Interview ko kanina sa Grand Hyatt para sa unexpected kong promotion. Well, actually, wala pang result kaya hindi ko pa pwedeng ramdamin ang mga pangyayari. Ang totoo, hindi ko naman in-apply-an ang position. Ni-recommend lang ako ng isa sa mga bosses ko kaya ako nasama sa listahan ng mga possible candidates. Shocked pa nga ako at nanginginig nang ipaalam sa akin na meron akong panayam. That was a day before my birthday.
Anyway, kanina, meron lang nakakatuwang pangyayari na hindi ko na yata kayang kalimutan forever! Panel interview kasi 'yun na na-set up ng ala-una ng tanghali. Wala na akong time mag-lunch dahil magkalayo ang Hyatt Regency na pinagtatrabahuhan ko mula sa Grand Hyatt kaya imagine-in n'yo na lang ang gutom ko.
Bagama't nangangarag na ako sa mga nakaka-nosebleed na mga tanong sa akin ng mga interviewer na isang Pakistani/Australian at isang German, poised pa rin ako kasi gusto kong iparating na confident ako. Nang biglang magtanong ang German nang:
Ms. German: So, how do you handle stress at work?
Me: Well, I don't really get stressed too often...so,...
Ms. German: Alright. But for those times when you do feel stressed, how do you cope up?
In fairness, hindi maayos 'yung una kong sagot. Kaya, nginitian ko s'ya na parang pang-Miss Close up smile bago muling um-answer. Makabawi man lang.
Me: Well, I call my family back home.
Nya!!!! Ano daw? Saan nanggaling 'yun????? Pucha! Ito 'yung mga rare moments sa buhay natin na gusto nating i-erased ang mga bagay na nasabi na natin. Pero siyempre, panel interview kaya hindi ko pwedeng madaya at mag-pretend na bingi yung interviewer at panindigan na hindi talaga 'yun yung nasagot ko. Kaya, may I pray na lang ang lola na sana, tanggapin na lang 'yung answer ko at wala nang follow up question na parang malabong mangyari dahil parehong kumunot ang noo nila. 'Pag nagkataon, hindi ko yata kayang i-defend ng mahusay ang answer ko.
Ms. German: I don't understand how calling your family could help you handle stress at work.
Me too!!!! In fairnes, nakaka-relate ako sa 'yo. Waaaaahhhh! Eh, anong gagawin ko ay! Smile na lang ulet.
Mr. Pakistani/Australian: Do you care to elaborate on that Mr. Salviejo?
Chosero! Miss poh! Ahehehehehe. E-elaborate pa talaga! Pwede bang tapusin na ang question and answer portion? Derecho na sa talent competition! Kahit mag-limbo rock, kakayanin ko! Hahahahaha! Anyway, with super confidence na hindi ko alam kung saan nag-originate, pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa sabay smiley face bago sumagot na parang nangungusap.
Me: Of course. You see, sometimes, when we get stressed and everything seems so messed up already, it gets harder to convince ourselves that everything's gonna be okay. So, at times, we need other people to assure us that everything is really going to be alright. It makes a difference hearing it from anyone other than ourselves because we tend to believe somehow that everything will be okay.
Saylenz. Nakiramdam ako. Ako ba yung sumagot nun? Baka may iba pang tao sa loob ng room na gusto akong tulungang sumagot, mag-te-thank you ako. At pagtingin ko sa mga interviewer, nakakaloka! Sabay silang naka-smile sa akin habang tumatango-tango. Impairnez! Naramdaman ko ang pangyayari! Ahihihihi. Parang minahal ko ang moment. Parang naramdaman ko 'yung naramdaman ni Gloria Diaz nung nanalo siya sa Miss Universe. Choz! Mag-ambisyon? Hahahahaha.
Anyway, nang matapos ang nakaka-tuyot na interview na meron pang mga core competencies, define leadership chuchu pati how do you motivate yourself eklavou, sinabihan ako na ipapaalam na lang sa akin ang result dahil meron pa daw ibang iinterview-hin na candidates. Nagpasalamat ako sa time nila at naisip ko na kahit siguro ano pa ang maging result nito, proud ako kasi feeling ko na-represent ko ang Philippines ng bonggang bongga. Ahihihihihi.
Sana naman, mapasok ako sa top 3 finalist. Ahihihihihi.