Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, June 21, 2009

Coming Out

Sa mga naghanap sa akin, narito lang ako. Hindi ako nawala. Huwag kayong mag-alala. Ligtas ako sa swine flu kung iyan ang nasa sa isip n'yo.

At sa mga magtataas ang kilay dahil hindi nila naramdaman ang pagkawala ko, pakiusap, manahimik po kayo!

Ahihihihihi. Comeback ko 'to, baket ba!

Well, kinailangan ko lang talaga ang moment. Matinding pangangailangan ng moment...


...para sa nakaka-nosebleed na adjustment at kasanayan sa bago naming payroll system. Nabilang ko na ata lahat ng bituin sa langit at mga ilaw sa bawat sulok ng hotel namin dahil sa halos bente kwatro oras kong pagroronda. Minsan iniisip ko, is it worth it? Ano ba talaga ang trabaho ko? Tiga-pasweldo ba o barangay tanod? Bakit wala akong vest? Nasaan ang ever reliable deadly batuta? Bakit walang naghahanap kay chairman?

...para sa pagbawi ng mga tulog na nawala at lumipas. Ansakit pala talaga sa loob nang malipasan ka ng antok. Ngayon ko lang na-realize 'yung napanood ko sa isang series tungkol sa mga hotelier. Mahirap daw ang buhay ng isang nagtatrabaho sa hotel. Lalo na kung ang karelasyon mo eh hindi hotelier. Madalas daw pagod ka dahil sa long hours at wala kang mai-devote na time para sa partner mo kapag gising sila. Kapag naman daw sila ang pagod, ikaw naman ang gising at wala ka ring magawa kundi i-try na lang matulog kasama sila. Hayzzz! Pero mahal ko na 'ata ang pagtatrabaho sa hotel. I can't get enough of it.

...para sa pagdadownload at panonood ng tv series at movies na na-miss ko dahil nagtututulog ako. Natapos ko na ang Prison Break at nalungkot ako sa ending. Wala na akong aabangang Michael Scofield! Huhuhuhu. May mga sapantaha ang mga kaibigan ko na may season 5 pa ito dahil ang magpapatuloy daw ay ang anak ni Michael. Sige lang mga ineng! Hintayin ninyong magbinata 'yung bagets!

...at siyempre, para isaayos ang mga priorities ko ulit sa buhay. Nagawa kong mag-SWOT analysis, short at long term plan checking & revision, cost-benefit analysis, reforecast at kung anik anik pang chuva na sa tingin ko eh much needed sa panahon ng krisis. Kulang na nga lang mag-Eva test na rin ako para magkaalaman na! Hihihihi.

At bago ko makalimutan, ang larawan sa itaas ay kuha nitong nakaraang kaarawan ng matalik kong kaibigan na si Jong. 'Yung babaeng nakakulay lumot pero hindi naman po s'ya amoy lumot. Huwag po natin s'yang husgahan. Hihihihihi.

Well, opo! May birthday s'ya. At nagtipar-tipar ang hitad!

Hindi ko na kinuhanan ang handa dahil mas delectable naman ako dun! At isa pa, napaka-demanding ng celebrant sa regalo. Nadehydrate ako sa ipinabili! Hmmmph!

Anyway, umaasa ako na napatawad ninyo ako sa panandalian kong pagkawala at hayaan n'yong bumawi ako sa inyo sa mga susunod kong posts nang bonggang bongga.

At muli, sa mga hindi maintindihan ang mga pinagsasabi ko dito, manahimik po kayo!

:-)

8 comments:

  1. ayun kaya pala kaht i buzz sa ym, nagsusuplada! hmp!

    Make or Break

    ReplyDelete
  2. mamiss ko rin si michael scofield!

    ReplyDelete
  3. @ pehpot,

    lukring kah! madaling araw na dito nung nagsend ka ng mensahe. for sure tulog ako nun! hihihihi. paxenxa na ah! sa ngalan ng bangs mo! :-)

    @ jong,

    at syempre, si t-bag! at yung "u feel me?". di bale, malapit ko na matapos idownload yung desperate housewives!

    ReplyDelete
  4. uy isa ko sa naghanap sayo ha..

    welcum back. :p

    ReplyDelete
  5. hi marvin. ganda ng tee mo. tatak nyan?

    ReplyDelete
  6. Hi marvin, tawa ko sa post mo na toh, landi mo kasi, haha!

    I think it depends kung nasa Administrative Dept ka sa hotel nag wo-work, kapag Front of the House sagad sa work talaga.

    Actually, ang bagal mong mag post ng entry. OO, nagrereklamo po.

    ReplyDelete
  7. @ flamindevil,

    tnx Rye! welcum back tlga ah! heheheh. enjoy ur vacation. pasalubong!!!!! :-)

    @ dencios,

    nde ko sasabihin. sikretong malupit ko 'yan! hahahahha. pero 'pag pinilit mo 'ko, baka pwede kong ibulong. :-p

    @ k.noizki,

    landi ko ba? masanay ka na! lols! yup! maarte lang tlga ako kea nagrereklamo ako. eh mas sagad nga sa work ang front of the house. 8 months din akong nagwork dun eh bago ako napunta sa finance. bagal ko ba magpost? can't keep up with ur pace eh! i will try. musta ang bagong lipat?

    ReplyDelete
  8. Super good idea, super nice site !! congratulations :)

    ReplyDelete