Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, April 30, 2010

Pagtantiya

"matalino ka. pero palagi mo akong pinangungunahan. bakit ba gusto mong laging i-predict ang pwedeng mangyari?" mas makahulugan ang sagot n'ya.

"meaning?" ang nalilito kong tanong. ano naman ang ibig n'yang sabihin sa pagsasabing nagpapaka-Madam Auring ako? saan nanggaling 'yun? ang gulo n'ya ha! tsaka, hindi ba talaga s'ya didilat?

"hindi mo ba naisip na kahit na diktahan mo ako eh pwedeng hindi pa rin 'yun ang maririnig mo sa akin?" ang winner n'yang sagot.

kabog! s'yempre spluk-less ako. oo nga naman. bakit ba feeling ko eh susundin n'ya ako 'pag may sinabi ako sa kanya? bumaling ako ng tingin sa laptop at nagsimulang galaw galawin ang touch pad at magtata-type ng kung ano-ano.

"ganyan ka kapag nasusukol. kung ano anong ginagawa mo. kung saan saan mo binabaling ang atensiyon mo." marahan n'yang litanya. hindi n'ya ako nakikita pero alam n'ya kung anong ginagawa ko. katakot!

hindi ako kumibo dahil hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko. ngayon, parang gusto kong ako naman ang pumikit para hindi n'ya makita ang nararamdaman ko. pakiramdam ko kase, kahit hindi s'ya nakatingin sa akin, napaka-vulnerable ng kalagayan ko kase anytime pwede s'yang dumilat at makita ang reaksiyon ko. pero nagpatuloy lang ako sa kaka-surf sa net. ayoko nang makinig sa youtubebang dahil baka isipin n'ya na iniiwasan kong makipag-usap sa kanya. mga sampung minuto rin kaming parehong hindi nagsasalita.

"saan mo gustong pumunta mamaya?". basag n'ya sa katahimikang namagitan sa amin.

"ikaw?" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. nakatutok pa rin ako sa laptop.

"kapag 'di ka sumagot ng maayos, aalis na lang ako." banta n'ya. matalim at seryoso ang pagkakabitiw n'ya n'un.

"ay! masungit? nagsusuplado ka, gano'n? bakit daw? saan nanggagaling ang asim at pait?" inis-biro kong tugon.

hindi s'ya sumagot. pero dumilat s'yang bigla tsaka bumangon. nakangisi ang animal habang nakatingin sa akin. magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw ng kama.

s'yempre nabigla ako kase bigla s'yang bumangon! kaya sabi ko, "anong trip mo, gago ka!"

mas nagulat ako sa sumunod n'yang ginawa. bigla n'ya akong kinabig at inipit n'ya ang ulo ko sa kanan n'yang braso.

"'pag tinatanong ka ng maayos, sasagot ka ng maayos!" sabi n'ya habang tina-try kong makawala.

"saan mo gustong pumunta mamaya?" ulit n'yang tanong.

"eh, kahit nga saan mo gusto! pakawalan mo na 'ko! masakit eh!" echos kong sagot. ang totoo, gusto ko 'yung ginagawa n'ya. ansarap kaya ng moment! 'tapos ambango pa ng hayup!

kaso, pinakawalan na ako kaagad. kainis. masyadong obedient.

pero mas bongga pala ang gagawin n'ya. kinabig na naman n'ya ako 'tapos pinahiga ako sa lap n'ya habang naka-angkla ang isa n'yang braso sa leeg ko. mukhang mag-momoment kame! hahaha!

"ganito na lang..." patuloy n'ya. "...walang pressure. walang expectations. 'pag handa na 'ko at handa ka na rin, kung anuman 'yung dapat nating sabihin sa isa't isa, tsaka na natin sabihin. sa ngayon, i-enjoy natin kung ano meron tayo. let's not try to spoil it".

matagal bago ko na-absorb 'yung sinabi n'ya. tahimik lang ako ng mga ilang sandali bago ako tumango.

narealize ko na kapag pala tumango ka, hindi ibig sabihin n'un eh sumasang-ayon ka. hindi rin ibig sabihin na ang hindi mo pagsang-ayon ngayon eh panghabambuhay na.

dahil ngayon ko naisip na ang sinabi n'yang 'yun ang isa sa mga importanteng natutunan ko sa kanya.