
Eto na ang pang-anniversary Adik List ko. Ichichika portion ko sa inyo yung top five highlights ng aking nakaraang blog year. Nilagyan ko ng title ang bawat kwento at hinanapan ko talaga kunwari ng connect sa lima sa mga pinakapaborito kong julikula.Ahihihihi...maka-gimik lang...ahihihihi.
Ang list na itu ay in no particular order. Flashback Edition kase nakaraan na sya. Part na cia ng yesterday olredi. In short, past na. Kung meron man kayong objection, comment, suggestion o super violent reaction dito sa post ko, please feel free to leave and stay away from me. Ahihihihihi...Blog ko to eh! Kaya, deadma lang.
Anyway, para hindi na makasama dito yung simula pa ng kabataan ko na sobrang makulay din ( ahihihihihihi ), gawin nating premise ang panahon mula nung nag-start ako ng blog ko. Again, bato bato sa langit ang tamaan 'di marunong umiwas...nyahahahahha..
At, para naman may konting eksena, ang tunay na katauhan ng ibang mga karakter ay sadyang iniba upang mapangalagaan ang kanilang privacy. Ano mang pagkakapareho sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang...charoz!
1. The Bridges of Madison County
Siguro, sa lahat ng movie na napanood kong love ang tema, ang pelikulang itu ng Ate Meryl Streep natin ang pinakamasakit sa dibdib. Nakakainis kase andaming mga what if's...partikular kong iniyakan yung part na habang umuulan, nasa sasakyan si Meryl at ang kanyang tunay na asawa. Pauwi na sila noon at nasa isa pang sasakyan naman si Clint Eastwood na naghihintay na bumaba si Meryl para sa kanya na sumakay at sumama. Hindi alam ng asawa ni Meryl ang nagaganap at ang naganap na nga sa pagitan ni Clint at Meryl. Hirap na hirap ang gerlat na magdecide kung mag-i-stay pa ba cia sa asawa nya o sasama cia kay Clint. Mangiyak ngiyak na si Meryl nung nasa part na nasa stop light silang lahat tapos hindi niya malaman kung bubuksan ba nya yung pinto ng sasakyan o hindi habang si Clint naman ay naghihintay kung ano ang magiging desisyon ni Meryl...hay naku! Pati ako hirap na hirap nung pinapanood ko itu. At kung hindi mo pa napapanood, eh sori, nde ko sasabihin ang naging desisyon niya. Panoorin mo na lang. Pero kung napanood mo na itu, malamang alam mo na kung ano ang nangyari...
...nakilala ko si Jared thru my friends sa Hyatt. When I met him, his "alleged" relationship with one of my friends has just ended. Honestly, I was just puzzled about him at that time. I was hearing some stories about him from people considering na sa ibang Hyatt property sya nagwo-work. In short, sikat sikatan sya!
Dahil na rin sa pag-pupush ng mga kunsintidora kong friends sa pangunguna ni Mitz, I decided to check out on him. Ahihihihi...ayan, at least, hindi lumabas na ako talaga yung interesado...ahihihihihiihi...So, I viewed his pic in my friend's Friendster profile and in fairview...goodlooking ang kumag! Kaya, I told my friends na payag na akong i-hook up nila ako sa kanya...pero no kiss and no touch muna kaxe strict ang parents ko...ahihihihihi...kyembot!
As a sign of respect and in consideration for that much valued word "friendship", I asked my friend who was rumored to have broken up with Jared to give me the "blessing" to go for it. I said na kung ayaw nya, eh ayoko na rin noh! Hindi ko kasi sya kayang ipagpalit eh kase friendship matters more to me. At saka integrity na rin. That very thing defines us as a person eh kaya importante sa akin yun! But, anyway,my friend has long moved on and is already nurturing a relationship with someone else so I was gladly given that go signal.
Back to Jared...I took his number from Mitz and had sent him a text message introducing myself. Hindi sya nag-reply. But, when he called me a week later, I was literally shaking. Excitement. Kaba. Ewan ko ba! He seems nice nman and I have actually enjoyed our conversation. I haven't seen him in person until my friend's birthday party - the day after my birthday...
He towered over me when we finally came face to face. He quipped "...ikaw pala yon." Ahihihihi...Kakilig! Akala mo boy-meets-girl ang eksena. Theme song naman jan!!!! nyahahahhaha...Inabot kaming lahat ng madaling araw...ay, umaga pala kaiinom at kakukwento ng kung anek anek na walang katapusan. Pero, seriously, that night was the start of something quite special between us. Hanggang ngayon, nde ko pa rin maisip kung paano nangyari yun...nyahaahhaha...in fairness, may nangyari talaga kinaumagahan!
