Free Blog Counter
Poker Blog

Monday, September 1, 2008

Vamos Rafa!

Almost finish na ang monthend closing namin...tapos na ang preliminaries...finalization na lang tomorrow! Nice!

Anyway, happy nena ako today kase nakapasok ng 4th round si Rafael Nadal. Sana, sya ang magwagi sa US Open. In fairness, mahal ko 'tong Spaniard na 'to. Mukha kaseng maangas eh tsaka sobrang galing! Hindi ako na-bobore sa laro nya. Nung nanalo sya ng French Open 2008, expected ko na yon. King of Clay nga eh! Pero nung natalo nya si Roger Federer sa Wimbledon, hay naku! Sobra na itu! Pinanood talaga namin nila Jong at Kuya Ses yun! Mga past midnight na natapos yung laro na yun kase nagkaroon ng rain delays at nahinto talaga yung laro ng makailang beses din. Pero, tinutukan talaga naming tatlo yun! Inaasar pa nga nila ako kase si Federer gusto nilang manalo samantalang ako eh super cheer talaga kay Nadal. Super sad na nga ako nung nananalo na talaga si Federer. Feeling ko, malo-loss na naman si Nadal sa kanya sa Wimbledon. Eh syempre, fighting spirit na naman ang labanan kaya sobrang pray talaga ako na magwagi ang papa Rafa noh! And in the end, win talaga sya!

Hayyyyy...Currently, na-replace nya na si Federer as No.1 sa ranking. Grabe! First time nya itu! Tapos, wagi pa sya sa katatapos lang na Beijing Olympics! Dapat talaga magpa-burger na sya! Ahihihihihi...

Well, huli akong nagka-interest sa tennis eh nung naglalaro pa si Boris Becker tsaka si Yevgeny Kafelnikov. Sobrang paborito ko talaga 'tong dalawa na 'to noon! Updated ako palagi sa tennis nang mga panahon na iyon. Kapag sila nga ang magkalaban, affected ako eh. Di ko kase alam kung sino ang pipiliin sa kanila. Ahihihihi...Tapos nung hindi na sila active sa circuit, tinamad na akong manood. Naging favorite ko rin noon si Goran Ivanesevic. Wafu kase! Ahihihihi...

Una akong nakapanood ng tennis nung Grade 6 ako. Hay naku! In fairness sa akin, alam na alam ko ang mga rules sa tennis. Yung mga terms tulad ng deuce, advantage, lob at love...pati yang mga Grandslam tournaments tsaka yung ATP tour na yan, genius-geniusan ako jan! Ang pinakapaborito kong tennis player ever eh si Steffi Graf. Sobrang galing ng German na gerlat na itu. At pag sya talaga ang naglalaro noon, wala akong pakialam sa mundo. Di ko alintana kung may gusto silang ibang panoorin sa bahay. Basta, ipaglalaban ko talaga pag si Graf na ang naglalaro. Gustong gusto ko na kalaban nya ang Spaniard na si Arantxa Sanchez-Vicario. Feeling ko, she brings out the best in Graf. Kase, napaka-versatile na kalaban ni Arantxa. Pinapatakbo talaga nya ng husto si Graf! Sa ngayon, retired na si Graf at asawa lang naman nya ngayon ang isa pang tennis legend na si Andre Agassi. Taruzh talaga ni Steffi! Waging-wagi! Ahihihihi...

Basta, iwi-wish ko na sana manalo si Nadal sa US Open para todo na ang pagiging number 1 nya! Ahihihihihi. Love u Rafa! :-)

4 comments:

  1. laki ng picture ko ah?mataba na kasi!hehehe tagal n pla ntin magkaibigan bading!i feel the same me though dami nangyari!me got married and you...dami ng boylets!hehehe there so many reasons why i stayed and cherished your friendship.but to cite 1, i dnt feel old in this relationship...it will always bring back the young bessie...d 1 really tried hard to play table tennis,frown and sometimes had been rude to chaka dolls!:)
    hope everyone's will stay...for any other reasons...or no reason at all.
    happy sept2!;)

    ReplyDelete
  2. sori nagjumped d2 comment ko for september 02..kainis gamitin laptop ni ed...hehehe sinisi b sa laptop kaengotan!

    ReplyDelete
  3. Very nice blog, thank you for details on shooting, it'll make me grow.

    voyance gratuite par email

    ReplyDelete
  4. A big thank you for this very clear section !! Beautiful day

    ReplyDelete