Free Blog Counter
Poker Blog

Saturday, May 23, 2009

Who Says I Can't Cook Again?

At dahil nanalo si Kris Allen sa American Idol over the extremely talented na si Adam Lambert, nag-promise ako sa mga friendship ko na magpapa-victory party ako. Siyempre, feeling close kay Kris. Naks! First name basis na kami. Hehehe.

Alas-siyete pa lang ng umaga ng Biyernes, binulabog ko na si Jong para makapag-grocery na kami. Ang menu - Baked Macaroni. Tunog masarap 'di ba? Ulitin natin ang pagbigkas. This time, may halong pagnanasa - Ba-hay-ked Mac-cah-roneeeh. :-)

Alam naman ni Jong na 'pag may naisip ako eh gusto ko ngayon na gawin. Walang bukas bukas.

Ang challenge, first time kong gagawin ang dish na ito. Furthermore, hindi namin mahanap ang Velveeta cheese na supposed to be ay isang brand ng quickmelt cheese.

Ang solution, memory bank. The night before, nag-research na ako sa internet kung ano ang composition ng quickmelt cheese at kung ano ang difference n'ya sa cheddar. Well, according to wikipedia, ang quickmelt cheese ay isa sa mga types of processed cheese. So, 'yun ang hinanap ko nang hindi ako makakita ng Velveeta which took us from one mall to another. It was 40 degrees in Dubai yesterday! The pain I would endure for the victory party na wala namang nag-request! Kusang-loob lang at taos puso. Hahahahaha.

I added some smoked pepperoni on the ingredients and super daming bell pepper. Yummy!

Anyway, here's the finish product:



Shoots! Everybody loved it! They can't believe na first time kong gawin ito. Hah! Pwede na akong ikasal! :-)

Wednesday, May 20, 2009

Urgent

Sa gitna ng ka-busyhan ko kahapon sa opisina, nakatanggap ako ng e-mail galing kay Naruto. Nasa Hongkong ang Hapon na makulet. Nalipat kase s'ya doon mula Shanghai. Ang huli naming correspondence eh noong binati ko s'ya ng birthday noong March. Tinukso ko pa nga na mas matanda na naman s'ya sa akin ng 2 years. Sumagot naman at sinabing mas mukha daw akong matured. Makapang-asar!

Madali lang makipag-communicate sa kanya kase pareho lang naman kami ng company. Nasa ibang bansa lang s'ya. Ang subject sa latest e-mail n'ya ay URGENT.

Mabilis ko namang binuksan ang e-mail habang kinakabahan. Nawindang ako sa subject ng e-mail nya. Baka narealize ng otoko na tumatanda na nga s'ya at naisip n'yang hingin na ang kamay ko para makapag-start na kami ng family ASAP. Urgent eh!

"Hi, are you planning to take vacation on August?"

Pucha! Ano namang ikina-urgent nito?

Ah! Baka magpo-propose?

"I'm planning to take a week vacation in either Japan or Hongkong to meet you probably on August or September. I will be in Philippines on December. Why?"

'Pag ito nalaman ni Drake...

"Ok. They are asking me to take my outstanding vacation on August. I thought you will go to the Philippines. So, I will meet you then."

Hmmm. Ano kayang iniisip nito?

"Yes. But I still have to book my flight. What's the plan?"

Siyempre, kailangan ready. Bibili na ba ako ng tuxedo? :-)

"You will know."

May gan'on?

"Yeah? What is it?"

No reponse.

The next morning...

"Hey! What's the plan?"

No reply.

Later today...

"Any clue?"

Silence.

Peste! Dapat ang subject ng e-mail eh SUSPENSE!

Saturday, May 16, 2009

Breakfast


This would send shivers down my mother's spine!

If Mama finds out what I'm having for breakfast, she'd surely send me a one-way ticket to the Philippines.

Sheeezzzz! I just miss waking up to the smell of her sinangag, pritong itlog, tuyo and some leftover food from last night. I know how to cook it myself but it's just sheer heaven if Mama is doing it for us. We do feel pampered. Home sweet home!

And if those tempting food are not enough to get me out of bed, she would (almost) nonchalantly start a siga with the gathered dried leaves and will make sure that the smoke will get in to my room! Waaaaahhh!

"Mama naman! Ok na eh!"


Friday, May 15, 2009

American Idol Season 8 Finale

The final face-off. It's Adam Lambert vs. Kris Allen.

Just like last year's American Idol final where two of my favorites made it as the last two man standing before David Cook won over David Archuleta, this year's season finale will prove to be just as exciting.

Adam and Kris have always been my favorite since day 1. I know Adam can rock the audience with his performance but Kris can swoon anyone with his soothing vocals and artistic arrangements. Sheez! It's soooo freakin' hard to take sides.

One thing's for sure though, it's going to be an awesome battle. Simon Cowell even said it could be a "Big Ding Dong". I wonder what that means...

