Me: Hello...
Mader: Marhaba! (pagbati 'yan sa Arabic. fluent nanay ko d'yan eh!)
Me: Heller! Ma, happy birthday! Happy birthday to 'ye! Happy birthday to 'ye! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to 'ye! Ahihihihi. O, anong chizmis sa bahay? Sinong mga nand'yan?
Mader: Tenkyu! Hindi pa ngayon birthday ko anak. Bukas pa 'yun!
Toinks!
Me: Ahihihihi. Sorry naman! Bukas pa ba?
Mader: Oo naman!
Me: Ahehehehe. Ukei! Bukas na lang ako tatawag. Ahahahah! Award!
Birthday ng aking mader. Ang nagtaguyod sa amin lalo na nung wala na si pader.
Kamukha ko daw siya sabi ng mga tao. In fairness, namana ko sa kanya ang walang kapantay na katarayan! Ahahaha! Highlight yata ng buhay n'ya nung nakamayan n'ya si PGMA nung graduation namin. Dama ko ang pagiging feeling high and mighty n'ya nun. Sabi ko sa kanya n'un:
Me: Ma, 'wag kang ma-starstruck. Normalin mo lang.
Mader: Hindi naman, anak.
Me: Sus! Ramdam ko ang excitement, Ma. 'Wag i-hide!
Mader: Ikukwento ko 'to sa amo ko tsaka sa mga kaibigan ko sa Dubai! Maiinggit 'yung mga 'yun.
Me: Taray! 'Wag ka d'yan sa ulap, Ma. Baba ka ng konti. Ahihihi.
Mader: Teka nga! Contrabida ka eh. Nasaan na ba 'yung kumuha ng picture namin ni Gloria.
Me: Friendship kayo? First name basis ah!
Mader: Hayaan mo na nga ako. Nasaan ba 'yung cameraman?
Me: Wala! Wala nang ebidensya. Umalis na 'yung cameraman. Hahahahaha.
Well, just like what an old Jewish proverb say, "God could not be everywhere, so he created mothers".
Dear Ma, I thank God for you.
:)