Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, April 30, 2010

Pagtantiya

"matalino ka. pero palagi mo akong pinangungunahan. bakit ba gusto mong laging i-predict ang pwedeng mangyari?" mas makahulugan ang sagot n'ya.

"meaning?" ang nalilito kong tanong. ano naman ang ibig n'yang sabihin sa pagsasabing nagpapaka-Madam Auring ako? saan nanggaling 'yun? ang gulo n'ya ha! tsaka, hindi ba talaga s'ya didilat?

"hindi mo ba naisip na kahit na diktahan mo ako eh pwedeng hindi pa rin 'yun ang maririnig mo sa akin?" ang winner n'yang sagot.

kabog! s'yempre spluk-less ako. oo nga naman. bakit ba feeling ko eh susundin n'ya ako 'pag may sinabi ako sa kanya? bumaling ako ng tingin sa laptop at nagsimulang galaw galawin ang touch pad at magtata-type ng kung ano-ano.

"ganyan ka kapag nasusukol. kung ano anong ginagawa mo. kung saan saan mo binabaling ang atensiyon mo." marahan n'yang litanya. hindi n'ya ako nakikita pero alam n'ya kung anong ginagawa ko. katakot!

hindi ako kumibo dahil hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko. ngayon, parang gusto kong ako naman ang pumikit para hindi n'ya makita ang nararamdaman ko. pakiramdam ko kase, kahit hindi s'ya nakatingin sa akin, napaka-vulnerable ng kalagayan ko kase anytime pwede s'yang dumilat at makita ang reaksiyon ko. pero nagpatuloy lang ako sa kaka-surf sa net. ayoko nang makinig sa youtubebang dahil baka isipin n'ya na iniiwasan kong makipag-usap sa kanya. mga sampung minuto rin kaming parehong hindi nagsasalita.

"saan mo gustong pumunta mamaya?". basag n'ya sa katahimikang namagitan sa amin.

"ikaw?" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. nakatutok pa rin ako sa laptop.

"kapag 'di ka sumagot ng maayos, aalis na lang ako." banta n'ya. matalim at seryoso ang pagkakabitiw n'ya n'un.

"ay! masungit? nagsusuplado ka, gano'n? bakit daw? saan nanggagaling ang asim at pait?" inis-biro kong tugon.

hindi s'ya sumagot. pero dumilat s'yang bigla tsaka bumangon. nakangisi ang animal habang nakatingin sa akin. magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw ng kama.

s'yempre nabigla ako kase bigla s'yang bumangon! kaya sabi ko, "anong trip mo, gago ka!"

mas nagulat ako sa sumunod n'yang ginawa. bigla n'ya akong kinabig at inipit n'ya ang ulo ko sa kanan n'yang braso.

"'pag tinatanong ka ng maayos, sasagot ka ng maayos!" sabi n'ya habang tina-try kong makawala.

"saan mo gustong pumunta mamaya?" ulit n'yang tanong.

"eh, kahit nga saan mo gusto! pakawalan mo na 'ko! masakit eh!" echos kong sagot. ang totoo, gusto ko 'yung ginagawa n'ya. ansarap kaya ng moment! 'tapos ambango pa ng hayup!

kaso, pinakawalan na ako kaagad. kainis. masyadong obedient.

pero mas bongga pala ang gagawin n'ya. kinabig na naman n'ya ako 'tapos pinahiga ako sa lap n'ya habang naka-angkla ang isa n'yang braso sa leeg ko. mukhang mag-momoment kame! hahaha!

"ganito na lang..." patuloy n'ya. "...walang pressure. walang expectations. 'pag handa na 'ko at handa ka na rin, kung anuman 'yung dapat nating sabihin sa isa't isa, tsaka na natin sabihin. sa ngayon, i-enjoy natin kung ano meron tayo. let's not try to spoil it".

matagal bago ko na-absorb 'yung sinabi n'ya. tahimik lang ako ng mga ilang sandali bago ako tumango.

narealize ko na kapag pala tumango ka, hindi ibig sabihin n'un eh sumasang-ayon ka. hindi rin ibig sabihin na ang hindi mo pagsang-ayon ngayon eh panghabambuhay na.

dahil ngayon ko naisip na ang sinabi n'yang 'yun ang isa sa mga importanteng natutunan ko sa kanya.

