Free Blog Counter
Poker Blog

Wednesday, April 22, 2009

Plugging

Make or Break

At dahil gusto kong pag-tripa-an si Peh, makiki-ride on ako sa plugging mood n'ya.

Naaliw lang talaga ako sa pag-a-advertise n'ya ng Austin Realtors. Kulang na lang may tagline na ganito - Austin Realtors , your friendly neighborhood realtors. Taray! Kahit na ang location nila eh nasa Texas, ramdam mo pa rin na nand'yan lang sila. Ahihihihihi.

Well, sa mga hindi nakakaalam, si Peh ay:

  • kaklase ko sa Science High School dati. Naging kagrupo ko s'ya sa paggawa ng thesis project namin (Peh, remember gibberellic acid?) at thanks to her, hindi namin naging problema ang pag-eencode ng manuscript namin dahil nakaka-libre s'ya ng computer typing sa tita n'ya. Bongga ang transformation ni Peh (na ang tunay na pangalan ay Pilipinas Cochingco!buking! hihihihi.) dahil mula sa bespectacled beauty ay in-adopt n'ya ang pagsusuot ng contact lens.
  • kaibigan/kabarkada/katropa ko sa Crystal Drops. Yes! Ito ang nakakalurking pangalan ng barkadahan eklavou namin noong high school na noong malaman ko eh, inokray at tinawanan ko ng bonggang bongga to my friends' disgust. Pinagsisihan ko ang pangookray na 'yun dahil THEY made me pay for it. Isang linggo siguro nila akong hindi pinansin at hindi pinasali sa mga "barkada events". After that, I chose to behave na lang. Mahirap na!
  • katunggali/kakampi ko sa sari saring "barkada events" noong high school. Mula sa Musikarera, Sari Saring Survey hanggang sa Magkano Ka Bayan (ingenious adaptation namin ito ng TV game show na Game Na Game Na, kung familiar kayo dun! ). Blockbuster sa amin ang Musikarera at malaking bagay ang manalo/matalo ka sa event na ito kaya dapat updated kami sa mga songs from 1900 to present. Mas importante pa ito kaysa sa exam namin sa Calculus! Iba pa ang labanan namin sa shato, taguan, habulan hanggang sa matuto na kaming mag-tong its at mag-pusoy dos! Hahahaha! Kumusta naman ang gambling den, Peh?
  • ka-blog-an ko. Isa na rin siyang blogista - isang nilalang na nagme-maintain ng blog. Feeling ko kay Peh, kahit na puro muta pa 'yan sa umaga, unang una na n'yang haharapin ang blog n'ya eh. Ang active! Maya't maya, may post. Mula sa mga kiddie stories hanggang sa Austin Realtors! Hahahahaha! Kaya sundan n'yo ang kabanata ng buhay n'ya bilang isang full time mom, part time worrier. Antaray ng tagline! Kabog ang Surf! Ahihihihihi.

*********

He's Just Not That Into You

At dahil sapilitan akong pinag-leave ng 2 days last week, inaya ko na lang manood ng movie si Drake. Alam kong gusto n'yang panoorin yung The Fast & The Furious 4, pero dahil (nananadya) nacute-an ako sa movie trailer ng He's Just Not That Into You, 'yun yung binili kong ticket. Of course, matapos n'yang iparating sa akin ang pagkadismaya n'ya at ipakita ang simangot na papasa sa commercial ng Datu Puti, wala pa rin s'yang nagawa kundi samahan akong panoorin kung ano man ang nabili ko. Rereklamo pa kasi! :-)

In fairness, puro sikat ang cast ng movie. Mitz and I planned to see this together pero hindi magka-tugma sched namin. We both want to see this kase we want to "see" ourselves on the big screen. Madalas kasi kaming mag-discuss at mag-interpret ng napakaraming unconcious signs, mannerisms and actions from people.

True enough, marami akong naprove sa theory na to. The most important lesson learned/theory proven is that : If he does not call, he's just not that into you!

Well, totoo naman eh. If you already made the first move of calling him, naturally, if he's REALLY into you, he should also show his interest by calling you, too. Fact is, if he's REALLY REALLY interested in you, he should be the first one to call.

