Free Blog Counter
Poker Blog

Tuesday, October 21, 2008

Playlist - Week 6

Senti mode muna...

1. Right Before Your Eyes - America
2. Baby Come Back - Player
3. One On One - Hall & Oates
4. Love Is My Decision - Chris De Burgh
5. Never Gonna Let You Go - Sergio Mendes

And when they tell you that you're crazy
You've got to try to settle down
You got to turn yourself around
Life is more than just good times and parties...

...But if, I ever have to choose
Love is my decision
With you I just can't lose
Stay here by my side
Love is my decision
Forever you and I

La la la la la...choz! Walang gano'n!
Waaaaahhhh! Miss ko na ang rainy days sa 'Pinas...

Wednesday, October 15, 2008

Thank you naman!

Sa panahong handa ka nang mangarap, dapat maghanda ka na ring magtagumpay. --- Marvin, isa sa mga panuntunan ko sa buhay.

Hayzzzz!!!

Dahil sa naimbudo ako sa eksena ko kay April kahapon, 'di ko tuloy nagunita ang aking ika-limang taon sa Dubai. October 14, 2003 nang una akong pumalaot at napadpad sa City of Gold.

Tutyal! Akalain mo 'yun. How time flies!

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil itinakda n'yang mapagtagumpayan ko ang hamon dito. Maraming nabago sa buhay ko at mas marami akong natutunan. Marami akong natupad na pangarap. Marami akong napatunayan.

Pero higit sa pansarili kong tagumpay, mas ipinagpapasalamat ko sa Kanya na naging instrumento Niya ako para matupad rin ang mga pangarap ng mga mahal ko sa buhay at ng mga taong malalapit sa puso ko. Na nabago din ang buhay nila dahil sa akin.

Dahil ganoon lang naman kasimple ang hangarin ko nang minsang ako'y nangarap.

Limang taon ang nakalipas. Wala akong inireklamo kahit na mahirap ang dinaanan ko noon lalo na nang ako'y nag-iisa pa lang. Hindi ko 'yun naging ugali. Inilayo ko ang pag-iisip ko sa gan'ong perspektibo. Dahil para sa akin, 'pag nangarap ka, dapat isa lang ang iniisip mo - ang magtagumpay.

'Tapos, pasalamat ka kay God!

:-)

Tuesday, October 14, 2008

Lip Liner

Breakfast.

Sa pagitan ng pagnguya at habang tinitignan ko s'ya sa aking side peripheral, heto ang isinagot ko sa friend kong si April na nag-ce-celebratre ng kanyang centennial anniversary nang i-try n'ya akong okrayin at buong pananalig n'yang sabihin na mas mukha s'yang bata sa akin dahil wala pa daw s'yang kulubot:

"Hindi ko papatulan 'yang sinabi mo dahil hindi kita gustong mapahiya...".

Ang aga aga!

Thursday, October 2, 2008

Mi Mama Divina

Lumaki ako ng wala ang tunay kong nanay sa tabi ko. Dala ng kahirapan sa buhay, napilitan syang mag-abroad. Limang taon ako noon, hindi pa ako nag-aaral at wala pa akong crush sa mga boys. Usong uso pa rin ang cornik na Corn Bits noon.

Naiwan kaming magkapatid sa pangangalaga ng kapatid ng nanay ng nanay ko. Kinailangan naming lumipat ng tirahan mula sa Gonzaga, Cagayan patungong San Jose City, Nueva Ecija.

Noong una, akala ko masungit ang kapatid ng lola ko. Hindi ko pa kasi siya kilala noon. Divina ang name nya - parang pangkontrabidang name. Parang Bella, Odette o kaya Celia. Later ko na lang naisip na ang English translation pala ng pangalan nya ay divine o heavenly.

