Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, August 29, 2008

Playlist - Week 1

Pasensiya na kung matagal akong nawala. Hindi na nga rin ako nakapag-paalam dahil sobrang busy ng lola nyo sa paghahanda sa monthend closing namin. Hanggang next week pa itu kaya for the meantime, share ko lang ito...

May naisip akong bagong pakulo - ang Weekly Playlist! Naks! Exclamation point talaga 'yan.

Ito ay ang listahan ng mga kantang walang kasawa-sawa kong kinakanta at pinapatugtog dahil naadik ako o na-last song syndrome lang talaga ako. Madalas mangyari sa akin to. Pag meron akong kantang pinag-ti-tripan, 24 hours long-playing talaga. Maluluma sa akin ang promotion ng isang kanta dahil minu-minuto, ito lang ang kinakanta ko at pinapatugtog ng paulit-ulit-ulit-ulit. Kebz ko talaga kung magdugo na ang tenga ng ibang people na nagsasawa at nauuyam na sa kakarinig ng song for this moment ko. ahihihihi. Ang insensitive ko talaga minsan. Well...ahihihihi. Heto na ang listahan.

1. Cater To You - Destiny's Child
2. Minsan Pa - Zsa Zsa Padilla
3. I Will Never Do Anything To Hurt You - Keith Sweat
4. I Never Cry - Alice Cooper
5. Turn Back The Clock - Johnny Hates Jazz

Click n'yo lang kung feel nyong pakinggan. Kung feel nyo lang naman. Hindi ko naman kayo pinipilit eh. Sige na, sige na, sige na! Ahihihihihi. Anyway, salamat kay Joyce kase andami kong kanta na ninakaw sa mp3 player nya na hindi ko talaga mahanap sa mga suki kong website. At, kay master Mix na naman kase na-discover ko ang box.net na pwede kong pag-share-an ng mp3 files ko. Zulamat!

Ang weekly playlist ay ang lingguhang listahan ng mga kantang hindi ko maiwaksi sa aking isipan. Muli, bagama't maaaring lumampas pa, ay lilimitahan ko sa lima (5) ang bilang ng mga kantang itu. Maaaring magbago ang ranking every week without prior notice dahil nakadepende ang list na ito sa gusto ko. At, kung sa tingin nyo eh hindi makatarungan ang pagkaka-sunod sunod ng kanta, aba! Huwag mag-atubiling dumulog sa barangay at ihain na ang reklamo nyo kay chairman! ahihihihihi. Belat! Blog ko 'to noh! ahihihihihiihi...

Enjoy listening!

Sunday, August 17, 2008

Tag: FourPlay

I got tagged by Mix...in fairness, first time kong ma-tag. Kaya naman, excited akong mag-answer-answeran. As in! Yung excitement na walang halong pag-iimbot! Kahit siguro tanungin pa ako kung saan matatagpuan ang Yamashita's treasure at kung ano ang lihim ng Golden Buddha, sasagutin ko talaga ng bonggang-bongga! ahihihihi...ganong excitement! LOL

Hala! May rules daw itech. Eto yon:

THE RULES ( o di va? The Rules! nyahahahaha! I told you, may rules! ):
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.


1. Four places I go over and over

Banyo, Kusina at Bedroom - Wag nyo muna akong husgahan! Mag-eexplain ako! Ahihihihi. Mahilig kase akong magluto kaya palagi ako sa kusina. Minsan, mga imbentong luto ang napagti-tripan ko na buong puso kong inihahain sa hapag-kainan na normally, nilalafang ng mga kaibigan ko. Kesehodang sumakit ang tiyan nila, supportive naman ang mga friends ko sa mga niluluto ko. At in fairness, palagi silang nasasarapan. Specialty ko ang seafood hot pot with lechong kawali toppings. Hay naku! Pag natikman nyo yan, ewan ko na lang. Ahihihihi. Panalo talaga yan! Mahilig din akong matulog. Normally, yaan ang pinagkakaabalahan ko - ang mag-ipon ng tulog. Ewan ko ba! Kahit naman hindi ako puyat eh adik ako sa pag-be-beauty rest. Hindi yata uso sa akin ang mga sleepless sleepless nights na yan. Kahit nga sa sasakyan, nakakatulog ako eh. Malayo man o malapit ang biyahe. Wag lang masandal ang likod ko at talaga naman! At ciempre, ang banyo. At sino naman ang kokontra dito? Ahihihihihi....