Sunday, January 3, 2010

Pakiwari

"mahal na 'ata kita..."

nakapikit s'ya n'un habang nakahiga nang banggitin ko ang magic words. diyosme! anghirap palang sabihin! muntik pa akong mabulol at malagutan ng hininga!

char!

napangiti s'ya - 'yung ngiting parang expected na n'ya ang sinabi ko. 'yung ngiting confident at malandi.

pero hindi pa rin s'ya dumilat.

sa isip ko, " gano'n lang ang reaksiyon n'ya? hindi man lang s'ya papa-burger?".

"hindi ka ba magpapa-burger?" eto na naman! na-translate ko na naman sa spoken words ang aking thoughts. s'yempre pa, 'di ko na nabawi kaya kailangang lusutan na lang...

"huh?" sagot n'ya sa akin. hindi n'ya naintindihan kung saan nanggaling ang tanong na 'yun.

inulit ko naman. "hindi ka ba magpapa-burger? parang gusto ko ng burger eh." pa-cute na naglilihi. char!

"labas na lang tayo mamaya. tinatamad pa ako eh." hindi pa rin talaga s'ya dumidilat. parang gusto na n'yang iderecho ng tulog ang pagkakapikit n'ya. bakit ba kase hindi na lang s'ya umuwi?

"umuwi ka na lang kaya!" peste! another Freudian slip.

"huh?" favorite n'ya talaga ang ganitong reaksiyon. 'yung tanga-tangahan effect. ano bang napapala n'ya sa pagtitipid ng reaksiyon. hindi ko naman ipinagbabawal ang reaksiyon na lelevel sa SONA sa kahabaan. gusto n'ya papalakpak pa ako pagkatapos ng speech.

pero in fairness, anghirap naman talagang sundan ng sequence of thoughts ko. kailangan n'ya talagang basahin ang isip ko para lang malaman n'ya kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko. eh, mukhang inaantok pa s'ya kaya naman hindi na s'ya nag-eeffort na arukin ang pagiisip ko.

"wala." walang gana kong sagot. itinuon ko na lang ang pagsa-surf sa net, nagsuot ng headset at nagumpisa nang makinig ng kanta sa youtubebang. nag-uumpisa pa lang ang kantang "Somebody Warm Like Me" ng 5th Dimension nang maramdaman kong kinakalabit n'ya ako.

kinakausap pala n'ya ako pero s'yempre hindi ko s'ya naririnig kaya inalis ko muna ang headset at isinabit sa leeg ko. nairita ako na nakapikit pa rin s'ya.

"ano bang gusto mong marinig sa akin?" tanong n'ya. seryoso ang mukha n'ya kaya medyo kinabahan ako. turning point ba itu?

"turning point ba itu?" putik! wala ba talaga akong maiisip na pwedeng nasa isip ko na lang?

"huh?" ang kanyang walang kakupas kupas na linya.

"huh?" ang napipikon ko nang sabi. "may kakaibang swerte ba sa 'yo ang mag-huh? siguro kung may disease na huh syndrome, nahawa na ako sa 'yo. tuwing magrereact ka, huh! anong pangalan mo? huh? saan ka nakatira? huh? paabot ng plato. huh? gising na! huh? tulog ka na? huh? nananaginip ka na ba? huh? katakot. standard sa 'yo ang huh, 'no?" dire-diretso kong sabi. seryoso ang mukha ko habang dinideliver ko ang spiel pero deep inside eh natatawa na ako sa mga pinagsasabi ko.

nakangiti lang s'ya habang nakikinig sa akin. alam n'ya talaga akong i-provoke kapag asar na ako. parang layunin n'ya 'yun sa bawat paguusap namin.

"hindi mo sinagot ang tanong ko." balik-spiel n'ya sa akin.

oo nga naman. minsan na nga lang s'yang mag-speech ng isang complete sentence na may subject and predicate, dinedma ko pa.

"hindi ko alam. siguro dahil 'yun na ang tanong mo, ayoko na ring sagutin. kung ano man ang gusto kong sabihin mo, sasabihin ko na lang sa sarili ko. may ipinagkaiba ba kung ididikta ko sa 'yo?" makahulugan kong sagot.

hindi s'ya umimik. nanatiling nakapinid ang mata n'ya. mahirap basahin ang iniisip n'ya habang nakatingin ako sa kanya. pero hinintay kong sagutin n'ya ang tanong ko.

Friday, November 27, 2009

Back and Gone. Again.

I'm baaaaacccckkk! And I'd be gone again. Ang kumontra, walang pasalubong! Bwaha!

