Free Blog Counter
Poker Blog

Monday, January 12, 2009

Birthday ni Pangot

January 10

Isang nakaka-lukring na araw ang birthday celebration ni Pangot. Bukod sa maaga na kaming gumising ni Jong para bumili ng ibang gagamitin sa party, kakapagod pa ang preparation. Pero dahil talented ako, nakapag-power nap ako ng 1 hour habang naghihiwa sila ng mga iluluto. At habangbuhay akong sinumbatan ni Jong dahil sa "pandaraya" kong iyon.


Hay naku! Kakangarag! Ilang beses kaming sinita ng security dahil nirereklamo kami ng isa kong kapitbahay. Dis-oras na daw kasi ng gabi kaya nabubulabog daw siya. Ano siya, school of fish? Mabulabog? Tseh! Slight deadma lang tapos carry na ulet. At sa katigasan ng ulo namin kinabukasan, naka-receive ako ng letter na sinu-summon akong kitain ang housing manager para magpaliwanag sa barangay! Sakit sa ulo! Siyempre, ako naman na first time mapatawag sa principal's office eh tensiyonado agad noh! But it ended up well. Nag-apologize naman ako and I gave my word na hindi na ulet mangyayari ang pagmamaganda ko. Choz!

Sa kabilang banda, masaya ang celebration ng birthday ng kapatid ko. Andaming people na dumating. Kinabog ang pagiging Miss Congeniality ng lola nyo! Pero dahil sa insidenteng iyon, parang balik na lang yata kami sa pag-cecelebrate by eating out! Traumatic eh!

Anyway, happy birthday na lang ulet sa kapatid ko na katangi-tanging nagtitiyaga sa akin dahil wala siyang choice. Ahihihihi.

Enjoy the pics!




















4 comments:

  1. mare, happy birthday sa kapatid mo, pwede pa-arbor ng jersey ni kevin garnet? wahahaha.. at dahil sa pagmamahal mo sa kapatid mo, napatawag ka sa principal's office, hihi.. carry naman ng powers mo db? God Bless!!!

    ReplyDelete
  2. nice pix. everybody happy! belated na lang sa kanya btw cool tee marvin =)

    ReplyDelete
  3. I stumbled upon your blog very interesting! ! Thank you for giving us this moment of pure happiness .

    ReplyDelete
  4. Awesome details, many thanks to the writer. It is incomprehensive to me now, but in common, the effectiveness and importance is frustrating. Thanks again and fantastic luck!

    ReplyDelete