Gonzaga, Cagayan - yes! Ilocano ako. Nakakaintindi at nakakapagsalita pero mas magaling talaga ako sa Tagalog kase sa Nueva Ecija na ako lumaki eh. Pero sa Tuguegarao, Cagayan talaga ako ipinanganak. Asa likod lang naman ng bahay namin ang ilog na palagi naming pinagliliguan noong bata pa ako! Saya di ba? At, andami daming libreng prutas na inaakyat namin nong bata pa kame. Untouched by civilization. Naalala ko noong bata pa talaga ako, wala kaming kuryente. As in! Pero ansaya saya nun!

Nueva Ecija - Eh, dito kase kami nakatira and most of my memorable experience eh dito naganap. Need I say more?

Dubai - Been here for almost five years now. Maraming nabago sa buhay ko mula noong magdesisyon akong magpunta dito. Bagama't pinuwersa ako ng nanay ko na dito mag-hanapbuhay, minahal ko na rin ang lugar na ito. Eh di sana wala na kaming tirahan ngayon! Ahihihihihi...Traumatic!

2. Four people who e-mails me regularly

Si Infogenesis report - automated e-mail reports na araw araw kong nadadatnan sa inbox ko sa Hyatt e-mail id ko. Ayaw naman magpa-reply. Suplado!

si "til there was you" - si Ate Beth na walang sawa sa pag-send nya ng mga nakaka-inspire, nakakatuwa, nakakakilig at nakaka-touch na mga forwarded e-mail messages. Keep it coming poh!

si Jong, si Marge, si Mitz at si Joyce - dahil ayaw kase namin na magmistulang hotline ang aming mga telepono sa opisina, at dahil blocked ang lahat ng klase ng chat room sa opis kaya sa e-mail na lang kami nagchichikahan, nagpapalitan ng kuro kuro at nagbe-brainstorming...asus! Brainstorming!

si Friendster at si Facebook - mga notifications...

3. Four of my favorite places to eat?

Miyako - ang pinakapaborito kong Japanese restaurant! Sarap!

Jollibee - naku ha! spaghetti, chicken joy with gravy, french fries, sundae, jolly hotdog, amazing aloha, burger steak...the list is endless. Sa Jollibee lang yata ako hirap na umorder kase parang lahat gusto kong tibagin! ahahahahaha...

Marquez Restaurant - ang local restaurant sa amin sa San Jose City, Nueva Ecija na talagang bonggang bongga para sa akin mula pa noong bata ako. The best dito ang baked macaroni, halo halo, papaitan, giniling, cakes, palabok, sans rival, puto at marami pang iba.

Sa bahay - sobrang sarap magluto ng Mama Diving ko. Kaya maarte kame pagdating sa mga pagkain kase mataas ang standard namin. Ahihihihihi. Madalas kaming mang-okray ng mga kapitbahay namin na nag-papasabaw ng mga luto nila. Nyahahahahhaa. Inggrata namin no? Ang gagawin ng mama ko, lulutuin nya rin yong kapareho ng binigay sa amin para may konting subtlety. Kaya madalas, maraming nagpapaturo sa kanyang magluto! Pero ako, hindi ako dati mahilig magluto kase tamad ako eh. Pero nung napunta ako sa Dubai, natuto talaga ako. Malamang, dahil alam ko ang tamang lasa at timpla ng isang lutuin, kaya ayun! Kuha ko naman in fairness. At take note, hindi ako nagbe-betsin!

4. Four places you’d rather be?

China - la lang, nood lang ng Olympics...ahihihihihi. Charot! Miss ko lang talaga si Naruto.

Puerto Gallera - sabi ng mga fwenship ko sa Pinas, magugustuhan ko daw dun tapos hahagikgik sila pag tinanong ko kung baket. Ano yun? Pa-suspense? Leche!

Japan - gusto ko lang ma-experience...

Pilipins - di ko yata kaya ang mawalay kay Inang Bayan habangbuhay...hayyyyy....

5. Four TV shows I could watch over and over.

Desperate Housewives
Maging Sino Ka Man Books 1 & 2
Ally Mcbeal
Friends

6. Four people I think (and hope) will respond.
Hmmm...mahirap tong part na itu! Pero sabi kase, don't break the trend daw eh...so ok!

Keep the ball rolling!!!!!

Friday, August 15, 2008

Marvin's Room Turns 1

1 year na ang blog ko todaY...yihee!!!!!! Oh yes! ang blog na pinagtyatyagaan nyong basahin dahil sa kakaibang effect nitu sa buhay nyo ay isang taon na! ahihihihihi.

