i was in Sharjah yesterday. nakipag-eyeball ako sa mga bagets tsaka kay Beng. 48 years na rin kasi akong di naliligaw dun eh. nakisabay na ko kay Domeng kasi may pasok sya nung tanghali. at talaga namang naghintay ang walang hanggan sa sobrang katagalan ng pagdating ng carlift nya sa pangunguna ni Marie! avah, at talagang waiting in vain kame noh! kamustahin naman yun, davah!
anyway, back sa mga bagets. Zayed is looking better. mejo nag-mature na ng konti with signs of pimples due to puberty. ciempre, cuticle remover pa rin ang hombre. Sultan showed me his military uniform. Vengga ang otoko with matching certificate of participation yata yun na written in Arabic na pilit nyang pinababasa sa kin. Chenes davah? Buti nde ako buntis kundi, nakunan na koh! Sana chinese characters na lang pinabasa nya para naidemonstrate ko pa! Echos! Rashid, meanwhile is a bit tamer than before. Mejo hindi na nambooboogie wonderland. In touch na kasi yata sya sa kanyang feminine side. Charoz! Baka mag huramentado yun pag nabasa to! ahihihihi.
then, came the mudra. luka luka pa rin si Beng na kulang na lang eh may i twirl ng hair habang hinahanap si Basilio at Crispin. hehehehehe. bonding kame sa Chili's at pinagkwentuhan ang sangkatutak na exenang na-miss ko ( or more aptly, pinagdesisyunan kong ma-miss...). we talked about her lovelife na hindi ko maintindihan kung saan tutungo. but then, she's taking happiness as it comes eh. sabi nga nya, if one has to pay the price to feel it, then dapat i-feel lang. deadma na sa price to pay. sounds convincing davah?
kamustahin ko kaya yung mga units ko sa Psychology at pag-aralan ang statement ng potah? sabi kasi dun sa subject namin eh ang happiness daw, hindi brief moment lang. dapat may sustenance ( hindi sustagen! ). yun daw yung totoong happiness. meron pa ngang pyramid na inimbento para ipakita yung level of happiness ng isang tao. at nde daw maituturing na happiness ang panandaliang gratification o temporary "high". at eto pa ang ikinagulantang ng lola mo to the im-falling-from-my-seat level - wala daw totong pagmamahal na manggagaling from your partner. magre-reaction paper na sana ako pero bigla nyang sinabi na yung pagmamahal lang daw ng magulang sa anak ang matatawag na unconditional love. eh, agree na ako dun!
but then, iba iba talaga ang opinion ng tao eh. depende yan sa pinagdaanan mo sa buhay. meron akong nabasang book before. sabi dun sa libro, meron daw tatlong magkakapit bahay na nasa loob lang daw ng bahay ( ciempre, chika lang yun for the sake of arriving sa moral of the story ). tapos, may nagtanong daw sa kanila kung ano ba ang kulay ng paligid sa labas.
yung neighborhood # 1, green glass daw ang bintana nya. kaya, kapag tinanong mo daw cia kung ano yung kulay ng kapaligiran sa labas, sasabihin daw nya green ( at papatay sya ng kokontra dito! ).
tapos, si neighborhood # 2, red naman ang windows explorer ( bongga! ). kaya, red ang kanyang expectation sa paligid.
at si neighborhood # 3 naman, blue. kaya, may i sing sya ng bluer than blue, sadder than sad...
ciempre, ang moral of the story eh, wag maglagay ng bintanang may colors of the rainbow kung hindi ka badessa mae! ahihihihi
seriously, ang moral of the story eh, go out and seek the truth. find out what's really out there for yourself. kasi, other people would have a different perspective on one situation eh. like, going back to the neighborhood, bawat isa iba ang alam na truth. kasi, yun na yung kinagisnan nya. yun na yung totoo para sa kanya. you might believe either one or all of the them. pwede mong sabihin na, ah eh, oo nga! red ang halaman sa labas, or green yung mga batang naglalaro. pero dapat, seek the truth.
pero sa istorya, mas bigyang pansin natin yung mas importante nating matutunan - na ang opinyon, pwedeng mabago at dapat meron tayong sariling opinion at kaya nating panindigan yun without insisting it to others! nagulo ka noh?
ganito yun, granting na lumabas ka na nga at nakita mo na hindi red o green o blue ang kapaligiran, what makes you think na papayag ang tatlong neighbors na tama ka? ciempre, mga praning nga sila eh kaya kahit sabihin mo na there's a lot more colors out there than the tint of your window eh tatawanan ka lang nila ng mala-Bella Flores halakhak. at, swerte mo na yun kasi humalakhak lang. eh kung humalakhak na may kasamang pang-aapi at poot? at nagkataon pa na ang iba pang neighbors eh si Celia Rodriguez at si Gladys Reyes? magtago ka na, davah!
kaya, importante na meron kang sariling disposisyon. at wag itung ipipilit. tama nang alam mo ang totoo. pag sinabi mo sa mga neighbors na " oy, aling Bella! alam mo ba na iba pala ang kulay ng paligid kapag lumabas ka?" at nagmaganda pa rin sila, eh wag mo nang problemahin. may mga tao talagang kahit idarang mo sa apoy eh hindi malulusaw...saan ka pa naman davah?