Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, March 15, 2009

My Randomness


"will you let Eve have the bite?..."

i'd say, why not?

for a fleeting moment, i could forget the cloak of anonymity that covers me. and in a crowd of random DNA's, i could finally be a familiar face to someone...

the thought is just divine!
someone knows me. someone can see a shining, colorful me in a pack of black & white strangers.

...the train station, the laundry room, the sushi stop, the art exhibition, the grocery shop, the music store, the concert hall, the one-off themed party, the football stadium - the roster of places is just endless.

but i know better.

it may have taken me to the edge of infinity to finally learn but yeah...now, i know better.

randomness does not necessarily equate to emptiness...

Monday, March 2, 2009

Lip Liner 5

"...hiwalay na kame."


Tulad ng normal kong ginagawa, tinawanan ko lang ang kaibigan kong si Mitz nang sabihin n'ya sa akin na hiwalay na sila ng boyfriend n'ya. Parang sirang plaka lang na paulit-ulit ang tugtog pero hindi ko inihihinto dahil kahit papano, nag-eenjoy rin ako sa ka-weirdohan kong makinig. Ilang beses ko na bang napakinggan sa kanya 'yung linyang 'yun?

"For the nth time?", sabay tawa ko ng malakas habang tinitignan ko ang nakapaskil na "sale" sa shopping mall na nadaaanan ng bus namin pauwi ng accommodation. Hindi pa pala ako nakakapag-shopping this month. Sa Friday, pagkasimba ko titingin ako ng bagong boxers tsaka black socks.

"I know. Pero Marvin, this time, totoo na 'to!", seryoso n'yang litanya na parang kahit s'ya, tanggap na rin n'ya sa sarili n'ya na paulit-ulit lang ang tinatahak niyang landas sa dyowa n'ya - away-bati, away-bati, away-bati...

Ah, ok...", sarkastiko kong sagot. Sanay na sa akin si Mitz. Nagkakabasahan na kami ng iniisip kaya hindi na bago sa kanya ang pagiging sarkastiko ko.

"Angsakit lang kasi ng sinabi n'ya eh. Ito na yata 'yung hindi ko kayang lunukin." Tamlay-galit n'yang sabi. Kilala ko ang kaibigan ko. Konting kasiyahan, masayang masaya na siya. Konting kalungkutan, damang dama rin n'ya. Parang mathematics lang ang bawat emosyon sa kanya. Nalalagyan n'ya ng exponent. Kaya kapag pinagsasama n'ya ang mahigit sa isang emosyon, alam ko nang somesing is wrong.

"Baket? Ano ba'ng sinabi?", kumagat naman daw ako sa pa-suspense n'yang entrada.

"Sabi n'ya, hindi raw ito ang gusto kong buhay. Hindi raw ako masaya sa ganitong buhay with him. Hindi daw n'ya ako mabibigyan ng deserve ko. Alam daw n'ya. Nararamdaman daw n'ya. Maghanap na lang daw ako ng iba na makakapagpasaya sa akin! Wala raw kapupuntahan ang relasyon namin!", dire-diretso n'yang sabi.

Weird.

No! Morbid!

"May gano'n? Baket daw? Eh, wala ka namang ibang ginusto sa buhay mo kundi makasama s'ya ah! Hindi ka na nga lumalabas kasama kami kasi importante sa 'yo ang bawat moments n'yo together, 'tapos wala ka namang ibang bukambibig kundi 'yang jowa mo tsaka 'yang jowa mo pa rin tsaka syempre, ang jowa mo pa rin! Adik ka nga sa kanya eh. Pwede na ngang mag-coin ng word para lang may proper na tawag sa mga ginagawa mo 'tapos sasabihin n'ya hindi ka masaya! Saan galing 'yun?", ang mahinahon kong banat.

Hindi pala masyadong mahinahon kase napapatingin na 'yung iba kong kasama sa bus dahil medyo nag-falsetto na ako.

"Ewan ko. Pero this time, iba na talaga. It's for real. I don't deserve to be treated like this. Ano pa ba ang dapat kong gawin? 'Wag naman n'ya akong tratuhin ng ganu'n!" himutok n'ya.

In fairness, I have to give it to my friend. Hindi dahil sa kaibigan ko s'ya. Pero isa rin s'yempre 'yun sa reason kung bakit sa kanya ako papanig. Part ako ng support system n'ya eh. Pero other than that, hindi ko yata matanggap na may mga taong hindi kayang tumanggap ng pagmamahal. She's been really dedicated in loving him. Saksi ako doon 24/7. 'Yung simpleng nakaupo lang sila habang nanonood ng TV, kung maikwento n'ya sa amin akala mo naman nanalo s'ya sa jueteng. Tiniklop lang ng boyfriend n'ya 'yung damit n'ya, parang gusto nang isulat sa Maalaala Mo Kaya. Nasaan ang hindi masaya du'n?