Happy Birthday!

Ambilis ng panahon. Prang kelan lang eh nakikibasa lang ang lola nyo ng blog ng ibang pipol. Andaming taruzh na blog na parati kong binibisita at binabasa kahit during office hours. ahihihihi. AT nakikisawsaw talaga ako sa mga forum-forum eklavu nila na yan...Super leave akech ng mga comment para lang iparating sa blogger ang mga hinaing at simpatiya ko. ahehehehe.

Eh cimpre pa, likas ang pagiging inggitera ng lola nyo kaya nagmaganda na rin talaga akech na makapag-exist sa blogosphere. Kaya, may I create a blog nman agad akech noh! Mahirap na. Baka mamaya akech na lang ang waing blog sa planet earth dava? Wit ko kayang like na lumevel kay Anne Hathaway nung nagdialogue cia sa "Princess Diaries" na "...all i ever wanna do in this life is to become invisible". Echozera! Di siguro! Potahng anne yan! Ang dyosa dyosa tapos may ganyang exena...Ayoko nga noh! Para saan pa ang cheek stain ko kung magiging invisible akech. Wit na noh! Eh cguro kung si Ate Chokoleit ang nag-emote ng ganyan eh bka sinuportahan ko pa cia with matching wagayway ng banner while shouting "go gurl!" daverz? ahihihihihi...kakalurki!

Anyway, wai talaga akengkay maextract na pakulo sa 1st anniv ng blog ko. Wish ko sanang mamigay ng limpak limpak na salapi sa pers payb lucky caller na babati ng "Hapi Anibersari to ur blogchina achuchualavu" sa chat box ko kaya lang naisip ko, tight nga pala ang budget ko for the next 2 months...kaya bawal ang pork, bawal ang chicken...ahehehhehehe...ching lang! Hindi pa naman itu pang-memory gap factor! Sadya lang may project-projekan ang mahadera nyong lola kaya diverted ang lahat ng funds ko doon. Hayaan nyo munang ramdamin ko ang pagiging ma-giraffee ko...maralita pero ciempre, dyosang ma-giraffe pa rin! ahihihihihi...dyosa talaga...mwahahahhaa...

Naisip ko rin ang magpost ng Adik List. Feel ko kaseng gawin sana yung edition na ipa-powerpoint ko yung top five happenings sa life ko for the past blog year. Ichichika portion ko sana duon yung mga events na hindi ko nabigyan ng separate post or yung mga pangyayari na nabanggit ko lang sa iba ko pang post pero hindi ko masyadong nai-elaborate. Kaya lang, iniisip ko na hindi kaya maxadong pakontro maxado? Eh baka sa mga isiwalat ko doon eh mapatawag pa ako sa senado for a special hearing? Ahihihihihihi...

Hmmmm, pero teka, wait lang! Parang feelingash kong ituloy...Nyahahahahahah! Why not chocnut?!? Sige na nga, ituloy ko na! Shuqs!!!! Itutuloy ko na talaga...Nyahahahahha! Hindi ko to kinakaya! Well, basta, malinis naman ang konsensiya ko ah. Ahihihihihi...ang defensive ng baklah!

Pero, dahil habahabaan na ang post ko na to, eh separate post na lang yung adik list ko. Well, basta, bato bato sa langit, ang tamaan, Bobita Bitchesa! Di kase marunong umiwas! ahihihihi...

Anyway, Hapi Anniversary ulet sa blog ko! At salamat sa walang sawang sumusubaybay dito! Pramis, ang blog na itu ang babago ng buhay nyo! Wait nyo lang ang mga patotoong kwento mula sa iba pang na-touch ng kakaibang swirti nitu! ahihihihihi...

Blow the candle! ahihihihi...notty!!!!!


Friday, August 8, 2008

Adik List - Current Fixation Edition

Today, sisimulan ko ang isang pakulong ka-chorvahan na kapupulutan ng aral ng mga bumibisita sa blog ko...ahihihihihi...echoz lang!

Ito ay ang Adik List - ang listahan ng kung anek anek lang na naisip ko, tinipon at kinalap upang makatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas at langis, sa paghahanap ng world pis at sa paghahanap ng lunas sa AIDS at cancer. O di ba? Napaka-noble ng hangarin ko. Hindi makasarili...ahihihihi...

