Free Blog Counter
Poker Blog

Monday, September 28, 2009

Ka Ondoy


sabado
ang lakas ng ulan
ang tagal

nagpasya kaming maligo
sa rooftop ng room mate ko
masaya
tawanan
nagkukuhanan pa kami ng litrato
smile smile
stolen
nilamig na kami
nainip sa kakahintay ng pagtila
sumilong
nagbanlaw
masaya pa rin
tawanan ng tawanan
habang nagba-browse
ng mga litrato

pagkabihis,
bumaba kami sa ground floor
para sana maglunch

may surpresang bisita
hindi naman imbitado
hindi man lang kumatok
tumutuloy sa loob ng bahay
kahit sarado pa ang pinto

dominante

madumi

iniwan namin sya sa ground floor
binantaang hanggang dun lang

pag-akyat sa kwarto
pagbukas ng telebisyon

sya na naman

dominante

madumi

hindi lang pala sa amin
sa ibang bahay din
sa mga kabahayan
sa ibang lugar

malupit

*****************************
tenks to my gorgeous friend Luwi for allowing me to post this in my blog. you know that i've always been a fan.

at, sa lahat ng mga kababayan natin sa Pinas na nasalanta ng lupit ni Ondoy, magdasal lang po dahil palagi naman Siyang nakikinig.

Sunday, September 20, 2009

Photo Ops Sub 3 - Dubai Metro


Si Henri Matisse ang isa sa mga proponent ng Fauvism - isang art movement na gumagamit ng intensely vivid colors sa mga paintings. The style generally features subjects in which forms are distorted. Sa art umikot ang subject kong Humanities noong first year college ako at isa ito sa mga tinutukan at inenjoy ko. Wala lang, na-ichika ko lang. Baka kase hindi mo alam ang Fauvism. :p

Moving on, and speaking of, hindi naman ako nagpatalo kay Dencio sa pag-experience ng bagong bago at wala pang galos at vandal na metro train ng Dubai. Malinis naman at taliwas sa mga kuru-kuro ng mga kakilala kong sumakay din, wala namang di-kanais nais na amoy. Unless, immune na ako, in which case eh hindi ko dapat ikatuwa. Poste!


Ang pangarap kong Train Shot - 'yung shot na nakahawak ka sa handle habang nakatayo. Ang cameraman ay pwedeng nasa labas ng coach o nasa loob din kasama ng subject. Pangarap number 52 - check! hihihihi. :)


Nakakatuwa lang na maraming mga pinoy kaming nakita at nakachikahan sa station. In fairness, maganda ang interior design at parang sa airport ang security. Puro pinay naman ang nasa ticketing booths na isang patunay sa pagkilala ng bansang UAE sa kakayahan nating mga Pinoy.

At, habang bumibili kami ng ticket, biglang may isang matabang bading na dumating with matching bowling bag na sukbit. Tawagin natin s'ya sa pangalang Digna.

(humahangos na nilapitan ni Digna si ate na nagaassist sa mga pasahero )

Digna: Ate, sa'n ang papuntang Japan?
Ate: Ha?

Sumagot naman ang friend kong si Mitz ( na makikitang kasama ko sa mga larawan )

Mitz: Bakla, punta kang Japan?
Digna: Oo. Sa'n ba ang pila ng Japan?

Tawa kami ng tawa kasi si Ate hindi n'ya naiintindihan ang mga pangyayari hanggang sa nakitawa na lang s'ya sa amin. Ansaya saya tuloy nung mga pinoy na nandun! Nakikitawa sa amin.


Friday, September 11, 2009

Photo Ops Sub 2



Halata bang tinatamad akong magpost? Babawi na lang ako sa mga susunod na araw. Inuna ko lang talaga muna ang lumabas at gumala dahil hinahanap na ng sistema ko ang pagrampa sa mall at tumingin ng pagkakagastusan. Pero ang totoo, sinusubukan ko lang naman ang sarili ko kung hindi ba ako bibigay sa tawag ng gastos. Tipid mode kasi ako. And what better way to test myself than to roam in a shopping mall, di ba?

Op cors, sinamantala ko na rin ang oportunidad para pumroject sa cam. Magandang paraan din siya para hindi mo maisip na pumunta ka sa mall para gumastos. Swear, effect talaga kasi wala talaga akong binili! :)

By the way, eto nga pala ang Dubai Festival City Mall. Ito ang pinakagusto kong mall sa Dubai kasi hindi sobrang laki. Plus, maganda ang lighting nila. Tamang malandi lang. Ayoko kase ng maliwanag na mall.














Tuesday, September 8, 2009

Photo Ops

Me, my bro and Jong in City Centre Mall last week. Napagdiskinitahan lang namin 'yung Hello Kitty store. :)







Sunday, September 6, 2009

Lip Liner 8



Hindi ko alam kung bakit ako masaya. Uhmm, siguro ang tamang term eh inspired. Hindi naman ako inlab. May ganito ba talagang feeling?