I'd be excited to check on Adam and will slightly ( and secretly ) wish Kris would blow everyone away.

OK fine! I'm a Kris Allen fan! He'll win. :-)

Watch them on May 20 to find out who deserves to be called the American Idol.

(whispered chant - Kris Allen! Kris Allen! Kris Allen! ahehehhehe ).

Thursday, May 14, 2009

Who Says I Can't Cook?


It's that time of the week again! Friday and Saturday ang weekend sa Arab countries kaya Thursday pa lang, anlakas na ng tiktak ng orasan sa opisina namin. Lahat, inip na inip na matapos na ang araw na ito.

Usually, every Thursday after office hours, dadaan na ako sa Pastry Room ng hotel para i-pick up ang inorder kong cake. Masarap kasi silang gumawa ng cakes dito eh. Pero this weekend, wala akong order dahil last Wednesday naisipan kong gumawa ng Chicken Macaroni Salad. Bigla ko kasing naalala ang Christmas sa Pinas habang medyo pinoproblema ko ang paguwi ng December. Kasama ng paborito kong spaghetti, isa kasi sa mga all-time favorite gawin ng mama ko ito eh tuwing Pasko.

Masarap naman daw sabi ng mga kaibigan ko pero sabi ng utol ko parang may kulang daw. Hmmm, baka kulang pa ang kinain n'ya. Hehehehe.

Anyway, enjoy magluto at paghaluhaluin ang sangkap para makabuo ng isang edible dish. Pero sa kasong ito, hassle talaga ang paghihiwa ng sibuyas. Nacha-challenge ang tear glands ko! Hmmmp!

Monday, May 11, 2009

Lip Liner 6

Andami ko talagang pinagkaabalahan nitong mga nakakaraang araw/buwan. Lahat siyempre, work-related. Napabayaan ko na tuloy ang blog ko. Sorry naman sa mga bumibisita dito. I'm sure, nami-miss n'yo na ako. Pwedeng mag-assume? Last month pa kase ang huling entry. Pwedeng humingi ng pasensya? Pwede naman siguro.

Sa mga pagtitipon ng mga Pilipino dito sa Dubai na napupuntahan ko, hindi talaga mawawala sa mga pinaguusapan ang reklamo ng mga kababayan natin sa trabaho nila. Kesyo puro daw sila overtime at hindi raw tama ang sahod nila sa dami ng ginagawa nila. Pwede bang huwag na lang akong i-invite kung ganito lang din ang usapan? Meron pang moment na sisisihin ang ibang lahi dahil hindi daw marunong magtrabaho kaya madalas sa kanila napupunta ang ibang gawain pagkatapos ay hindi naman sila napo-promote o napupuri ng amo nila. Hayyy! Nakaka-drain ng energy ang makinig sa wantusawa nilang litanya. Hindi ba dapat magpasalamat na lang tayo na sa kabila ng milyon milyong taong walang trabaho eh heto at meron tayong naipapadala sa pamilya natin sa bawat katapusan ng buwan? Pwede bang be thankful na lang? Pwede naman siguro.

Mother's day last Sunday. Siyempre, nagsipsip na naman ako sa dalawa kong nanay at binati sila ng maligayang araw ng mga ina. Napakasaya nila kapag tumatawag ako. Bagama't naiintindihan nila na talagang hindi ako madalas makatawag sa kanila dahil busy ako sa trabaho, nagi-guilty pa rin ako dahil hindi naman sapat na dahilan ang kung anuman ang pinagkakaabalahan ko para lang hindi sila kausapin parati. Pwedeng bumawi starting today? Pwede naman siguro.

Nabanggit ko si Drake sa huli kong post. Pwedeng kiligin? Hindi ko na-realize na binabasa pala ng kapatid ko ang blog ko. Tuloy nung minsang nagkita kami tinanong n'ya kung sino daw si Drake. Naumid ang dila ko at hindi ako nakasagot. Pwedeng speechless? Alam kong wala namang magiging problema sa kapatid ko 'yun eh (sana...). Pero, pwede bang maghanap ng tamang panahon para i-reveal ko kung sino s'ya? Pwede naman siguro.

Namumroblema ako sa paguwi ko sa Pilipinas ngayong taon na ito. Hindi daw ako pwedeng magbakasyon ng higit sa tatlong linggo sabi ng amo ko dahil wala daw gagawa ng trabaho ko. Balak ko pa namang magdiwang ng kaarawan ko sa Disyembre kasama ang pamilya ko. Abala daw kami sa buwan na 'yun kaya walang uuwi. Eh, surprise ko pa naman sa family ko 'yung paguwi ko na 'yun kase kumpleto kami nun! Pwedeng madisappoint? Hindi ko talaga alam ang gagawin kong diskarte para mapayagan ako. Pwedeng manggigil? Pwede naman siguro.