Sisikapin ko ( choz! parang Panatang Makabayan itu! ) na limitahan sa lima (5) ang mga ililista ko sa bawat post para naman hindi ito magmukhang wikipedia na lahat ng info pasok.

At, sa unang edisyon, ililista ko ang mga kasalukuyan kong kina-aadikan sa buhay.

1. Wasabi Peas

una ko 'tong natikman noong nag-spot check ako sa isa sa mga bars ng Hyatt. Medyo natagalan kase 'yung barman sa paghanap ng isang item kaya habang naghihintay, napagdiskinitahan ko 'yung mixed nuts na naka-display sa harap ko. Habang sarap na sarap ako sa paglapokstra nun, parang biglang may gumuhit na matinding kakaibang sensasyon sa ilong ko papunta sa utak! Pakshet! Huli na nang malinawan ko ang lahat. Panlilinlang ito! Ang green peas na kinain ko ay ------------ Lasang wasabe! Anak nang.....!

Malakas ang resistensya ko sa maaanghang na pagkain. Pero nang una kong matikman ang wasabe sa isang Japanese restaurant, challenge talaga para sa akin. Ibang klase ang anghang nito dahil mararamdaman mo ang burning sensation sa ilong mo, hindi sa bibig! Magmula noon eh naging paborito ko na 'to kapag Japanese food na ang pinaguusapan, kasama ng sushi at shoga.

Kaya hindi kataka-takang instant hit sa akin ang wasabi peas.

The snack with a kick! Nakaka-adik!



2. A Very Special Love

Aliw na aliw ako sa trailer ng movie na 'to. Napaka-natural kase ng akting ni Sarah Geronimo. Dito sa Dubai, August ito ipalalabas. Pero sa Pinas noong July 30.

Partikular kong aabangan yung "sun dance " ni Sarah at yung eksena kung saan ipinapasara ni John Lloyd yung pinto kay Sarah na nag-akalang may hindi magandang gagawin sa kanya si JLC. Kaya sabi ng gerlat "Sir, hwag po!" sabay takip ng towel sa face at project ng nakakaawang mukha. Nairita naman si JLC kaya sabi nya, "Lock the door when you leave". Okray!!!!! Ahihihihihi....Feelingash kase si Sarah! Napapahiya namang litanya ni Sarah ang, "ahehehehe...kala ko Sir kung ano na"...ahihihihii

Tuwing mapapanood ko yung part ng trailer na yon, kinikilig talaga ako. Sabi ni Jong adik na adik daw ako sa part na yon. Ahahahaa.

Manonood talaga ako nito! Kumuha na nga ako ng ilang araw na bakasyon sa August para lang sa movie na yan eh! ahehehehehe...adiiiiiikkkkkk!


3. Wicked, Wicked, Wicked!

Well, ang dapat na basa jan eh - Wik-eid, wik-eid, wik-eid. Uhuh! Dapat may pagka British Aristocratic accent cheverlou yan! Ito ngayon ang addictive kong expression.

Nakuha ko 'to sa movie'ng The Others sa eksena kung saan in-attack ni Nicole Kidman ang anak nyang girl dahil nakita nya dito ang anyo ng isang matandang babae na mukhang mangkukulam...at nang mapagtanto nya na anak pala nya yung ina-attack nya, nag-inar-ar herrera yung bata sabay hiyaw ng 8 octaves na, "get away from me! get away from me! wicked! wicked! wicked!" - ang taruzh ng bata kase may accent! ahahahahaha...

Hhhmmmm...parang may gusto akong pagsabihan ng linyang yan...ahihihihihihi...wag na lang - waste of time.


4. The Body Shop Lip & Cheek Stain

Minsang tumambay ako sa flat ni Mitz sa accommodation ng Hyatt, kinalkal ko ang kanyang cosmetics at na-sight ko ang isang parang pentel pen na kulay pink. Shocks! YSL Lip Marker Limited Edition! Sinubukan ko itong i-apply sa aking luscious lips at namangha ako sa effect na idinulot nito! Parang natural lang ang pagiging kissable lips ko! Talagang natural redness! Kaya dali dali kong pinukaw ang kanyang atensyon at nagpaka-feeling dukha talaga ako sabay dialogue ng, "This is mine!". ahihihihii...Inangkin? Nasaan ang karukhaan dun?Ahihihihihihi...Sadly, ayaw nyang ibigay sa akin kasi nga, LIMITED EDITION! Ampf!