He treated me really nice. He would always put up with my attitude and my schedule. Lagi kase akong busy non kase kapo-promote ko lang. "Honey" ang words of endearment namin. We greet each other "good morning" and "good night" sa text kahit na madalas eh nagpapa-pasa load sya sa akin. Mwahahahaha! Nagpapaalam pa yan kapag papasok na o kaya kung nakauwi na sya. He cooks when I visit his place. He never feels ashamed about me being seen around him. It was actually more of me getting too cautious not to spark any rumor about us that I would consciously distance myself from him to his dismay. Gusto nya kase lagi lang ako sa tabi nya. We fight din sometimes. Mga petty quarrels na pa-cute lang...
Then, nung huling kita namin, nung nagpunta sya sa flat ko. He was carrying a stuffed toy. Gift daw nya sa ken. Ala namang okasyon...Pa-sweet lang. And when he left, hinatid ko sya sa elevator. He gave me a kiss - the first time I never asked for it. Kusa lang nya. Landi ko noh? I kissed him and hugged him tight. At the back of my mind, I thought I'm gonna be missing him...'di ko alam kung paano ko naisip yon. Sixth sense na naman? Ewan.
Suddenly, everything turned sour. Well, at least from my part. I never answered his phonecalls and messages after that. He kept asking me if I am angry and if there is anything wrong. He said he's sorry for whatever it was. Still, I never said anything. I just kept quiet. Kahit text sya ng text at tawag sya ng tawag...
Days passed and his messages stopped coming anymore. He finally gave up on me. Napagod na din siguro. I moved on and so did he. Ganun lang. Walang linaw ang lahat...
Siguro, you are wondering kung bakit bigla na lang akong nag-inarte...well, for the record, I was not mad at him. He was really amazing and with all due respect to what we had, he never treated me badly. He always made me feel special. There were just a lot of things going on at that time and I can not keep up. I don't blame him for that. It's just that, the easier way to deal with those things then was to ignore him. But then still, I intend to straighten things out with him...soon.

2. Psycho
Hindi ko maintindihan ang mga kaibigan ko. Akala ko kase we share the same taste pagdating sa maraming bagay pero hindi ko ma-get over yung fact na hindi nila na-appreciate ang Psycho. Siguro, sobrang hype nung pagkaka-promote ko nito sa kanila kaya parang Mt. Everest ang expectation level nila nung napanood nila 'to. Ako kase, by chance ko lang tong napanood sa isang cable channel at wag ka! Hindi ako nakatulog nung gabi na yon because of this! Eh, mag-isa ko pa naman sa room nun! Feeling ko talaga, bigla na lang may sasaksak sa akin habang iklipany pa akech...tapos, na-last song syndrome pa ako sa musical score nung movie...tan tan tan tan...tan tan tan tan...eerie!!!!!
Recently, nagpost ako sa blog ko ng isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko nagustuhan. Ito yung sa "Take a Bow". Bagama't nag-promise ako na hindi na ako magsasalita tungkol doon, eh eto ako ngayon at isinama ko pa talaga sa adik list ko! Ahihihihi...Pero, hindi naman talaga ako magsasalita tungkol doon eh. I-memention ko lang na isa ito sa mga milestones ng nakaraang blog year ko...YUn lang! Baka meron pa kase akong masabing hindi maganda. Mabuti nang manahimik at mang-dedma. Dahil, mas magaling akong mang-dedma kesa mamlastik! Ahihihihi...taruzh! Hiniram ko lang yang line na yan kay John "Sweet" Lapuz...thanks 'Te!
Betrayal of trust...who can get over it? Sabi nga ng kapwa ko blogger na si ifoundme ( nyahahahaha, ni-level ko talaga yung blog ko sa kanya! ahihihihi ) sa contri post nya sa blog ni Mix, nababago nito ang tao, especially kung ikaw ang biktima. Siguro, kung wala akong mga tunay na kaibigan na naka-alalay sa akin during those times, nawindang na ako ng tuluyan. Baka wala nang Marvin na palaging masayahin, palakaibigan, positive ang outlook sa buhay at super generous! ahihihihihi...Aaminin ko, hindi rin kase naging maganda ang effect sa akin nito eh. Parang pumangit ang outlook ko sa life. Parang naging bitter ako at insecure. Pero syempre, I'm back on the right track now! Andami kayang nagmamahal sa akin! I do think more of the people and things that matter...ganun dapat! Ahehehehe...
