Love cannot live where there is no trust --- Cupid to Psyche in Edith Hamilton's Mythology.
I tried talking to Jared to straighten things out with him. Meron kasi kaming unfinished business eh. Kaya naisip ko, why not, once and for all, decide kung saan pupunta ang lahat. In fairness, more than six months na kaming hindi nag-uusap and ayoko ng loose ends. Doon kasi naguumpisa ang mga "what if's" natin sa buhay eh. Later on, ang mga "what if's" na ito ay nagiging regrets. At before pa sya mag-evolve into something like that, I thought about finally confronting the situation.
I sent him a message sa Friendster account nya. Sabi ko, if we are still ok, just give me a call. I learned earlier from one of his friends na nawala daw ang phone nya. I tried to call him kase para sana makipag-usap sa kanya. He did not reply sa message ko.
Five days later, he called me. He was using his friend's number kaya hindi ko kaagad sya nabosesan. Kinilig ang puta nyong lola kase siempre, he seems ok about everything. I talked to him.
Kriiingggg!!!!
Jared: Hello!
Me: Hi! Marvin here.
Jared: Kumusta?
Me: Fine, thank you! Who's this?
Jared: 'Di mo ko kilala?
Me: Pare, naghahanap ka ba ng away? ( ahihihihi...echoz lang! ) Err, no?
Jared: Ganyan ka, nakalimot ka na...
Me: Huh? Kailan pa naging posibleng kalimutan ang hindi naman kilala? ( Ahihihihi...in fairness, hindi ko pa rin talaga sya ma-recognize...)
Jared: Pilosopo mo naman!
Me: Wow! Judgmental ka! ( Nyahahahaha, this time, knows ko na na si Jared na yun! China-charot ko na lang talaga sya! Ahihihihi )
Jared: Ewan ko sa yo!
Me: Uuuuyyy, napipikon...Ahihihihi. Musta ka naman, stranger? Ahihihihi.
Jared: Taena mo!
Me: Mwahahahahha!
Jared: Ano, kumusta ka na?
Me: Eto, walang masyadong ipinagbago. Gumanda lang ng konti pa. Ahihihihi.
Jared: Hindi ba talaga kita makakausap ng seryoso? Sayang 'tong load ng friend ko!
Me: Ahihihi...eto naman may anger issues. Ok lang ako. Ikaw?
Jared: Eto, dati pa rin. Musta ka naman?
Me: Taena mo! Paulit ulit ka ng tanong! Next question please!
Jared: Ahehehehe. Gago ka kasi eh.
Me: Oh, well...napatawag ka?
Jared: Eh sabi mo, tawagan kita!
Me: Aba! At kelan ka pa naging masunurin? Dapa! Ahahahahha!
Jared: Taena mo! Magseryoso ka nga!
Me: Shocks! ( In fairness, parang totoong nagagalit na sya.) O sige na nga!
Jared: Wala lang, nangungumusta lang.
Me: Asus! Totoo ba yan?
Jared: Oo naman. Ikaw lang naman ang nanlalaglag eh.
Me: Ganon? Eh, sori ha. Madami lang akong issues non.
Jared: Huuuu! Tawag ako ng tawag non. Halos mamaga ang daliri ko kaka-redial sa number mo. Di ka sumasagot kahit sa text ko.
Me: Ehhh, sori talaga.
Jared: Ok lang. Ganyan ka naman eh. Nang-iiwan sa ere.
Me: Naks! Parang may halong poot at paghihinagpis yun ah!
Jared: Talaga!
Me: O, eh di sori na nga. Kalimutan na natin yon. Miss mo ba ko?
Jared: Tatawagan ba kita kung hindi?
Me: ( Parang hindi naman sya sumagot ng "oo"). Ah, ganun...
Jared: Kaw?
Me: Uhhmmm, minsan, na-mimiss ko rin sarili ko...
Jared: Huh? Taena mo!
Me: Nye! Baket?
Jared: Ibig kong sabihin, miss mo rin ba ako, gagu!
Me: Ang sweet mo naman! Oo, miss rin kita, gagu! ( Ahahahahaha! )
Jared: Asan ka ba?
Me: Nasa office.
Jared: Anong ginagawa mo?
Me: Ay, tanga ka? Eh di kausap kita!
Jared: Taena mo! Bababaan kita ng phone!
Me: Jokeness lang! Ahihihihi...Eh wag mo na kasing itanong yung ginagawa ko. Baka mag-nose bleed ka! Ahihihihi.