Pero nag-try pa rin akong maghanap nito sa aking suking tindahan pero talagang limited edition lang nga talaga ito. Depression na talaga ako that time kasi gustong gusto ko sya eh. Nung panahon na yon, kahit yata buong buwan kong sweldo eh ibibili ko magkaroon lang ako ng ganun!

Then comes the rainbow after the rain. Ugali kasi namin ni Jong na kapag nagpupunta kami sa mall eh sinusugod namin ang The Bodyshop para sa libreng lotion at make up! Ahahahahahaha...Ka-cheapan talaga! Marami kasi silang TRY ME doon. Eh kami naman, masunurin, kaya sige, eh di TRY YOU! Ahahahahahaha...

Habang naglalagay ng concealer si Jong, binutingting ko ang lip balm nila, yung Born Lippy. Nice sya kaya lang hindi ko kasi gusto yung may shining shimmering splendid effect sa lips kaya lumipat ako sa next shelf. At doon ko na nga nakita ang Lip & Cheek Stain nila! Aba, aba, aba! Mukhang promising itu ah, sabi ko sa sarili ko, at sa ibang tao na rin kasi napalakas pala! Ampf! At nag-try naman syempre ang mahadera nyong lola...

Naka-ka-low-kah! Hindi sya shining shimmering splendid! Para lang natural! Hindi ko talaga kinaya yung moment na yon! Dali dali ko na syang binili na para akong mauubusan kahit na plentious pa naman ang stock! Ahahahhaha! Mahirap na noh! Baka limited edition lang din pala yon! Ahihihihihihi...

Sa lips ko lang itu ginagamit kase naturally pinkish na ang cheeks ko...ahihihihhi...I swear, sobrang natural tignan - nakaka-adik! Especially sa mga guys na gustong magpaka-red lips na hindi nagmumukhang girly because of the shine, this is a must sa inyong kikay kit! Ahihihihihi...Just don't apply generously kasi magiging sobrang red. Para kayong kumain ng blood! Dapat medyo naglalaban lang yung pinkish tsaka reddish tone para effect na effect. AT, one application will last the whole day ------ kung hindi ka kakain! ahihihihihi...otherwise, retouch lang.


5. Lion Ramses Friedl

Ang current cruzh ko...kyembot! ang kiri kiri ko talaga! ahihihihih

Gustong gusto ko yung ganitong moment ng buhay ko. Yung looking forward akong pumasok at inspired magpaganda...Na-miss ko tong ganitong feeling buhat ng mawala si Naruto. Mas may added feature nga lang this time kase hindi kame friends ni Lion. Hindi rin kami acquaintance dahil we've never been introduced. Hindi rin kame madalas magkita dahil iba iba ang shift nya. Isa kasi syang Chef sa isang 24-hour international restaurant sa Hyatt - ang The Kitchen.

Matagal ko na syang nakikita. First time ko syang makita nung puntahan nya ang isang kasama kong Pinoy during a meeting. Kinuha lang nya yung susi at umalis na sya. Muntik na nga akong malaglag sa kinauupuan ko nung nakita ko sya, muntik pang mabali leeg ko sa pagsunod ng tingin sa kanya paalis! Shoots! Chubby at mukhang barumbado kung tumingin - yung akala mo manghahamon ng away palagi.

Nung nakita ko sya ulet, nakatingin lang ako sa kanya. He looked at me, too pero hindi kami nagbatian. Wala lang. Parang wala lang kaming nakita. Ako kase, na-mesmerize. Nde ko ini-expect na makita ko sya. Sya naman, cool lang, parang walang pakialam sa mundo - eh gustong gusto ko yung ganon!

Nung next na nagkita kami, galing sya ng smoking room. Binati ko sya. Tumango lang sya na parang bad boy! Sa sobrang conscious ko, hindi ko na matandaan kung nagsalita pa ba sya o tumango lang. Napansin ko na parang may scratch sa cheeks nya na namumula...Nakadagdag sa bad boy image nya...hmmmmm....

Sa ngayon, nag-fee-feeling detective ako. Inaalam ko lahat ng intel na pwede kong malaman tungkol sa kanya. So far, ang na-gather ko pa lang eh isa syang German, girlfriend nya yung isang waitress na hindi ko alam ang lahi pero ayon sa informer ko, chaka daw! ahaahahaha...confidence booster amputsa!

Basta, inaayos na ng mga friends ko na mag-meet kami. May isang ino-organize na party at doon isisingit ang aming eksena. Shocks! Sir, huwag po.... ahihihihihihi...