Humupa na ang bagyo. Just to get it straight now, wala na akong galit. Ayokong sirain ang sarili ko ng galit. Hindi ko lang talaga kaya ang makalimot. Hindi naman kase pinipilit ang amnesia eh! ahehehehhehe...Tao lang ako. Naiinis at nabubugnot din ako minsan lalo na pag may hindi ako gustong makita o marinig. Ayoko ring makipag-usap sa taong hindi ko gustong kausapin. Dahil kung masaya syang kinakausap ako, ako HINDI! At kung kakausapin talaga ako, be f@*!ng sincere kase ayoko ng nag-ma-maang-maangan dahil ayoko ng ginagawa akong tanga. Pero alam na ng mga kaibigan ko yun. Sino ba naman ang gustong pinagmumukhang tanga?
Naiintindihan ko na halos lahat. May mga tao talagang ganon. At 'yon ang iiwasan natin! Matagal din bago ko naintindihan at natanggap pero at least, nagawa ko.
Isa na lang ang hindi ko pa maintindihan. Kung ano ang motibo niya at kailangang malaman ng isang taong hindi dapat makaalam ang tungkol sa blog ko. 'Pag ito nasagot ng wastong kasagutan at naaayon sa aking panlasa, ako pa ang hihingi ng apology. Pramis!

3. Monster
Ang dyosa dyosa ni Charlize Theron para sa akin. Kung mare-reincarnate nga ako, gusto ko kamukha ko sya eh. Ibang level 'tong gerlat na itu! Pero, sa pelikulang Monster, she played Aileen Wuornos - isang prostitute na ma-giraffee na naging serial killer! Grabe ang physical transformation! Hindi ko nga nakilala si Charlize noh! Pero what's more amazing eh yung acting prowess ni Charlize. Best Actress namang talaga ang performance nya. And the movie really moved me...naiyak ako dito ng husto! At habang sinusulat ko to, naiiyak na naman ako tuwing maaalala ko yung scene na ni-torture sya ng pulis...ahuhuhuhuhu. At syempre, magaling din si Christina Ricci bilang si Shelby na jowa ni Charlize...
Ipinatawag ako kanina ng amo ko. Dati, nung mga unang taon ko sa Hyatt, scared ako dito sa amo ko. Wala kasi syang sinasanto pag sumigaw eh. Pero matagal ko na syang napaamo. Nakuha ko na ang kiliti nya. Ako nga ang pinaka-paborito nun eh. Kapag may mga pagkakamali ako, mahinahon nya akong kakausapin. Pero kung iba yan, nakow! Gud luck! ahihihihi...
Kinausap nga nya ako kanina. Sabi nya, sa Disyembre daw, isang taon na daw ako bilang cost auditor. Pina-plano na daw nya ang next career move ko. Speechless ako habang sinasabi nya sa akin ito. In fairness, wala akong masasabi sa concern ng amo ko sa aking career path. Dati ko nang nabanggit sa previous post ko na hindi ko talaga forte' ang cost accounting noong nag-aaral pa lang ako. Nightmare itu para sa akin! Kaya nga nung sinabi ng amo ko na isang taon na ako sa ganitong posisyon, parang nagflashback sa akin yung time na ayoko sanang tanggapin ang work na ito dahil baka masira lang ako. Well, it turns out na kaya ko pala. That I can beat that monster lurking inside me.
Honestly, masaya ako sa kinalalagyan ko ngayon. Kuntento ako. Wala akong expectations bagama't marami akong bagay na gustong mangyari. Isa na diyan ang maging Code 3 sa posisyon ko. Feel ko kase ang mga privileges ng mga nasa ganong posisyon eh especially yung studio flat na titirhan mo. Pwede ka talagang umampon ng kahit sino ng kahit gaano katagal! At, ang talagang appealing sa akin sa mga panahon na ito eh yung ma-absorb ako ng Hyatt International bilang Internal Auditor. Ang concepto kase nun eh lilibot ka ng iba ibang bansa para mag-audit ng mga Hyatt properties. Ang taruzh dava? Kumikita ka na, libre pa ang tour around the world! In fairness, ang bongga bongga nun! Kahit walang in fairness! ahihihihihi...
Andami kong blessings! Nakakahiya kay God na magpaka-monster pa ako samantalang kahit na hindi ko hilingin, binibigay nya...