Divine. Heavenly. Bagama't hindi kami nanggaling sa kanya, minahal nya kaming magkapatid na parang mga tunay nyang anak. Siya ang tumayong ina para sa amin at hindi sya pumalya sa pinili nyang papel kailanman. Paggising pa lang sa umaga, nakahanda na ang almusal namin. Isa sa mga talent nya ang magluto. Masarap talaga siyang magluto at bawal kaming lumiban sa hapag-kainan tuwing oras ng pagkain. Lagi ring malinis at plantsado ang uniform naming pamasok. Palagi kaming malinis. Kapag nakita nyang mahaba na ang kuko namin, hindi talaga sya titigil ng kakatalak hanggat hindi nya kami nakikitang nag-ne-nail cutter. Hanggang sa gabi, masaya nya kaming tinuturuang magbilang at kinukwentuhan ng tsismis tungkol sa mga kapitbahay. Lumaki kaming may disiplina. Mayroon kaming mga takdang gawain sa bahay katulad ng paghuhugas ng plato, pagwawalis sa bakuran at pagbubunot ng uban. May oras kami ng panonood ng telebisyon at mas maraming oras para sa pagaaral ng leksyon sa paaralan. Hayyy, ang buhay noon!

Salat kami sa maraming bagay noon, pero hindi sa pagmamahal. Busog na busog kami doon. Tahimik ang pamumuhay namin. Hindi marunong makipag-away ang Mama Diving ko. Napakabait kasi. Mas gusto nyang iwasan ang mga taong may ugali at nagmamaasim. Kaya kami rin, hindi marunong makipag-away. Kahit na ngayong mataray ako, ayoko pa rin ang nakikipag-away at ang komprontasyon. Mas madalas, pinipili ko ang umiwas sa mga taong hindi ko gusto ang pananaw sa buhay. Silent treatment. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong magpasimula nito. Kaya mahaba rin ang pasensya ko. Maliban na lang pag inaway na ang mga mahal ko sa buhay. Ibang usapan na 'yon!

Napakalaki ng pagmamahal at pasasalamat ko kay Mama. Tinawagan ko siya kanina at binati ng maligayang kaarawan. Na-mi-miss ko na ang lumpiang sariwa nya at spaghetti. At sobrang na-mi-miss ko na rin ang pag-aalaga nya sa amin ng bonggang bongga. Love you, Ma! Happy Birthday!

Monday, September 22, 2008

Tattoo




I finally got my second tattoo. Actually, last month pa 'to. Medyo pinagaling ko lang ng konti para nice pag pi-nost ko na. Had it done in one of my arms. You can check out my profile pic to see it.

It's my name in Japanese character. Pinadala ni Naruto yung Japanese translation tapos pina-verify ko kay Chef Ryuta para lang safe. Baka kase mamaya, name pala ni Naruto 'to eh forever na akong ma-identify sa kanya! Ok lang sana kung kami noh! Ahihihihi.

Love it!

Sunday, September 21, 2008

Playlist - Weeks 3 & 4

This post is long overdue! Pasensya na lang kase vacation mode ang lola nyo ng 2 weeks. Pinanindigan ko talaga ang R&R habang wala akong pasok sa opisina para naman ma-revitalize ang aking sistema. Minsan talaga kelangan nating lumayo sa trabaho, sa computer, sa mga tao kase nagiging nakakaumay na ang ganong eksena. Dapat, lagi tayong may time for ourselves para lang i-reward naman natin ang ating mga sarili for doing a good job. That way, mas maa-appreciate natin ang buhay.

Medyo nangitim nga lang ako kase si Mitz adik sa swimming. Damang dama kase naming dalawa na kami lang ang lumalangoy sa rooftop pool ng apartment nya. Shala! Lalaklak na lang ako ng sandamakmak na papaya soap para makontra ang aking dark complexion. Ahihihihi...

Anyway, heto na ang aking playlist.
3. Cater To You - Destiny's Child
4. Sandcastle - Regine Velasquez

Paulit-ulit kong pinapatugtog recently 'yung Himig ng Pag-ibig ni Yeng Constantino na soundtrack sa Dyosa. Sobrang nice!

Sa pagsapit ng dilim
Ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagka't ako'y nababalisa
'pag di ka kapiling
Bawat sandali'y mahalaga sa akin

Hayyyy, sarap ma-in love! In fairness! Ahihihihi.

Tuesday, September 9, 2008

Tetano

Love cannot live where there is no trust --- Cupid to Psyche in Edith Hamilton's Mythology.