Jared: Yabang nito. Anong akala mo sa akin?
Me: Genius! Masama pa ba 'yon? Nyahahahahaha.
Jared: Ina ka!
Me: Ahihihihi. Eto naman, parang naninibago pa sa akin. Kaw, anong eksena mo?
Jared: Wala lang, nasa bahay. Walang pasok. Punta ka dito mamaya.
Me: Ha? Bakit? Anong meron? ( Tensyonado na talaga ako pag ganyan na ang usapan. Ahihihihi. )
Jared: Wala lang. Papainom ka. ( Kitams! )
Me: Nya! Sinong nagsabi?
Jared: Ako! Ayaw mo ba akong makita?
Me: ( Ayoko na bigla! Ahihihihi...) Uhmm, ok lang.
Jared: Anong ok lang?
Me: Ok lang na makita kita. Ok lang din na hindi. Ahihihihi.
Jared: Ganon? Akala ko ba miss mo ko?
Me: Oo nga. Kailangan bang i-celebrate pa natin yun?
Jared: Oo naman! Tsaka, may ipapakilala ako sa 'yo na kaibigan ko, si Harvey.
Me: Acquaintance party ba yan?
Jared: Hindi! Papakilala lang kita sa kanya kasi bago kong tropa 'to.
Me: Ganon? May ganon talaga? Dapat ba akong ma-excite at magbunyi?
Jared: Oo naman! Gwapo to!
Me: Ha? Eh ano naman ngayon?
Jared: Wala lang. Ano, punta ka ba?
Me: Eh, sige, titignan ko. Busy kasi ako kase monthend closing namin.
Jared: Ganyan ka naman eh. Lagi na lang akong nag-aadjust sa schedule mo!
Me: May poot at hinanakit na naman?
Jared: Hindi naman. Ok lang naman. So, ano? Punta ka?
Me: Di ako ka-sure...
Jared: O sige, basta tawagan mo na lang ako mamaya kung pupunta ka. Oorder na lang tayo ng toma pag andito ka na.
Me: Kei.
Jared: O sige na, kukunin na yung phone eh. Ingat na lang.
Me: Kei. Ingat din.
Jared: Basta text ka ha! O kaya, kung gusto mo, susunduin na lang kita mamaya?
Me: Huh? May car ka?
Jared: Wala! Pupuntahan kita.
Me: Magbu-bus ka?
Jared: Alangan namang lumipad ako!
Me: Oo nga noh? Eh nasa akin pala yung bato.
Jared: Anong bato? Gago! Iinom tayo hindi mag-sa-shabu!
Me: Ay, genius ka?
Jared: Huh? Bakit?
Me: Talino mo eh! ( Nde ma-getch si Darna! Wala ba 'tong childhood? )
Jared: Huh? Bakit?
Me: Huh? Bakit din?
Jared: Taena mo! Ang kulit mong kausap!
Me: Nya! Ako pa makulit! ( Eh, sya nga ang may kalawang ang utak! )
Jared: Alangan namang ako!
Me: O sya, sige na! Ako na nga! Basta, iiinform na lang kita.
Jared: O sige. Ingat!
Me: Thanks! Kaw din baka ma-tetano ka.
Jared: Bakit ako mate-teta...
Click. Disconnected.
Ahahahahah! At nag-hung up na talaga ako bago pa nya maitanong yung tatanungin nya. Ang brainy! Ahahahahha.
Eh, naglaba ako nung araw na 'yon kaya hindi ako nakapunta. Pero nagpunta naman ako sa accomodation nila the next day. Ahihihihihi. Ang kiri ko noh?
Then, last Friday, tumawag ang kumag. Nawawalan daw sya ng anda. Nde raw nya alam kung paanong nangyari yon. Magsumbong ba talaga sa akin? Ano ako, barangay chairman?Hmmm, eh naamoy ko na kaagad ang susunod na kabanata noh! Kaya, patay malisya lang ako. At hindi nga ako nagkamali! Give-sungan ko daw muna sya at babayaran din laterzzzz!
Sabi ko, wai na akong dutch! Ipinadala ko na kay Inang bayan. Sori! Ahihihihihi. Kaya ngayon, deadma. Wit ko wiz magpaloko noh! Akech pa!
Haaayyyy, life...
Some things never change. Some, never will.
And, some just can't.
Ganda ko!