4. Legends of the Fall
Noong una ko 'tong pinanood, hindi ko talaga inintindi ang plot ng pelikula. Pinanood ko talaga 'to dahil kay Brad Pitt. Doon ko sya unang minahal. Noong pinanood ko ulet, aba aba aba! Ano ito? Bakit basa ng luha ang pisngi kong maumbok at namumugto ang singkit kong mata? Shuqs! Umiiyak ako sa mga eksena! Nakakalowkah! Partikular kong na-appreciate ang pagmamahalan ng magkakapatid na sina Brad Pitt, Aidan Quinn at Henry Thomas. Ready talaga sila to protect each other. Kahit hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako sa movie na 'to ha!...
Hindi ko alam kung ang maswerte ba eh ako o ang kapatid ko at natanggap sya sa Hyatt. In fairview, kung kilala nyo ang kapatid ko eh basagulero talaga yan! Parang normality lang sa kanya ang maghanap ng away. Lasenggero pa! Hindi nga kami magkasundo nito dati eh kase napaka-unglamorous ng lifestyle nya! Mukha talaga syang adik sa kanto na parang walang patutunguhan ang buhay. Samantalang ako, finesse at hindi makabasag-pinggan. Minsan, iniisip ko nga na hindi kami magkapatid kase parang wala naman kaming similarity. Hindi nga kami magka-mukha eh!
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang adik ang kapatid ko, Wala naman kaming family problem para mag-rebe-rebeldehan. Siguro, masyado lang na-pamper at nabarkada na rin. Naalala ko nung nasa Pilipinas pa sya at nasa Dubai na ako, tumawag sa akin yung Mama ko tapos ni-report nya na nakakulong daw ang aking brother. Susmiyo! Bad publicity itu! Talaga namang na-high blood ako don! Syempre, iba na kapag kulungan na ang pinag-uusapan. Seryoso na dapat! Paano, namboogie wonderland daw ng bagets. Hanuvah! Pero, isang araw lang naman syang nakulong kase nagpiyansa kami. Tapos non, binalikan naman sya ng binugbog nya at pinagtulungan daw. Na-ospital naman sya non! Que barbaridad! Kakalurki davah? Pagkatapos non ay ang katakot takot na demandahan at hearing na nakaka-drain ng energy. Minsan, pag tumatawag sila sa akin noon, sinasabi ko na lang na ayokong malaman yung tungkol sa mga kaso-kaso na 'yan! Nakaka-wala ng poise! Ahihihihihi...actually, hindi pala nakakatawa yun...hehehehhe...
Anyway, minabuti na nga lang namin na dalhin ang aking kapatid dito sa Dubai. Mga limang buwan ko rin syang hindi pinaghanap ng trabaho at pinag-stay ko lang sya sa bahay. Ending, nabuwang yata at napag-isip isip na gusto na nyang magkaroon ng purpose ang buhay nya kaya nag-request na sa akin na maghahanap na daw sya ng trabaho. Whoah! Simply amazing! Kaya ayun! In-apply ko sya sa Hyatt. At natanggap itu! Hindi ko naman talaga ini-expect na matatanggap sya kase wala naman talaga syang experience at feeling ko eh hindi sya marunong mag-english. Eh sori, kase pasado sya sa first interview pa lang ha! Ang taruzh!!!!! Bumilib naman ako sa kanya! Aba, ibang level ha! At eto pa, GSO ang binigay sa kanyang work sa communication centre. Matindihang English itu! Saan sya humuhugot ng Ingles nya? Ahihihihihi...Clap, clap, clap!
Kaya ngayon, almost 1 year na sya sa work. Balak nyang mag-training bilang isang Japanese chef. Hmmmm, in fairness, umaariba! Ahahahahaha...
5. Riding in Cars with Boys
Itong si Drew Barrymore, sobrang kikay sa mga movie nya na napanood ko. Yon bang simpleng pa-cute na patawa. Feeling ko nga hindi babagay sa kanya ang role na hindi ganito ang exena nya eh. Sa pelikulang Riding in Cars with Boys, mas naappreciate ko pa sya. Magaling sya dito ha. Pero mas nagustuhan ko yung movie. Nakakaantig ng damdamin ang mga eksena nya. At love na love ko talaga yung bestfriend nya dito na si Brittany Murphy. Ang kulet nilang magkaibigan! Sobrang kwela lalo na yung part na pinapraktis ni Brittany si Drew kung paano sasabihin sa mommy ni Drew na buntis sya. Nalurki kami ng bonggang bongga nila Domeng dito! Pati na rin yung nagpapatihulog sa hagdan si Drew para lang malaglag yung bata sa tyan niya. Aliw! Pero in fairness, napakadaming aral ang matututunan sa movie na 'to. Na-last song syndrome din ako dito sa kantang All I Have To Do Is Dream ng Everly Brothers...Dream, dream, dream dream, when I want you in my arms, when I want you and all your charms whenever I want you, all I have to do is...
