Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, August 11, 2009

Gotta Get Get

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get.

H*yupness! Nae-LSS ako sa Voom Voom Fow na 'yan! Sheeeeezzz! Erase! Erase!

Anyway, 2 days ago, nagpaalam na ako sa boss ko na magve-vacation ako ng Disyembre. Pagpasok ko sa office n'ya, masayang masaya ko s'yang binati sabay:

Me: Sir, I'd like to file a leave on December. Can I?
Sir: No.

Sarap upakan! Waaahhhh! Anong gagawin ko? Nde pwede 'toh!

Me: Yeah?
Sir: You can not go.

Seryoso talaga s'ya...kaya with all the malungkot emotion I could plaster sa fez ko, lulugo lugo at dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto n'ya nang nakaharap pa rin sa kanya. Sayang kasi 'yung effort kong magmukhang nalugi kung hindi n'ya makikita eh. Pro bono pa naman ang acting ko.

Sir: Why December? Are you getting married?

Aray ko! Wala ngang jowa, papakasal pa! Nde ba n'ya ramdam na laging ok lang sa akin ang umuwi ng late galing sa work?

Me: Nope.
Sir: If you are getting married, you can go on vacation until January.

May pang-aasar talaga! At epektib kase hindi na talaga ako natutuwa.

Me: I'm not getting married. I just want to spend my vacation in the Philippines on December.
Sir: Which dates?

Ayuuuunn!!!! Hahahahaha. Sa totoo lang, mahirap umakting ng malungkot ka kapag bigla kang nagkaroon ng pag-asa. Pero sa ngalan ng convince-ation, pinanindigan ko muna ang lungkot lungkutang fez.

Me: From the 3rd to the 20th...
Sir: No.

Sasapakin ko na talaga eh! Pero naalala ko, mas mahirap palang umakting ng galit na malungkot. Pinili ko na lang na maging malungkot lang. Time to negotiate.

Me: But I will be back before the closing starts.
Sir: We will be busy even before that.
Me: Ok, until the 13th then?
Sir: OK.

Did I hear an OK? Gusto ko na s'yang halikan nung time na 'yun!

Me: What about until the 15th?
Sir: Until the 13th. Don't negotiate anymore. Get out of my office.

Tapos, gusto ko na uli s'yang sapakin! Hahahaha.

Pero hindi na baleng maikling panahon lang. Ang importante, I'm going home in December. I'd be celebrating my birthday there! Yiheeee!!!

At para mailabas ko ang kasiyahan ko, nag-diet ako nung gabi at gumawa lang ng veggie salad at nag-stir fry ng fresh mushrooms.

Alam kong irrelevant 'yung pagda-diet kaya nag-aya akong kumain sa paborito naming japanese resto the next day! Hihihi. I'm soooo looking forward to my birthday!

Gotta get-get...gotta get-get...boom boom pow...gotta get-get. Hahahahha!

14 comments:

  1. BASE! haha

    aba advance happy berdey marvs.

    nakupo, hindi ka magpapasko at bagong taon sa sa pinas?

    ako dec 29 to jan 10 uwi. :p

    ReplyDelete
  2. base it is! hahaa!
    tagal pa ng bday ko eh. tsaka pag binabati ako, nanghihingi ako ng gift. heheheh. at tlgang nang-inggit ka, ganon? >p

    ReplyDelete
  3. daming reasonZ as in capital Z kaya ka excited ate...b-day sa pinas after 6 years, super bagong house on December so tuloy house-blessing at get together with friends and family....whewwww buti na lng dami kang datung ;)

    pinaka masaya don wala si Sir na kontrabida!

    ReplyDelete
  4. excited talaga... hehe... atlis makaka uwi ka na db? hehe

    ReplyDelete
  5. ingat sa iyong bakasyon. di mo alam anjan na agad yan at bukas na alis mo. mabilis lang ang araw.

    wow sarap ng veggie salad, may cheese din ba yan? hahaha

    di mo man lang ako inayang kumain. di ka na naawa alam mo naman di ako marunong magluto.

    paki helo ako kay jong at pepot

    ReplyDelete
  6. Walang sense yung pag diet sa request ng vacay, ano yun? Haha.

    Aliw ang japs food tripping, kailangan bang naka suit ka? Sarcastic lang, haha.

    Pero the dates are not fun, December dapat from 15 - 31 para perfect!

    ReplyDelete
  7. @ jong,

    ganon? i-broadcast ang mga plano? 'kaw na lang kea magsulat sa blog ko...chusera ka! pero kurek ka - nde kasama si Sir na contravida!:p

    @ yhen027,

    at, may chance na madalaw kita sa philrice!!! :)

    @ dencios,

    nde ko nilagyan ng cheese. naubusan ako. kinuha mo eh! hahahaha! tlgang may hello kay jong at peh???

    @ K.noizki,

    hahaha. wala tlgang relevance 'un! at naka-suit ako kase dito lang rin sa hotel 'yung jap resto. and the dates...well, i chose to look at the bright side kea ok lang. pero, syempre, brighter kung dec 15 to jan 1! hayzzz, in my dreams...

    ReplyDelete
  8. ha ha, kakatuwa naman ang kwento mo mare... strict ba talaga 'yang boss mo o nagpapacute lang sayo? ha ha..

    Advance Heypie Burpday :D

    Diet Diet, hindi na uso 'yan ngayon :D

    At ikaw ba talaga 'yang naka coat and tie?? :D

    ReplyDelete
  9. mare nakuha sa akting ah hehehe pang Oscar siguro ang acting mo... nyway advance happy birthdya and enjoy sa pulutan hehehe...

    yang bom bom pow na yan oo pat anak ko lukong luko diyan

    ReplyDelete
  10. @ mareng madz,

    hahahha. strict tlaga! at, nde nya ako feel, ramdam ko! pero ok lang kase the feeling is mutual. and, uniform ko yan!!!! :)

    @ mareng linz,

    pang award talaga! kase nakasalalay ang paguwi ko dun eh! hihihihi! gotta get get! hahahah. hanggang ngayon, kainizzzz!

    ReplyDelete
  11. hanep ang diet! ang dami nun ah. hehehe! i'm happy to know you're coming home for your birthday. happy birthday na rin in advance... tapos isama na rin ang merry christmas. hihi! ang corny ko

    ReplyDelete
  12. @ mareng ifoundme,

    o di ba? kaplastikang diet 'yan! hihihihi. diet pero isang bandehado? hahahaha! tenks sa maagang pagbati! isama mo na rin ang new year hanggang holy week mare! kaw tlaga! nagtitipid ka sa greetings! :)

    ReplyDelete
  13. Sa tingin ko ito ay isa sa mga pinaka-mahalagang impormasyon para sa akin. At Natutuwa akong basahin ang iyong artikulo. Ngunit dapat pangungusap sa ilang mga pangkalahatang mga bagay, Ang estilo site ay mahusay, ang mga artikulo ay talagang mahusay na: D. Magandang trabaho, tagay

    ReplyDelete
  14. Ito ay tunay na isang mahusay at kapaki-pakinabang na piraso ng impormasyon. Masaya ako na lamang ibinahagi mo ito kapaki-pakinabang na impormasyon sa amin. Mangyaring panatilihin sa amin alam na katulad nito. Salamat sa iyong pagbabahagi.

    ReplyDelete