Sunday, May 4, 2008
unsent
nde mo cguro to ine-expect no? na may e-mail ako sa yo kahit na araw araw naman tayong nagkikita. well, importante kasi to eh tsaka parang mas nakakapag-isip ako ng maayos kung susulatan na lang kita kesa kausapin kita ng personal. at least, this way, nde ako mag-bu-buckle kapag nag-react ka. tsaka pwede kong i-edit yung naisulat ko na. eh kung kakausapin kita verbally, ang hirap yatang i-erase yung nasabi ko na. walang UNDO option pag ganun. hehehhe. siguro, kung gusto mong pag-usapan ito pagkatapos mong basahin, nasa sa yo na yun. im open to anything.
bago ko sabihin yung gusto kong sabihin, gusto ko munang malaman mo na antagal ko ring pinag-isipan kung paano ko 'to sasabihin sa 'yo. ciempre, marami akong ki-nonsider. trust, friendship, pinagsamahan natin...lahat lahat na. hindi madali sa part ko yun kasi ayokong mawala yung pagkakaibigan natin. take note - napakaimportante mo sa kin dahil kaibigan kita. kung hindi mo pa halata, malaki ang ibinibigay kong importansya sa mga kaibigan ko. totoong minamahal ko kayong lahat. dapat nasabi ko na to sa yo noon pa pero ramdam ko na hindi ka pa handa na tanggapin yun noon. ngayon ko lang ulet naisip na sabihin sa yo dahil alam kong iba ka nang mag-isip kaysa dati. parang mas malalim.
heto na...nuong nakaraang ilang araw lang, nagbiro ka na baka ma-develop ako sa yo. parang yun yata yung unang biro mo sa kin tungkol sa bagay na yun. kasi dati pag nagbibiruan tayo, parang puro yung mga kabastusan lang na normal lang naman sa ting dalawa. nasasakyan ko yun. hindi ko alam kung napansin mo na bigla akong natahimik. pero ciempre, defensive ako at sinabi kong "angkapal mo!". akala ko lusot na ako non pero bigla ka namang humirit na "ok, lang yun! alam ko naman na may gusto ka sa kin eh". ciempre counter attack naman ako na "ok, aaminin ko na may gusto ako sa yo dati. pero dati yun, noh! parang kapatid na lang turing ko sa yo ngayon". alam mo at alam ko na pareho tayong di naniwala dun...in short, wala na talaga akong lusot!
hay naku! in fairness, hanggang ngayon, mahirap pa ring aminin ha! pero totoong may gusto ako sa yo. mula noon hanggang ngayon. baduuuuuyyyyyy!!! kelan ba nag-start? uhmmm, 1st year yata nung itinuro ka sa kin ng isang common friend. pero ciempre, attracted lang ako sa yo. at ayokong idetalye ang lahat lahat sa e-mail na to kasi masyado akong magaling magsulat. siguradong maho-hook ka sa kwento. hehehhehe.
basta, rest assured na hindi ko sinamantala ang friendship natin. i'm too smart to do that. hindi ko inisip na "tayo" dahil hindi ako ilusyunado. basta, alam kong magkaibigan tayo and that's what counts most sa ken. im happy for your choices and sa mga taong mahal mo. im happy din for you and your gf dahil sobrang kitang kita kong mahal na mahal mo siya. trust me, nakakatuwa ka pag nagkwento ka na ng tungkol sa kanya. you cant get enough of her!
marami nang nagbago sa buhay natin. hindi na rin maaalis na may gusto ako sa yo. cguro habang buhay na yun. hindi ko yun ginusto o sinadya. ikaw rin. pero hanggang ganun lang yun. kasi, mas mahal kita bilang kaibigan...
Labels:
friends
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Great Post.
ReplyDeleteHrmm that was weird, my comment got eaten. Anyway I wanted to say that it's nice to know that someone else also mentioned this as I had trouble finding the same info elsewhere. This was the first place that told me the answer. Thanks.
ReplyDelete