...blog.
Nakakatuwa naman na umabot ako ng isang taon sa mundo ng blogging. Maraming beses na rin akong tinamad at ilang ulit ko na ring kinwestyon ang sarili ko sa karapatan o talento kong magsulat. Maraming beses na rin akong nagtangka na kalimutan na lang ang blog ko dahil na rin sa iba ko pang mas mabigat na responsibilidad katulad ng aking trabaho.
"...wala akong panahon..."
"...wala ako sa mood, pagod ako..."
"...alam ko ba talaga ang ginagawa ko?"
Ilan lamang iyan sa mga naging alibi ko para itigil ko na ang pag-ba-blog. Katulad ng iba ko pang alibi noon sa iba pang mga bagay na gusto ko nang tigilan. Pero, katulad rin ng sa mga mas nauna kong karanasan, sa mga bagay na muntik ko nang isuko ko naramdaman ang tagumpay at kakaibang ligaya.
Sino nga ba ang nagsabing ang karanasan ang isa sa pinakamagaling na guro? Dahil sa isang taong tulad ko na ayaw nasasabihan ng pagkakamali, na mas ninanais na masugatan at matuto, itinuturing ko nang ang mga naging karanasan ko ang humubog ng halos buo kong pagkatao.
Ilang ulit na rin akong nadapa sa buhay. Ilang ulit ring nagalusan at umiyak sa sakit. Naiintindihan ko na dumarating sa punto ng buhay ng bawat tao na gusto na nyang isuko ang lahat - dahil palaging mas madaling piliin ang huminto kaysa ang lumaban at magtiis ng paghihirap. Na mas nakatutukso ang ligayang hatid ng walang inaalala at iniinda kaysa masaktan at magpatuloy.
Subalit, sa gitna ng laban ko sa buhay, natuklasan ko ang lihim na hindi naka-program ang buhay ng tao na puro pasakit lang. Mali palang isipin na parati na lang paghihikahos ang nararanasan natin. Dahil kung ang konsentrasyon ay nasa negatibong bagay, hindi natin makikita ang perspektibong positibo. At, katulad ng sinabi sa isa sa mga akda kong nabasa, laging may liwanag sa dulo ng karimlan. Palagi.
Sa isang pakikipag-usap ko sa isa sa mga kaibigan ko, nabanggit nya na tila wala syang swerte sa lugar na kinaroroonan nya. Na-sad ako sa sinabi nya kase hindi ganun yung nakikita ko sa kalagayan nya. Kung tutuusin, napakapalad nya kumpara sa marami pang iba na hindi makabangon sa pagkakalugmok. Hindi lang talaga nya makita yon dahil mas pinipili nyang huwag makita.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni John Estrada kay Sharon sa pelikulang Caregiver - na wala raw sa London ang swerte nya, na malas daw ang lugar na iyon. Kungbakit naman sa dinami dami ng mga taong nagtatagumpay eh may mga tao rin na makakaisip na hindi nila kayang gawin ang magtagumpay rin. Swerte nga lang ba talaga ang iba at ang iba ay malas lang?
Isa sa mga natutunan sa akin ng mga kaibigan ko ay yung paniniwala ko sa swerte. Hindi iyon pamahiin sa akin. Palagi ko lang sinasabi sa kanila na swerte ako. Na ipinanganak akong ganun. Kahit na bihira naman akong manalo sa mga raffle, naniniwala pa rin ako na swerte ako. At bakit naman hindi? Eh wala namang nagsasabing hindi ako swerte noh! At, kung meron man, eh bakit ako papayag? At lalong hindi ko aapihin ang sarili ko at hindi maniniwalang swerte ako. Eh iyan ang panlaban ko sa buhay - ang maniwala na sa kabila ng pagkabigo at pagkatalo, palaging nandoon ang swerte.
Bagama't alam ng mga kaibigan ko na sobra ang tiwala ko sa swerte, meron silang isang bagay na hindi alam tungkol sa akin - na hindi ako naniniwala sa malas. Dahil walang taong malas. Dahil walang kamalasan sa mundo. Dahil ang kamalasan ay nilikha lamang sa isip ng mga tao na kalaunay' pwedeng sisihin kapag may pangyayaring hindi nila kayang tanggapin.
Nakuuuuu!!!! Bakit ba ako nagse-seryoso! Hindi ako sanay! Ahihihihihi!
Anu't anuman, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik nyo sa blog ko. Tutok lang at susubukan kong pagandahin pa ito para lagi nyong balik-balikan. See you at samahan nyo ako for another blog year ahead!
Stay lucky!