Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, September 1, 2009

Long Distance Boo Boos

sa isang mainit na conversation namin ni mudrax...

me
: eh, ma naitanong mo na ba kung hanggang saan 'yung tatapusin sa plano?
ma: lahat! pero 'yung sa kisame, labas lang.
me: kisame sa labas? baket? 'di tayo sa labas titira! paano 'yung...
ma: hindi naman. kasama na yata 'yung sa loob.
me: bakit hindi ka sigurado? 'di ba dapat...
ma: itatanong ko ulet bukas.
me: hindi ma! bakit hindi ka sigurado? ibig sabihin hindi mo...
ma: o, sige pupuntahan ko na ngayon.
me: ma, teka nga! patapusin mo kase akong magsalita. makinig ka muna sa sasabihin ko.

saylenz...

me
: ma? hello? and'yan ka pa ba?
ma: oo. andito ako.
me: eh bakit hindi ka nagsasalita?
ma: eh sabi mo makinig ako eh.

waaaahh! natawa na lang ako. hindi ko alam kung sino ang mas pilosopo sa amin ng mama ko. siguro, it's a tie.

***************************************

me
: helu! ma musta na?
ma: mabuti anak.
me: ano namang eksena mo?
ma: wala naman. andito ako sa (pangalan ng lugar ) sa tita mo. ( FYI hindi ko ka-close ang tita ko na 'to. )
me: ah ok.
ma: o, kausapin mo ang tita mo.
me: ha? bakit ko kakausapin? teka lang! ayoko! ikaw nga ang tinawagan ko 'tapos kung kani-kanino mo 'ko pinapakausap.
boses sa kabilang linya: o, ikaw daw ang tinawagan at kakausapin.
ma: o, bakit?
me: ma naman eh!

hindi ko na siguro kailangan pang sabihin kung kaninong boses 'yung nasa kabilang linya. hindi man lang kase ako hinintay na pumayag bago ipasa ang phone!

***************************************

me
: haller!
tita: o, hello! ( ka-close ko 'tong tita ko na 'to.)
me: tita musta naman kayo nila mudra?
tita: mabuti naman.
me: eh tita magkano na ulet 'yung binayaran n'yo sa blah blah blah?
tita: ah, 'yung blah blah blah?
me: yiz! magkano ulet?

tug! parang inilapag/ibinalibag si phone.

me
: naitago mo ba 'yung resibo?

no answer.

me
: tita? and'yan ka pa ba? naririnig mo ba ako?

saylenz.

me
: hello? hello? hello?

wiz.

me
: hello? tita!!!!!

nagbalik ang voice.

tita
: bale payb kyawsan pesosesoses.
me: anong nangyari sa 'yo, tita? bakit 'di ka sumasagot?
tita: eh kinuha ko 'yung resibo. hindi ko matandaan kung magkano eh.

kabog! antaray ng tita ko noh? may initiative s'ya. pero sana naman next time matutunan din n'ya ang magpaalam muna sa kausap n'ya sa phone 'di ba? sayang ang load!

********************************************

It's September, people! :)

12 comments:

  1. ROTFLMAO.

    Kala ko sa una, masyado kang nang-aalipusta sa Madir mo kung mag-utos, yun pala may patutunguhan ang usapan nyo - - - sa RESIBO.

    Bakit nga naman uunahin ang kisame sa labas? Haha.

    Ganun na ganun tayo, pinapasa ang phone kung kani-kanino kapag nag LO-long-distance, hanggang sa humaba ang usapan at yung dapat pagusapan di na tuloy pinagusapan - buti naman hindi umabot sa "yung order ko wag mong kalimutan"...

    'Tas binaba ang phone at hinahanap ang resibo. Hay naku you're making me cry...

    from laughing.

    ReplyDelete
  2. hahahahahahaha.. 1 zillion times na halakhak! :)

    for sure tumaas ang kilay ng tita mong mataray! si tita billy nman kc natataranta lng sau yon kaya naibaba ang phone ng di na nkakapagpaalam para kunin ang resibo.

    alam na talaga natin kung kanino ka nagmana!

    ReplyDelete
  3. @ K.noizki,

    hahahha! highlights pa lang 'yan! ang totoo, kulang ang space ng blog ko kapag kinuwento ko lahat ng nakakalukring na usapan namin sa bahay. :)

    @ jong,

    alam mo 'yan! saksi ka dun! pinangalanan mo tlga si tita ah! hiihihihi.

    ReplyDelete
  4. hahahahhaha

    mas adik pala ermat mo sa ermat ko e.


    hahahahah

    nakakatawa

    oi seryoso, yung tungkol sa engr magtanong ka pa sa iba a. tas wag mo isipin na hindi kayo close. sabihin mo kasi ikaw ang client kaya dapat ikaw may karapatang magtanong ok.

    ReplyDelete
  5. Ha ha ha, mare nakakatawa naman 'yang mga conversations ninyo. And ang mudra, may pinagmanahan ka naman pala, ahihihi.. Parang ganyan din kami kaclose ng aking mommy :D

    ReplyDelete
  6. @ dencios,

    hahaha! mana ako dun eh. ei, salamat sa advice. pinadala na sa aking yung estimate. mukhang ok naman. di bale, kakausapin ko pa naman yung engr para matawaran ko pa.

    @ mareng madz,

    hihihi. tru! minsan akala mo nagaaway kami pero okrayan lang yun. sumasabay sa akin eh! :)

    ReplyDelete
  7. he he he, nakakatuwa naman ung closeness ninyo ni mudra. eh how about pudra? :D

    ReplyDelete
  8. pudra is gone, mare. 12 years ago pa...kay pudra ko namana ang sense of humor ko pero mas namana ng kapatid ko ang technique n'ya sa patawa at kalokohan. birthday lang ni pudra last week. never ko s'yang tinawag na pudra. sisinturunin ako nun! hihihi. :)

    ReplyDelete
  9. hala ka. me pinagmanahan ang tita at nanay mo. ikaw mismo. hahaha! kabog.

    ReplyDelete
  10. @ dilanmuli,

    hahaha! parang dapat ako 'yung nagmana sa kanila. :)

    ReplyDelete
  11. nakakalowkaaaah! heaving heavy talaga tawa ko waaaahahahaha

    ReplyDelete
  12. Maaari mong tiyak na makita ang iyong kadalubhasaan sa trabaho ka magsulat. Pag-asa Ang mundo para sa higit pang ragasa manunulat tulad mo na hindi natatakot na sabihin kung paano naniniwala sila. Palaging sundin ang iyong puso.

    ReplyDelete