Free Blog Counter
Poker Blog

Wednesday, May 20, 2009

Urgent

Sa gitna ng ka-busyhan ko kahapon sa opisina, nakatanggap ako ng e-mail galing kay Naruto. Nasa Hongkong ang Hapon na makulet. Nalipat kase s'ya doon mula Shanghai. Ang huli naming correspondence eh noong binati ko s'ya ng birthday noong March. Tinukso ko pa nga na mas matanda na naman s'ya sa akin ng 2 years. Sumagot naman at sinabing mas mukha daw akong matured. Makapang-asar!

Madali lang makipag-communicate sa kanya kase pareho lang naman kami ng company. Nasa ibang bansa lang s'ya. Ang subject sa latest e-mail n'ya ay URGENT.

Mabilis ko namang binuksan ang e-mail habang kinakabahan. Nawindang ako sa subject ng e-mail nya. Baka narealize ng otoko na tumatanda na nga s'ya at naisip n'yang hingin na ang kamay ko para makapag-start na kami ng family ASAP. Urgent eh!

"Hi, are you planning to take vacation on August?"

Pucha! Ano namang ikina-urgent nito?

Ah! Baka magpo-propose?

"I'm planning to take a week vacation in either Japan or Hongkong to meet you probably on August or September. I will be in Philippines on December. Why?"

'Pag ito nalaman ni Drake...

"Ok. They are asking me to take my outstanding vacation on August. I thought you will go to the Philippines. So, I will meet you then."

Hmmm. Ano kayang iniisip nito?

"Yes. But I still have to book my flight. What's the plan?"

Siyempre, kailangan ready. Bibili na ba ako ng tuxedo? :-)

"You will know."

May gan'on?

"Yeah? What is it?"

No reponse.

The next morning...

"Hey! What's the plan?"

No reply.

Later today...

"Any clue?"

Silence.

Peste! Dapat ang subject ng e-mail eh SUSPENSE!

12 comments:

  1. hahaha, mare, kakasuspense nga 'yan! ano kayang tumatakbo sa isip nya? ahihihih..

    ReplyDelete
  2. HAHAHAHAHAHA! di kaya na late lang sya sa april fools day joke nya sayo?

    ReplyDelete
  3. LOL. I think Naruto wants your YES or NO answer - and the rest will follow...

    Go na!

    ReplyDelete
  4. @ madz,

    hahahah! wish ko lang alam ko rin mare...kainis!

    @ ifoundme,

    wahahaha. wag naman sana at susugurin ko sya kahit nasaan pa sya at bubuhusan ko ng tubig sabay chorva ng "happy san juan day!" hihihi.

    @ k,

    hahaha! go na talaga? eh wala pang one million dollar question eh! kyems muna...hahahah :-)

    ReplyDelete
  5. Sus haba ng hair, umabot ng hongkong! para kang nakalutang w/ backgroud music na i'll take care of u....oooy naaalala ;)

    ReplyDelete
  6. mare, ano na ung development sa urgent message na 'to? ahihihi..

    ReplyDelete
  7. syete naman nakakakilig ito!

    uy wag namang becks haha.. stick to pinas na lang or pehpot lol

    kurak ka jan, nilagang chuva with a twist ang lintik na pochero na un.. anong sabi ni hubby.. sabihin na lang natin ako naman ang nasarapan nung gabi wahaha

    ReplyDelete
  8. naks! pag may oportunity to enjoy bakit hindi kung wala namang masamang patutunguhan o milagro..

    ReplyDelete
  9. naguluhan ako!sino si naruto?haha bf mo siya?wow suspense nga feeling ko may big surprise siya talaga!abangan!hehe

    ReplyDelete
  10. Hi, just stumbled upon your page.... hahaha natatawa ako dito sa post mo eh, kakalibang ka mag blog...

    hmmmnn baka naman hinihintay ka rin nya na mag yes or no,,, so pareho kayo nahihintayan... just my thought

    ReplyDelete
  11. @ jong,

    hahaha! kamukha nga pla nya si richard poon! kaw tlga! :-)

    @ madz,

    mare, wala pa. off kase ako ng 2 days. sana, sa aking pagbabalik, meron na...wishing! hihihih

    @ pehpot,

    kainiz kah! ang naughty naughty mo! hahahahaha!

    @ dencios,

    agree! wag kang magalala, pinapanalangin ko rin na mag-milagro! *wink*

    @ mac callister,

    nde ko sya bf. mu lang. hahahha. well, like what you've said...abangan! *toinks!

    @ lindz,

    salamat sa pagkaka-stumble. hihihih. bibisitahin rin kita ngayun na! :-)

    ReplyDelete
  12. It’s truly a great and helpful piece of information. I’m happy that you simply shared this useful info with us. Please keep us informed like this. Thank you for sharing.

    ReplyDelete