserye, I was totally converted. Hindi ko pwedeng i-deny na iba ang hatak ng chemistry nila sa Pangako Sa 'Yo.
The last time na nakita kong umarte si Gabby, I was smitten. Ka-partner pa n'ya ang talented actress na si Claudine sa Iisa Pa Lamang.
Kaya ngayong gabi, habang pinapanood ko ang first 2 episodes ng Dahil May Isang Ikaw, para akong nasa spa - na-relax talaga ako. Bagama't hindi na bago ang kwento, napukaw pa rin n'ya ang atensyon ko.
Hmmm, mukhang meron akong bagong aabangan gabi-gabi ah! :)
hahaha nastress ka sa pag aanticipate na makapanood ng teleserye ha, ganyan nga pag may inaapura kang matapos lalong nagkakadan leche leche hehehe, buti na lang narelax ka na ngayon at nabayaran mo na mga empleyado hehehe... kwento mo na lang yung teleserye ha
ReplyDeletekakaaliw talaga tong blog mo, sige pa ha sulat pa ng madaming blog and thanks
Hayuf ka kala ko kung ano na.. Dahil May Isang You lang pala.
ReplyDeleteTinatapos ko pa ang Kaming Dalawa at Tomorrow There's Another Day, Twin Girls saka yung May Kasalan.
Na-adik na ako sa SOAPS (hindi sabon).
PS. I hope naka moved on ka na sa decision ng Miss U Org on Ms VENE, hahaa.
@ mareng lindz,
ReplyDeletehahaha! yiz! kase 'yung teaser nila nakaka-tease. hihihi. tenkyu naman at naaappreciate mo ang aking abang blog. basta kapag sinipag akong dumakdak, daan ka lang...:)
@ K.noizki,
hahahaha. excitement ako sa reunion ni echo at tin. at talagang teleserye marathon ka ah! 'di ko na-getch yung Twin Girls! kambal sa uma lang pala! wala akong maxadong panahon mag-marathon eh kaya DMII lang muna ang susubaybayan ko.
and yung ms. venezuela, hayaan mo na nga yun! marami silang langis eh. lecheng donald trump yan!
Abangan mo next episode te, ganda na! meh i drama na si chin at tin..todo na to!
ReplyDelete(kaya lng miss ko na agad mga bagets...mica, nash and si cutie)
ang teseryeng yan parang ikaw:
ReplyDelete*madrama..
parang buhay mo lang,
*baduy..
parang ako lang,
LOL
Mare, ako rin masakit ang ulo ko kagabi, huhu. Muntikan na nga akong magleave ngayon eh, kaso sayang, convertible to cash pa naman ang leave, ahihihi.
ReplyDeleteBut nahanap mo kung saan pwede mapanood 'yang teleserye na iyan. Ako kasi hindi ako mahilig manood eh :P
@ jong,
ReplyDeleteyep! saw it. naiihi na nga ako sa excitement eh. hihihi
@ dencios,
hahaha! well, madrama na kung madrama. baduy na kung baduy. after all, at a certain point in our lives di naten pwedeng i-deny na kahit baduy tayo, we were simply blissful. :)
@ mareng madz,
kaw tlga! convertile to cash ba? nice benefit. sa amin nde eh.nag subscribe ako sa isang youtube user na masipag mag-upload ng episodes so, un! try to watch it! i can honestly say that it's nice. :)
nakikita ko yan sa mga pinoy channels pero hindi ko pinapanood.kwentuhan mo na lang ako marvs.hehe
ReplyDeletei like kristine though..ganda pa rin nya. :p
@ flamindevil,
ReplyDeletehahahha! kapuso ka kase kaya hindi mo 'to pinanonood! but i agree, maganda si kristine. nakakainis! sobrang ganda! :)
ayun naman pala! akala ko kung ano na ang kinaka excite mo..
ReplyDeletesecret lang to ha.. kaya din di ako masyado sa bloglandia.. inaabangan ko to every night!!! waaaaah
Make or Break
mareng Marvz pinakakhihintay ko ang blog mo hihihi, kada bukas ko ng dashboard ko I'm hoping na makita ko blog mo ahahahay.. para kasi ding teleserye tong blog mo eh
ReplyDeleteNapanood ko ito mare sa bus, ahihih. Maganda nga :D Naalala ko dati, nasilayan ko pa si Kristine Hermosa nung taping nila, si Echo rin ang partner nya nun. Sa Malolos sila nagshooting :D
ReplyDelete@ pehpot,
ReplyDeleteineng, antagal mong hindi naligaw dito.nagtatampo na nga ko eh. :( pero dahil nanonood ka ng DMII, pinapatawad na kita! ahihihi. ganda noh? i luv it! :)
@ mareng lindz,
ahihihih. im sooo blushing naman. 'wag kang magalala mare at kapag hindi na ako masyadong abala ay magpopost ulet ako. busy kase ako sa ganitong panahon. monthend closing...pero salamat sa palaging pagdaan. :)
@ mareng madz,
i told u, mare! manalig ka sa mga choice of tv shows ko. i know quality when i see one. choz! hihihih. 'pag wala kang time, idownload mo sa youtubebang! :)
update na!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehe he, madalas nga mare ung tayong dalawa sa bus ko lang din napapanood :D
ReplyDeleteSige, antabayanan ko ang mga susunod na pangyayari :D
bwahahahaha! i know the feeling mare. ganyan ako ngayon sa mga "kuring" (koreanovela) ko. hahaha! parati akong nasestress kapag malayo ako sa bahay.
ReplyDelete@ dencios,
ReplyDeleteukei ukei! cumming soon! :p
@ mareng madz,
hahaha! kakatuwa naman mare. hindi kaya matapos mo ang kwento ng Tayong Dalawa sa pagsakay sakay mo ng bus? hihihi
@ mareng ifoundme,
kuring talaga? infairnezz, may ganon ngang feling. adik na kaya tayo? hihihi.
Pinapahalagahan ko, maging sanhi nakita akong lamang kung ano ako ay naghahanap para sa. Natapos mo na ang aking apat na araw mahaba mang-aso! Pagpalain kayo ng Diyos ang tao. Magandang araw sa iyo. Hindi importanteng bagay
ReplyDeleteNakatutulong na info. Lucky ako natuklasan ko ang iyong website sa pamamagitan ng pagkakataon, at ako shocked kung bakit ito ibahin ang kahulugan ng kapalaran ay hindi kinuha ng mas maaga na lugar! Bookmark ko ito.
ReplyDelete