Normal lang naman sa relasyon 'yung nag-aaway dahil sa selos o dahil merong hindi tinupad na sinabi ng isa. Pero para sisihin mo ang sarili mo dahil sa palagay mo hindi mo mapaligaya ang taong mahal mo, sino ka? Naisip ko na lang na kung hindi duwag ang dyowa n'ya, sadya lang sigurong psycho.

Duwag kasi hindi n'ya matanggap na pwede rin pala s'yang maging masaya at mahalin.

Psycho kasi hindi n'ya maharap ang realidad ng buhay.

I therefore conclude...

Kunsabagay, minsan pareho lang kami. Iisa lang naman kasi ang dahilan ng gano'ng ugali eh. Takot. Malaking takot.

Takot na baka sa huli, kapag nag-invest ka na ng sobrang emosyon, kapag in-emrbace mo na ang masayang buhay, malalaman mo na lang na hindi pala totoo ang lahat. Na sa isang iglap lang, kukunin din sa 'yo ang lahat ng magandang bagay na nangyayari sa 'yo.

Question is, kailan ka pa magiging masaya?

"So, this is it? Totoo na 'to?", tanong ko ulet. 'Yung tanong na tipong hindi na rin interesado sa kung anuman ang maririnig na sagot.

"Pinapahatid ko na 'yung gamit ko from him. Sabi ko i-drop na n'ya sa apartment ko...", may panghihinayang n'yang sagot. Gumagana na naman ang exponent sa emosyon n'ya.

There. Ang hatiran ng gamit galore.

"Eh ikaw, kumusta na? Kumusta na kayo?", sabay segue na tanong n'ya sa akin. Kakagimbal 'yung tanong na 'yun ah!

"Anong 'kayo'? Walang 'kami'!", pa-cute kong sagot.

At nauwi ang mahaba naming usapan sa kung saan saan. Natapos ang phone conversation at nag-text s'ya sa akin.

"Marvin, good night. I'll be fine. Enjoy your single life. :-)"

Adik. Enjoy your single life?

Wehanopangaba!

Monday, February 23, 2009

Stupid Mode

you called yesterday to basically say that you care for me but that you're just not in love...immediately, I pretended to be feeling similarly...and led you to believe I was O.K. to just walk away from the one thing that's unyielding and sacred to me...

One of my favorite song ever...everytime I listen to this, it just brings back all those times when I was a bit uhmm, stupid ( that's a serious realization albeit it came only quite recently, hehehehe )...

And yeah, right now, I'm genuinely addicted to it...again. Dang!

well, I guess I'm trying to be nonchalant about it...and I'm going to extremes to prove I'm fine without you...but in reality I'm slowly losing my mind underneath the disguise of a smile...gradually, I'm dying inside...friends ask me how I feel, and I lie convincingly, 'cause I don't want to reveal the fact that I'm suffering...so I wear my disguise 'til I go home at night, and turn down all the lights...and then I break down and cry...

It just amuses me how I could let some things that did hurt me previously happen to me again. Like, listening to a song that perpetually pricks and squeezes my being. Shoots! It's getting cyclical...

so what do you do when somebody you're so devoted to suddenly just stops loving you?...and it seems they haven't got a clue of the pain that rejection is putting you through...do you cling to your pride and sing "I will survive?"...do you lash out and say, "How dare you leave this way?"...do you hold on in vain as they just slip away?..

But then again, we all are stubborn sometimes...we all are stupid sometimes...until we eventually decide that it's time to get on our feet, leave the easy chair and scoop a breath of fresh air.

Fact is, it may not happen soon enough. But it surely will...or we just totally give in.

Monday, February 16, 2009

Bungee Jump


But then, again, it's my life...

...and I've realized how much further I can go to virtually fight for what I feel.
...and just like some of what I had, this battle will subsequently succumb to yearning.
...and somehow, every night, my longing will not stop but would only linger.
...and try as I may, I can not be numb to pleas anymore.
...and with all the strength I could muster, I've finally accepted that I can be weak.
...and I believe that eventually, I might regret deciding on this later.
...and still, here's me hoping that later will never come.
...and now I know, I can't --- I just can't miss giving this a shot.
...and after all, like what they say, it's a free fall.

Wednesday, February 11, 2009

Maharot

I know I've been soooo lame lately...Pasensya na, someone's grabbing my focus.

Kaya babawi ako. Sasayawan ko kayo ngayon 'din! Hahahahaha. Choz lang!

