Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, September 6, 2009

Lip Liner 8



Hindi ko alam kung bakit ako masaya. Uhmm, siguro ang tamang term eh inspired. Hindi naman ako inlab. May ganito ba talagang feeling?

Kagabi, habang umiinom ako ng hot choco, pinatugtog ko ang kanta ni Anita Baker na Caught Up In The Rapture. Bigla na lang na-uplift ang spirit ko. 'Tapos, kanina sa work, parang maghapon akong nakangiti habang kinakanta ko 'yung kanta na 'yun. Bakit kaya? Hindi naman ako nag-aadik. Hindi kaya napo-possessed lang ako?

Ewan! Mas mainam na ang maging masaya kesa malungkot. Scratch the siko!

*************************************************

Speaking of kaadikan, nalululong na 'ata ako sa Dahil May Isang Ikaw. Inaabangan ko talaga ang development ng mga characters at ng plot. Magaling si Sid Lucero. Hindi siya nagpapahuli sa galing sa acting kay Jericho. Pero si Lorna ang talagang magaling. Nakatulong sa kanya ang kanyang kasalukuyang pagdadalamhati. Ang role kasi n'ya ay isang tough and successful lawyer na nangungulila sa kanyang nawawalang anak. Mahirap ramdamin ang tagumpay na walang kinang ang mata.

Isa sa mga linyang tumimo sa akin so far ay ang tanong ni Jericho kay Lorna:

"Paano mo maipagtatanggol ang kasong hindi mo na pinaniniwalaan?"

Panoorin n'yo na lang nang malaman n'yo ang isinagot ni LT.

*************************************************

Exciting na naman ang tennis! Kasi, Rafael Nadal is back!

Magawa na n'ya kayang pagwagian ang katangi-tanging grandslam tournament na hindi pa n'ya napapanalunan?

Mukhang maraming obstacle. Una, ang kanyang archrival na si Federer na pinuno ng men's ranking ngayon. Pangalawa, ang umungos kay Nadal bilang 2nd top player na si Andy Murray. At, pangatlo, si Rafa mismo. Kagagaling lang n'ya sa injury at ito ang una n'yang grandslam appearance pagkatapos n'yang matalo sa 4th round ng pinaghaharian n'yang French Open.

Well, abangan na lang natin, 'di ba?

13 comments:

  1. 1. Nag ejaculate ka.
    2. May bago kang gadget.
    3. Nag-remit ka na.
    4. Uuwi ka na sa Dec. nagbibilang.

    Mas ok din naman malungkot, kasi we have our to feel happy again. Mas pangit kasi yung masaya parati and at the end, "iiyak ka" sabi nga nila. So mas maganda yung "sa akin ang huling luff-trip". Corny.

    I missed wacthing the old soaps for 1 week, ano na kaya ang nangyari kay Santino? Pingdasal nya kaya tayo?

    ReplyDelete
  2. 1. Nag ejaculate ka.
    2. May bago kang gadget.
    3. Nag-remit ka na.
    4. Uuwi ka na sa Dec. nagbibilang.

    Mas ok din naman malungkot, kasi we have our reason to feel happy again. Mas pangit kasi yung masaya parati and at the end, "iiyak ka" sabi nga nila. So mas maganda yung "sa akin ang huling luff-trip". Corny.

    I missed wacthing the old soaps for 1 week, ano na kaya ang nangyari kay Santino? Pingdasal nya kaya tayo?

    ReplyDelete
  3. Hanuvayan, nag doble click, paki out yung first.

    ReplyDelete
  4. @ K.noizki,

    i guess im at a different league already. ngayon kase, i feel na when im happy, i should embrace it. why worry about something that does not happen yet?

    im currently hooked with the US Open so, 'yung Dahil May Isang Ikaw lang muna pinapanood ko. :)

    ReplyDelete
  5. Marvz nakita mo na ba yung mga pics ni Rafa at GF nya sa holiday? grabe ang bod kakaloka... hindi naman siya mukang nainjured at nag jetski pa nga, naku pagkakita ko sa bod nya para bang gustong gusto kong yakapin hehehe...

    ReplyDelete
  6. eye love it!

    Type ko nga din ang acting ni Sid Lucero.. playful and easy going

    kalukring ang mga kainartehan ni Chinchin.. grabe... losyang na sosyal haha

    siguro menopausal ka na? o buntis? mood swings ba ito? panoorin mo na lang ang FLorinda (kung meron jan) si ecker ang mananakot dun, ay este, production designer pala hehe

    ReplyDelete
  7. @ mareng lindz,

    yep! saw it and i was drooling! hahaha. let's hope na manalo s'ya sa US Open. :)

    @ pehpot,

    hahaha! wala pa ngang anak menopausal na. saklap naman nun! hindi ko pa inuumpisahan yung Florinda. pero alam ko na si Ecker ang production designer nun kase nabanggit nga n'ya nung nagvacation sya dito sa Dubai bago n'ya gawin 'yung Betty La Fea. natatakot ako sa trailer eh! si Donya Cristina kase! Scaryness!!!!!

    ReplyDelete
  8. Hi Kuya Marvin!
    Maybe the hot choco did the trick! Chocolates makes people happy right? Anyway, the pictures were cute! ;)

    ReplyDelete
  9. @ adnos,

    uhmmm, pwedeng ganun. cguro i'll just take it as it is. masaya ako ganun lang. minsan tlaga walang explanation. :)

    ReplyDelete
  10. NAlungkot din ako nung natalo si Nadal sa Semis... grrr...

    ReplyDelete
  11. @ jenny,

    hindi bale, magaling naman talaga 'yung nakatalo sa kanya. sana lang next year makuha na ni nadal ang us open! yun na lang ang kukumpleto sa career grand slam n'ya! pray tau! :)

    ReplyDelete
  12. Kumusta doon, Nagawa mo na ang isang mahusay na trabaho. Ako ay tiyak Digg ito at para sa aking bahagi iminumungkahi sa aking mga kaibigan. Ako ay tiwala na sila ay nakinabang mula sa web site na ito.

    ReplyDelete
  13. Thank you for this article which introduced me to a very interesting site. Hope to hear from you again.

    ReplyDelete