Siyempre, dahil stubborn ka, you will argue with me and will insist to me that some men are just "torpe". Trust me, my dear. Even the dumbest men, when it comes to things they REALLY want, can turn to a genius overnight (or, even sooner than that!). May ganon kaya huwag kang ma-surprise, ineng!

Anyway, the movie is just so-so. Unfortunately, masyadong mataas ang expectation ko. Tuloy, si Drake, pagkatapos ubusin ang popcorn, tinulugan na lang ako. Kakangawit tuloy sa shoulder. Asus! May ganun oh! Hahahahaha!

:-)



13 comments:

  1. napa smile ako sa post mo.

    bakit?

    naalala ko ang 'magkano ka bayan?' portion ng 'game na game na'

    miss ko na sina dick,panjee at ogie.hahahaha

    ReplyDelete
  2. so talagang miss mo na ang kornik no? dahil jan ililibre kita ng isang sako pag uwi mo LOL

    uy alam mo maswerte tayp at hindi nabuo ung mga pics natin nun sa garahe nila min, kung hindi habambuhay tayong binabangungot LOL

    ako day, hindi ako naniniwala jan sa he's just not that into you na yan, pag gusto ko kesohodang reypin ko sya (katulad nung ginawa ko sa asawa ko) at makakatanggi pa ba? LOL

    ReplyDelete
  3. Ha ha ha.. nangawit talaga ang shoulder mo mare? Anyway, try ko ngang panoorin yan, parang mapapanood na rin kita? he he he..

    ReplyDelete
  4. yabang mo tinext kita di ka nagreply sa akin......... wala ka marvin.. wla.. wag ka ng magpaliwanag.... di na... wag na... o magsasalita pa yan...

    hehehe. ingats ka bossing!

    ReplyDelete
  5. @ flamindevil,

    hahahah! survey says, nakarelate ka! hahahahah! miss ko na rin ung tatlong un! :-)

    @ pehpot,

    hahahaha! tlgang pinaalala mo ang "barkada event" sa garahe nila min! losers daw tau! hahahah. luka luka! mang-rape! :-)

    @ mareng madz,

    hahahah! true! nangawit ako. pero hindi ako nagreklamo. hihihihihi.

    @ dencios,

    heh! wla kang text! ayaw mo lang akong bigyan ng boy bawang mo! huuuuu! hahahaha! welcam back! dubai's glad to have aroungd again! mpapadalas na ulet update mo sa blog! wemityu! :-)

    ReplyDelete
  6. te bakit di ako makarelate sa magkano k bayan? pinanganak na ba ko non?

    ReplyDelete
  7. wow! sarap balikan ang high school days no lalong lalo na pag ikaw ang nang ookray! hahaha!

    mare, eh pano kung biglang nawawala tapos biglang susulpot na naman? tapos pag hindi ka magtetext, magrereklamo na hindi ka nagtetext... tapos mawawala, lilitaw! para bang nagkoclose open ka lang ng eyes mo? pagkaclose, wala. pagka open, andyan. ang gulo no? pero nagconclude na lang ako... he's not into me. hahahah!

    ReplyDelete
  8. @jong,

    chosera kah! 6 months ang tanda mo sa akin. sabihin mo, nung mga panahon na yun, wala pa kayong teevee! tseh! hahahaha!

    @ mareng ifoundme,

    well, sadly, he's just not that into you. maaaring marami siyang reason kung bakit sya ganun. pero trust me, it will all boil down to him not "REALLY" being into you. ganun lang kasimple ang buhay. it's either "yes" or "no" lang. if he likes you, maraming maiisip na paraan yan para lang maiparating nya yun sa yo...

    ReplyDelete
  9. sa may karama ako ngpapadentist. al jorf center. ayun. wala ka pang update? teka wala akong boy bawang. hehe.

    ReplyDelete
  10. wala pang update guapong guapong marvin?

    ReplyDelete
  11. MURNENG! :) SALAMT SA PAGDAAN SA BLOG KO.

    ReplyDelete
  12. I appreciate, cause I found just what I was looking for. You’ve ended my four day long hunt! God Bless you man. Have a nice day. Bye

    ReplyDelete
  13. I think it's very interesting article, the basics that can help ..
    Thank you to the person.
    Have a good day !

    ReplyDelete