Umuwi ako ng late today dahil sa nalalapit na pagbabayad na naman ng suweldo. Abala na naman ako siyempre pa.
Pero simula pa lang ng araw, hindi na ako mapakali. Maghapong sumasakit ang ulo ko sa anticipation. Merong hindi maalis sa isip ko.
Pagupo ko sa bus papasok sa work, nakasabay ko ang mega-friend kong si Jong. Chinorvah n'ya na naaliw daw s'ya the night before dahil sa panonood ng mga teleserye. Sa isip ko, "Sh*tness! Sinasabi ko na nga ba eh! Maling mali ito!". Nagsimula nang sumakit ang ulo ko.
Itinulog ko ang kalahating oras ng biyahe para hindi naman ako masyadong ma-stress. Pero hindi masyadong epektib. Hindi ko na mahintay ang uwian. Buti na lang at arroz caldo ang breakfast. Medyo nabalanse ang sakit ng ulo ko.
Pinlano kong madaliin ang trabaho ko para makaeskapo ako ng maaga. Pero may trainee pala ako ngayon. Kasuya. Wrong timing. Lalong sumakit ang ulo ko.
Nang bago magtanghalian, may ipinakilala ang amo namin. Government auditors daw. Mag-i-stay daw ng ilang araw. Ibigay daw namin ang mga required documents kapag kailangan nila. F*ck! Bakit ngayon pa? Buti na lang isang report lang hinanap sa akin. Still, na-disrupt ang work flow ko.
After lunch, nagluko naman ang payroll system na gamit ko. Kainis! Isang oras din akong naghintay bago naayos ng software developer. Pagsubok ba ito? Gusto ko nang sukuan! Gusto nang sumabog ng ulo ko!
Uwian time na. Tumawag sa akin si Jong at nangiinis. Uuwi na daw siya. Pagbutihin ko daw ang paggawa ng sweldo. Gusto ko siyang i-surprise. Huwag ko kaya siyang bayaran ng tama? Nanggigigil na ako. Magisa ko na lang din sa opisina.
Nang makauwi na ako ng alas otso, nawala na ang sakit ng ulo ko. Psychosomatic lang naman 'yun eh. Hinarap ko na ang laptop at sinearch na sa google kung paano ko mapapanood ang...
Leche kasing teaser 'yan eh! Nakaka-tease! Na-tease naman ako! Hihihihi.
The last time na napanood ko si Lorna sa ABS CBN, I got really hooked with Kaytagal Kang Hinintay. Doon nagsimula ang John Lloyd-Bea tandem.
The last time I completed an Echo-Tin teleserye, I was totally converted. Hindi ko pwedeng i-deny na iba ang hatak ng chemistry nila sa Pangako Sa 'Yo.
The last time na nakita kong umarte si Gabby, I was smitten. Ka-partner pa n'ya ang talented actress na si Claudine sa Iisa Pa Lamang.
Kaya ngayong gabi, habang pinapanood ko ang first 2 episodes ng Dahil May Isang Ikaw, para akong nasa spa - na-relax talaga ako. Bagama't hindi na bago ang kwento, napukaw pa rin n'ya ang atensyon ko.
Hmmm, mukhang meron akong bagong aabangan gabi-gabi ah! :)