Kagabi, habang umiinom ako ng hot choco, pinatugtog ko ang kanta ni Anita Baker na Caught Up In The Rapture. Bigla na lang na-uplift ang spirit ko. 'Tapos, kanina sa work, parang maghapon akong nakangiti habang kinakanta ko 'yung kanta na 'yun. Bakit kaya? Hindi naman ako nag-aadik. Hindi kaya napo-possessed lang ako?

Ewan! Mas mainam na ang maging masaya kesa malungkot. Scratch the siko!

*************************************************

Speaking of kaadikan, nalululong na 'ata ako sa Dahil May Isang Ikaw. Inaabangan ko talaga ang development ng mga characters at ng plot. Magaling si Sid Lucero. Hindi siya nagpapahuli sa galing sa acting kay Jericho. Pero si Lorna ang talagang magaling. Nakatulong sa kanya ang kanyang kasalukuyang pagdadalamhati. Ang role kasi n'ya ay isang tough and successful lawyer na nangungulila sa kanyang nawawalang anak. Mahirap ramdamin ang tagumpay na walang kinang ang mata.

Isa sa mga linyang tumimo sa akin so far ay ang tanong ni Jericho kay Lorna:

"Paano mo maipagtatanggol ang kasong hindi mo na pinaniniwalaan?"

Panoorin n'yo na lang nang malaman n'yo ang isinagot ni LT.

*************************************************

Exciting na naman ang tennis! Kasi, Rafael Nadal is back!

Magawa na n'ya kayang pagwagian ang katangi-tanging grandslam tournament na hindi pa n'ya napapanalunan?

Mukhang maraming obstacle. Una, ang kanyang archrival na si Federer na pinuno ng men's ranking ngayon. Pangalawa, ang umungos kay Nadal bilang 2nd top player na si Andy Murray. At, pangatlo, si Rafa mismo. Kagagaling lang n'ya sa injury at ito ang una n'yang grandslam appearance pagkatapos n'yang matalo sa 4th round ng pinaghaharian n'yang French Open.

Well, abangan na lang natin, 'di ba?

Tuesday, September 1, 2009

Long Distance Boo Boos

sa isang mainit na conversation namin ni mudrax...

me
: eh, ma naitanong mo na ba kung hanggang saan 'yung tatapusin sa plano?
ma: lahat! pero 'yung sa kisame, labas lang.
me: kisame sa labas? baket? 'di tayo sa labas titira! paano 'yung...
ma: hindi naman. kasama na yata 'yung sa loob.
me: bakit hindi ka sigurado? 'di ba dapat...
ma: itatanong ko ulet bukas.
me: hindi ma! bakit hindi ka sigurado? ibig sabihin hindi mo...
ma: o, sige pupuntahan ko na ngayon.
me: ma, teka nga! patapusin mo kase akong magsalita. makinig ka muna sa sasabihin ko.

saylenz...

me
: ma? hello? and'yan ka pa ba?
ma: oo. andito ako.
me: eh bakit hindi ka nagsasalita?
ma: eh sabi mo makinig ako eh.

waaaahh! natawa na lang ako. hindi ko alam kung sino ang mas pilosopo sa amin ng mama ko. siguro, it's a tie.

***************************************

me
: helu! ma musta na?
ma: mabuti anak.
me: ano namang eksena mo?
ma: wala naman. andito ako sa (pangalan ng lugar ) sa tita mo. ( FYI hindi ko ka-close ang tita ko na 'to. )
me: ah ok.
ma: o, kausapin mo ang tita mo.
me: ha? bakit ko kakausapin? teka lang! ayoko! ikaw nga ang tinawagan ko 'tapos kung kani-kanino mo 'ko pinapakausap.
boses sa kabilang linya: o, ikaw daw ang tinawagan at kakausapin.
ma: o, bakit?
me: ma naman eh!

hindi ko na siguro kailangan pang sabihin kung kaninong boses 'yung nasa kabilang linya. hindi man lang kase ako hinintay na pumayag bago ipasa ang phone!

***************************************

me
: haller!
tita: o, hello! ( ka-close ko 'tong tita ko na 'to.)
me: tita musta naman kayo nila mudra?
tita: mabuti naman.
me: eh tita magkano na ulet 'yung binayaran n'yo sa blah blah blah?
tita: ah, 'yung blah blah blah?
me: yiz! magkano ulet?

tug! parang inilapag/ibinalibag si phone.

me
: naitago mo ba 'yung resibo?

no answer.

me
: tita? and'yan ka pa ba? naririnig mo ba ako?

saylenz.

me
: hello? hello? hello?

wiz.

me
: hello? tita!!!!!

nagbalik ang voice.

tita
: bale payb kyawsan pesosesoses.
me: anong nangyari sa 'yo, tita? bakit 'di ka sumasagot?
tita: eh kinuha ko 'yung resibo. hindi ko matandaan kung magkano eh.

kabog! antaray ng tita ko noh? may initiative s'ya. pero sana naman next time matutunan din n'ya ang magpaalam muna sa kausap n'ya sa phone 'di ba? sayang ang load!

********************************************

It's September, people! :)