Me & U

Party on! Love this song! Ang harot!

Sunday, February 8, 2009

Lip Liner 4

me without the earphone, isang usapan sa bus:

Boses 1: Hay naku! Kawawa naman si Audrey. Naiiyak nga ako kapag inaapi sya ng tatay nya.
Boses 2: Oo nga! Ambigat nga sa dibdib eh.
Boses1: At 'yung lola nya, kakainis!

Me, wondering: Sino kaya si Audrey? Bakit s'ya favorite apihin? Pwede ko rin kaya s'yang apihin?

Boses 3: Pero mukhang may gusto na sya kay JR.
Boses 1: Hahahahaha! Wala siguro!
Boses 4: Si Dave parang takot kay Greta.
Boses 2: Si Greta gusto n'ya si JR.

Me, wondering: Bakit naman kaya pinag-aagawan si JR? Hmmmm.

Me, curious: Uy! Sino 'tong JR na to? Bago ba sya?
Boses 5: Ay, si Gerald Anderson man 'yun 'day! Sa Tayong Dalawa.

Me, grinning: Ahehehehe. Mga chosera!

********

breakfast, naabutan kong usapan sa aming staff cafeteria:

Aling Baby: Eh hindi naman n'ya kasalanan na nabaril yung kaibigan nya ah!
Ate Mel: Ano ka ba, Ate Baby! Kapatid nya yun! 'Di ba magkapatid sila?

Me, thinking: Huh? Anong komosyon ito? Sino naman kaya 'yung nabaril? Magkapatid? Binaril n'ya 'yung kapatid nya? Grabe naman 'yun!

Maria: Eh, hindi nga nila alam na magkapatid sila 'di ba?
Aling Baby: Kaya nga! 'Pag nalaman 'yun ni Ingrid, hindi na n'ya mamaltratuhin si JR.

Me, thinking: May ganun? May maltratuhan? Sino naman itong si Ingrid at JR? Staff ba sila? Wala yata akong kilalang ganu'n?

Ate Mel:
Pero 'pag nalaman ni JR na ipinakulong ni Helen Gamboa ang nanay n'ya, naku! Napakasama naman kasi ni Helen Gamboa!

Me, thinking: Nya! Ano 'to? Bakit naman nasama si Helen Gamboa dito?

Me,
curious: Ate Mel, ano'ng chika?
Ate Mel: Ay! Ahihihihi. Si Helen Gamboa kasi sa Tayong Dalawa nakakainis!

Me, smiling and amused: In fairnezz! Hahaha!

Monday, February 2, 2009

Catch-22

Hindi ako makakausap ng matino kapag busy ako o kapag meron akong iniisip na malalim. Ma-focus akong indibidwal kaya deadma sa akin ang lahat hangga't hindi ko nasasatisfy ang kung anuman ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ko.

***************************

Sabi sa Law of Karma, what goes around comes around. Ironic talaga na kung minsan, mauulit ang isang sitwasyon sa buhay mo na nangyari na sa iyo pero sa pagkakataong ito, iba na ang papel mo. Halimbawa, kung dati ay ikaw ang biktima, ngayon naman ikaw na ang salarin.

Buhat ng lumipat ako sa bago kong tahanan sa Sahari Village, marami akong mga paanyayang natatanggap at marami rin akong mga bagong kaibigang nakikilala. Bagama't madalas kong sabihin sa kanila tuwing kakantiyawan nila ako na masaya akong "single" at hindi ako naghahanap, hindi ko pa rin inaaalis ang posibilidad na magkaroon ako ng interes sa isang tao. Yun nga lang, hindi talaga ang paghahanap ang misyon ko sa buhay lalo na ngayon.

Sa isa sa mga tomaan ko nakilala si Drake. Cuteness, mabango at mukhang mabait 'pag tulog. Yun nga lang, isnabero ang hombre. Hindi ka kakausapin kapag hindi mo kinausap kahit na magkaharap pa kayo sa mesa o kahit magkatabi pa kayo. Nakakaubos ng self-confi! Pwedeng titignan ka lang niya pero hindi ka niya kakausapin dahil hindi siya komportable sa iyo. Kaya nag-effort ako na maging komportable siya sa akin. Nakakairita kasi na kakausapin niya lahat ng tao tapos ako parang nakikitawa lang. Ano ako? Outkast?

Kaya kinausap ko siya ng mga walang kakwenta-kwentang bagay katulad ng tungkol sa global warming, giyera sa Iraq at ng pagsikat ni Charice Pempengco sa youtube.

