Free Blog Counter
Poker Blog

Showing posts with label pilipinas. Show all posts
Showing posts with label pilipinas. Show all posts

Friday, November 27, 2009

Back and Gone. Again.

I'm baaaaacccckkk! And I'd be gone again. Ang kumontra, walang pasalubong! Bwaha!

Sampung araw lang ang inilagi ko sa Dubai para magpasweldo at magsara ng libro. Magastos pero wala akong choice. Kaya kayo kapag nagkaanak kayo, pakunin n'yo ng Engineering para walang iniintinding monthend at yearend closing! Ang hassle!

Marami akong ise-share na pics sa inyo mula sa aking paglalakbay. Especially, sa Hongkong (*wink @ K.noizki). For the meantime, hayaan n'yo munang ma-miss n'yo ako ng konti pa. For sure, sa aking pagbabalik, bubulabugin ko na naman kayo! Har! :)

Bakit kaya hindi nakakasawang umuwi? :p



Sunday, October 4, 2009

Dear God


Dear God,

We know how Thine trials can make us look at Thee a little differently sometimes - for more than often, we are not capable of understanding Thine will.

Dear God, for those times when we feel otherwise, please be patient to hold us tighter and love us even more...

Monday, September 28, 2009

Ka Ondoy


sabado
ang lakas ng ulan
ang tagal

nagpasya kaming maligo
sa rooftop ng room mate ko
masaya
tawanan
nagkukuhanan pa kami ng litrato
smile smile
stolen
nilamig na kami
nainip sa kakahintay ng pagtila
sumilong
nagbanlaw
masaya pa rin
tawanan ng tawanan
habang nagba-browse
ng mga litrato

pagkabihis,
bumaba kami sa ground floor
para sana maglunch

may surpresang bisita
hindi naman imbitado
hindi man lang kumatok
tumutuloy sa loob ng bahay
kahit sarado pa ang pinto

dominante

madumi

iniwan namin sya sa ground floor
binantaang hanggang dun lang

pag-akyat sa kwarto
pagbukas ng telebisyon

sya na naman

dominante

madumi

hindi lang pala sa amin
sa ibang bahay din
sa mga kabahayan
sa ibang lugar

malupit

*****************************
tenks to my gorgeous friend Luwi for allowing me to post this in my blog. you know that i've always been a fan.

at, sa lahat ng mga kababayan natin sa Pinas na nasalanta ng lupit ni Ondoy, magdasal lang po dahil palagi naman Siyang nakikinig.