I tried talking to Jared to straighten things out with him. Meron kasi kaming unfinished business eh. Kaya naisip ko, why not, once and for all, decide kung saan pupunta ang lahat. In fairness, more than six months na kaming hindi nag-uusap and ayoko ng loose ends. Doon kasi naguumpisa ang mga "what if's" natin sa buhay eh. Later on, ang mga "what if's" na ito ay nagiging regrets. At before pa sya mag-evolve into something like that, I thought about finally confronting the situation.

I sent him a message sa Friendster account nya. Sabi ko, if we are still ok, just give me a call. I learned earlier from one of his friends na nawala daw ang phone nya. I tried to call him kase para sana makipag-usap sa kanya. He did not reply sa message ko.

Five days later, he called me. He was using his friend's number kaya hindi ko kaagad sya nabosesan. Kinilig ang puta nyong lola kase siempre, he seems ok about everything. I talked to him.


Kriiingggg!!!!
Jared: Hello!
Me: Hi! Marvin here.
Jared: Kumusta?
Me: Fine, thank you! Who's this?
Jared: 'Di mo ko kilala?
Me: Pare, naghahanap ka ba ng away? ( ahihihihi...echoz lang! ) Err, no?
Jared: Ganyan ka, nakalimot ka na...
Me: Huh? Kailan pa naging posibleng kalimutan ang hindi naman kilala? ( Ahihihihi...in fairness, hindi ko pa rin talaga sya ma-recognize...)
Jared: Pilosopo mo naman!
Me: Wow! Judgmental ka! ( Nyahahahaha, this time, knows ko na na si Jared na yun! China-charot ko na lang talaga sya! Ahihihihi )
Jared: Ewan ko sa yo!
Me: Uuuuyyy, napipikon...Ahihihihi. Musta ka naman, stranger? Ahihihihi.
Jared: Taena mo!
Me: Mwahahahahha!
Jared: Ano, kumusta ka na?
Me: Eto, walang masyadong ipinagbago. Gumanda lang ng konti pa. Ahihihihi.
Jared: Hindi ba talaga kita makakausap ng seryoso? Sayang 'tong load ng friend ko!
Me: Ahihihi...eto naman may anger issues. Ok lang ako. Ikaw?
Jared: Eto, dati pa rin. Musta ka naman?
Me: Taena mo! Paulit ulit ka ng tanong! Next question please!
Jared: Ahehehehe. Gago ka kasi eh.
Me: Oh, well...napatawag ka?
Jared: Eh sabi mo, tawagan kita!
Me: Aba! At kelan ka pa naging masunurin? Dapa! Ahahahahha!
Jared: Taena mo! Magseryoso ka nga!
Me: Shocks! ( In fairness, parang totoong nagagalit na sya.) O sige na nga!
Jared: Wala lang, nangungumusta lang.
Me: Asus! Totoo ba yan?
Jared: Oo naman. Ikaw lang naman ang nanlalaglag eh.
Me: Ganon? Eh, sori ha. Madami lang akong issues non.
Jared: Huuuu! Tawag ako ng tawag non. Halos mamaga ang daliri ko kaka-redial sa number mo. Di ka sumasagot kahit sa text ko.
Me: Ehhh, sori talaga.
Jared: Ok lang. Ganyan ka naman eh. Nang-iiwan sa ere.
Me: Naks! Parang may halong poot at paghihinagpis yun ah!
Jared: Talaga!
Me: O, eh di sori na nga. Kalimutan na natin yon. Miss mo ba ko?
Jared: Tatawagan ba kita kung hindi?
Me: ( Parang hindi naman sya sumagot ng "oo"). Ah, ganun...
Jared: Kaw?
Me: Uhhmmm, minsan, na-mimiss ko rin sarili ko...
Jared: Huh? Taena mo!
Me: Nye! Baket?
Jared: Ibig kong sabihin, miss mo rin ba ako, gagu!
Me: Ang sweet mo naman! Oo, miss rin kita, gagu! ( Ahahahahaha! )
Jared: Asan ka ba?
Me: Nasa office.
Jared: Anong ginagawa mo?
Me: Ay, tanga ka? Eh di kausap kita!
Jared: Taena mo! Bababaan kita ng phone!