Sampung araw lang ang inilagi ko sa Dubai para magpasweldo at magsara ng libro. Magastos pero wala akong choice. Kaya kayo kapag nagkaanak kayo, pakunin n'yo ng Engineering para walang iniintinding monthend at yearend closing! Ang hassle!

Marami akong ise-share na pics sa inyo mula sa aking paglalakbay. Especially, sa Hongkong (*wink @ K.noizki). For the meantime, hayaan n'yo munang ma-miss n'yo ako ng konti pa. For sure, sa aking pagbabalik, bubulabugin ko na naman kayo! Har! :)

Bakit kaya hindi nakakasawang umuwi? :p



Sunday, November 8, 2009

On Leave


...finally visited this place...i'm currently on leave and will reply to your messages as soon as i face civilization. bwah! :p

Sunday, October 4, 2009

Dear God


Dear God,

We know how Thine trials can make us look at Thee a little differently sometimes - for more than often, we are not capable of understanding Thine will.

Dear God, for those times when we feel otherwise, please be patient to hold us tighter and love us even more...

Monday, September 28, 2009

Ka Ondoy


sabado
ang lakas ng ulan
ang tagal

nagpasya kaming maligo
sa rooftop ng room mate ko
masaya
tawanan
nagkukuhanan pa kami ng litrato
smile smile
stolen
nilamig na kami
nainip sa kakahintay ng pagtila
sumilong
nagbanlaw
masaya pa rin
tawanan ng tawanan
habang nagba-browse
ng mga litrato

pagkabihis,
bumaba kami sa ground floor
para sana maglunch

may surpresang bisita
hindi naman imbitado
hindi man lang kumatok
tumutuloy sa loob ng bahay
kahit sarado pa ang pinto

dominante

madumi

iniwan namin sya sa ground floor
binantaang hanggang dun lang

pag-akyat sa kwarto
pagbukas ng telebisyon

sya na naman

dominante

madumi

hindi lang pala sa amin
sa ibang bahay din
sa mga kabahayan
sa ibang lugar

malupit

*****************************
tenks to my gorgeous friend Luwi for allowing me to post this in my blog. you know that i've always been a fan.

at, sa lahat ng mga kababayan natin sa Pinas na nasalanta ng lupit ni Ondoy, magdasal lang po dahil palagi naman Siyang nakikinig.

Sunday, September 20, 2009

Photo Ops Sub 3 - Dubai Metro


Si Henri Matisse ang isa sa mga proponent ng Fauvism - isang art movement na gumagamit ng intensely vivid colors sa mga paintings. The style generally features subjects in which forms are distorted. Sa art umikot ang subject kong Humanities noong first year college ako at isa ito sa mga tinutukan at inenjoy ko. Wala lang, na-ichika ko lang. Baka kase hindi mo alam ang Fauvism. :p

Moving on, and speaking of, hindi naman ako nagpatalo kay Dencio sa pag-experience ng bagong bago at wala pang galos at vandal na metro train ng Dubai. Malinis naman at taliwas sa mga kuru-kuro ng mga kakilala kong sumakay din, wala namang di-kanais nais na amoy. Unless, immune na ako, in which case eh hindi ko dapat ikatuwa. Poste!


Ang pangarap kong Train Shot - 'yung shot na nakahawak ka sa handle habang nakatayo. Ang cameraman ay pwedeng nasa labas ng coach o nasa loob din kasama ng subject. Pangarap number 52 - check! hihihihi. :)


Nakakatuwa lang na maraming mga pinoy kaming nakita at nakachikahan sa station. In fairness, maganda ang interior design at parang sa airport ang security. Puro pinay naman ang nasa ticketing booths na isang patunay sa pagkilala ng bansang UAE sa kakayahan nating mga Pinoy.

At, habang bumibili kami ng ticket, biglang may isang matabang bading na dumating with matching bowling bag na sukbit. Tawagin natin s'ya sa pangalang Digna.

(humahangos na nilapitan ni Digna si ate na nagaassist sa mga pasahero )

Digna: Ate, sa'n ang papuntang Japan?
Ate: Ha?

Sumagot naman ang friend kong si Mitz ( na makikitang kasama ko sa mga larawan )

Mitz: Bakla, punta kang Japan?
Digna: Oo. Sa'n ba ang pila ng Japan?

Tawa kami ng tawa kasi si Ate hindi n'ya naiintindihan ang mga pangyayari hanggang sa nakitawa na lang s'ya sa amin. Ansaya saya tuloy nung mga pinoy na nandun! Nakikitawa sa amin.