Pinatawa ko siya kahit na required pa akong tumambling at kumain ng apoy. Pinuri ko ang kanyang gravity-defying na gelled hair. Naging close kami. Tumatambay siya sa bahay ko kahit na disoras ng gabi at kahit na natutulog na ako. Normal lang naman ang samahan namin hanggang na-realize ko na lang na parang gusto ko na siya. At habang mas iniisip ko kung gusto ko na nga ba siya, lalo ko namang naco-confeeeeerm sa sarili ko na gusto ko na nga siya.

Pero reality checks in. Jowa siya ng isa sa mga kaibigan kong gerlat. Aray naman di ba!

Needless to say, naging komportable nga siya sa akin. Hanggang minsan, habang naglolokohan kami, sinabi niya na gusto raw niya ako. Hindi ko inaasahan yun sa kanya. Akala ko naman etching lang yung gusto factor na yun. Yung parang gusto lang nya yung company ko o kaya gusto lang niya yung effort ko na mapatawa ko siya. Nagba-browse ako sa laptop ko noon at nasa likod ko siya. Paglingon ko nagkalapit ang mukha namin. Wala akong nasabi. Wala akong nagawa kundi ang maging frozen. Hinalikan nya ako. Gusto ko yun. Pero hinawakan ko siya sa balikat niya at marahan ko siyang itinulak palayo sa akin. Sabi ko sa kanya, hindi pwede. Mali eh. Kaibigan ko ang jowa niya. Sabi niya, wala naman daw makakaalam. Parang friends lang daw sa ibang tao.

Inamin ko na gusto ko rin siya. Pero hindi ko ide-demand na mawala ang complications sa pagitan namin. Hindi sa ganitong paraan! Dahil alam ko, ako ang wala sa lugar. Ako ang dapat magbigay. Hindi kasi rason na gusto namin ang isa't isa para manakit kami ng ibang tao eh. Ayoko ring samantalahin na nalilito siya sa nararamdaman niya.

Kahit na siguro hindi ko kaibigan ang jowa niya, kahit na kakilala ko lang, hindi ko gugustuhing pumasok sa ganoon. Malinaw sa akin ang piliin ang tama. Pinaigting ang desisyon ko ng katotohanan na bagama't hindi ko malapit na kaibigan ang jowa niya, wala naman itong ginawa o ipinakitang hindi maganda sa akin. Sapat na dahilan na iyon para umakto ako ng nararapat. Sapat na dahilan na iyon para isipin kong hindi pagsasakripisyo ang hindi ituloy ang kung anuman meron sa pagitan namin. Mahalaga sa akin ang pagtitiwala kaya pinapahalagahan ko rin ang tiwalang ibinibigay sa akin.

Sinabi ko kay Drake na maging magkaibigan na lang muna kami. Sa ngayon, iniiwasan ko muna siya. Sinabi ko sa kanya na maglolokohan lang kami kung matapos ang desisyon ko eh magkikita pa kami. Parati lang kaming malilito kapag nagkataon. Sabi nga nila, kung ayaw mong mapaso, iwasan mong lumapit sa apoy.

Maaga pa. Kaya ko pang hindi malulong sa kanya. Siguro, kung malinaw na sa kanya kung ano ang gusto niya, pwede na ulit kaming maging malapit sa isa't isa. Sa ngayon, ayokong makadagdag sa pagkalito niya.

***************************

Nakita ko si Jared kahapon sa hintayan ng bus sa accomodation namin. Galing sa gym ang loko. Nagulat siya na nasa Sahari na ako. Kumusta na raw ba ako. Sabi ko ok lang. Busy pero hindi nagrereklamo.

Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya lately. Galing nga daw siya sa gym at gabi pa daw ang pasok niya. Kinumusta ko siya at pati na rin ang jowa nya na hindi ko naman alam kung meron. Matapos nya akong sabihan ng gago, nilinaw nya na wala siyang jowa at ok lang naman siya.

Tinignan ko siya. Gwapo talaga ang kumag. Gumanda pa ang katawan. Naka-white shirt at blue track pants. Halatang madalas ngang magbabad sa gym. Nginitian nya ako ng mahalata niya na chine-check ko siya.

Jared: miss mo ko noh!
Me: ulol! feeling ka!
Jared: hahahahahaha!
Me: peste! sige na anjan na yung bus.
Jared: tawagan mo ko.
Me: gagu! wala akong number mo!

At habang umaandar ang bus, tinignan ko siya na naglalakad palayo. Hindi ko maiwasang mapangiti. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Natutuwa lang ako na ok lang kami.

Minsan, ansarap makipag-lokohan lang. Walang pressure. Walang complications. Walang expectations. Walang problema. Walang seryosohan. Walang sakit. Walang nosebleed!