Me: Jokeness lang! Ahihihihi...Eh wag mo na kasing itanong yung ginagawa ko. Baka mag-nose bleed ka! Ahihihihi.
Jared: Yabang nito. Anong akala mo sa akin?
Me: Genius! Masama pa ba 'yon? Nyahahahahaha.
Jared: Ina ka!
Me: Ahihihihi. Eto naman, parang naninibago pa sa akin. Kaw, anong eksena mo?
Jared: Wala lang, nasa bahay. Walang pasok. Punta ka dito mamaya.
Me: Ha? Bakit? Anong meron? ( Tensyonado na talaga ako pag ganyan na ang usapan. Ahihihihi. )
Jared: Wala lang. Papainom ka. ( Kitams! )
Me: Nya! Sinong nagsabi?
Jared: Ako! Ayaw mo ba akong makita?
Me: ( Ayoko na bigla! Ahihihihi...) Uhmm, ok lang.
Jared: Anong ok lang?
Me: Ok lang na makita kita. Ok lang din na hindi. Ahihihihi.
Jared: Ganon? Akala ko ba miss mo ko?
Me: Oo nga. Kailangan bang i-celebrate pa natin yun?
Jared: Oo naman! Tsaka, may ipapakilala ako sa 'yo na kaibigan ko, si Harvey.
Me: Acquaintance party ba yan?
Jared: Hindi! Papakilala lang kita sa kanya kasi bago kong tropa 'to.
Me: Ganon? May ganon talaga? Dapat ba akong ma-excite at magbunyi?
Jared: Oo naman! Gwapo to!
Me: Ha? Eh ano naman ngayon?
Jared: Wala lang. Ano, punta ka ba?
Me: Eh, sige, titignan ko. Busy kasi ako kase monthend closing namin.
Jared: Ganyan ka naman eh. Lagi na lang akong nag-aadjust sa schedule mo!
Me: May poot at hinanakit na naman?
Jared: Hindi naman. Ok lang naman. So, ano? Punta ka?
Me: Di ako ka-sure...
Jared: O sige, basta tawagan mo na lang ako mamaya kung pupunta ka. Oorder na lang tayo ng toma pag andito ka na.
Me: Kei.
Jared: O sige na, kukunin na yung phone eh. Ingat na lang.
Me: Kei. Ingat din.
Jared: Basta text ka ha! O kaya, kung gusto mo, susunduin na lang kita mamaya?
Me: Huh? May car ka?
Jared: Wala! Pupuntahan kita.
Me: Magbu-bus ka?
Jared: Alangan namang lumipad ako!
Me: Oo nga noh? Eh nasa akin pala yung bato.
Jared: Anong bato? Gago! Iinom tayo hindi mag-sa-shabu!
Me: Ay, genius ka?
Jared: Huh? Bakit?
Me: Talino mo eh! ( Nde ma-getch si Darna! Wala ba 'tong childhood? )
Jared: Huh? Bakit?
Me: Huh? Bakit din?
Jared: Taena mo! Ang kulit mong kausap!
Me: Nya! Ako pa makulit! ( Eh, sya nga ang may kalawang ang utak! )
Jared: Alangan namang ako!
Me: O sya, sige na! Ako na nga! Basta, iiinform na lang kita.
Jared: O sige. Ingat!
Me: Thanks! Kaw din baka ma-tetano ka.
Jared: Bakit ako mate-teta...
Click. Disconnected.

Ahahahahah! At nag-hung up na talaga ako bago pa nya maitanong yung tatanungin nya. Ang brainy! Ahahahahha.

Eh, naglaba ako nung araw na 'yon kaya hindi ako nakapunta. Pero nagpunta naman ako sa accomodation nila the next day. Ahihihihihi. Ang kiri ko noh?

Then, last Friday, tumawag ang kumag. Nawawalan daw sya ng anda. Nde raw nya alam kung paanong nangyari yon. Magsumbong ba talaga sa akin? Ano ako, barangay chairman?Hmmm, eh naamoy ko na kaagad ang susunod na kabanata noh! Kaya, patay malisya lang ako. At hindi nga ako nagkamali! Give-sungan ko daw muna sya at babayaran din laterzzzz!

Sabi ko, wai na akong dutch! Ipinadala ko na kay Inang bayan. Sori! Ahihihihihi. Kaya ngayon, deadma. Wit ko wiz magpaloko noh! Akech pa!

Haaayyyy, life...

Some things never change. Some, never will.

And, some just can't.

Ganda ko!