Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, August 17, 2008

Tag: FourPlay

I got tagged by Mix...in fairness, first time kong ma-tag. Kaya naman, excited akong mag-answer-answeran. As in! Yung excitement na walang halong pag-iimbot! Kahit siguro tanungin pa ako kung saan matatagpuan ang Yamashita's treasure at kung ano ang lihim ng Golden Buddha, sasagutin ko talaga ng bonggang-bongga! ahihihihi...ganong excitement! LOL

Hala! May rules daw itech. Eto yon:

THE RULES ( o di va? The Rules! nyahahahaha! I told you, may rules! ):
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.


1. Four places I go over and over

Banyo, Kusina at Bedroom - Wag nyo muna akong husgahan! Mag-eexplain ako! Ahihihihi. Mahilig kase akong magluto kaya palagi ako sa kusina. Minsan, mga imbentong luto ang napagti-tripan ko na buong puso kong inihahain sa hapag-kainan na normally, nilalafang ng mga kaibigan ko. Kesehodang sumakit ang tiyan nila, supportive naman ang mga friends ko sa mga niluluto ko. At in fairness, palagi silang nasasarapan. Specialty ko ang seafood hot pot with lechong kawali toppings. Hay naku! Pag natikman nyo yan, ewan ko na lang. Ahihihihi. Panalo talaga yan! Mahilig din akong matulog. Normally, yaan ang pinagkakaabalahan ko - ang mag-ipon ng tulog. Ewan ko ba! Kahit naman hindi ako puyat eh adik ako sa pag-be-beauty rest. Hindi yata uso sa akin ang mga sleepless sleepless nights na yan. Kahit nga sa sasakyan, nakakatulog ako eh. Malayo man o malapit ang biyahe. Wag lang masandal ang likod ko at talaga naman! At ciempre, ang banyo. At sino naman ang kokontra dito? Ahihihihihi....

Gonzaga, Cagayan - yes! Ilocano ako. Nakakaintindi at nakakapagsalita pero mas magaling talaga ako sa Tagalog kase sa Nueva Ecija na ako lumaki eh. Pero sa Tuguegarao, Cagayan talaga ako ipinanganak. Asa likod lang naman ng bahay namin ang ilog na palagi naming pinagliliguan noong bata pa ako! Saya di ba? At, andami daming libreng prutas na inaakyat namin nong bata pa kame. Untouched by civilization. Naalala ko noong bata pa talaga ako, wala kaming kuryente. As in! Pero ansaya saya nun!

Nueva Ecija - Eh, dito kase kami nakatira and most of my memorable experience eh dito naganap. Need I say more?

Dubai - Been here for almost five years now. Maraming nabago sa buhay ko mula noong magdesisyon akong magpunta dito. Bagama't pinuwersa ako ng nanay ko na dito mag-hanapbuhay, minahal ko na rin ang lugar na ito. Eh di sana wala na kaming tirahan ngayon! Ahihihihihi...Traumatic!

2. Four people who e-mails me regularly

Si Infogenesis report - automated e-mail reports na araw araw kong nadadatnan sa inbox ko sa Hyatt e-mail id ko. Ayaw naman magpa-reply. Suplado!

si "til there was you" - si Ate Beth na walang sawa sa pag-send nya ng mga nakaka-inspire, nakakatuwa, nakakakilig at nakaka-touch na mga forwarded e-mail messages. Keep it coming poh!

si Jong, si Marge, si Mitz at si Joyce - dahil ayaw kase namin na magmistulang hotline ang aming mga telepono sa opisina, at dahil blocked ang lahat ng klase ng chat room sa opis kaya sa e-mail na lang kami nagchichikahan, nagpapalitan ng kuro kuro at nagbe-brainstorming...asus! Brainstorming!

si Friendster at si Facebook - mga notifications...

3. Four of my favorite places to eat?

Miyako - ang pinakapaborito kong Japanese restaurant! Sarap!

Jollibee - naku ha! spaghetti, chicken joy with gravy, french fries, sundae, jolly hotdog, amazing aloha, burger steak...the list is endless. Sa Jollibee lang yata ako hirap na umorder kase parang lahat gusto kong tibagin! ahahahahaha...

Marquez Restaurant - ang local restaurant sa amin sa San Jose City, Nueva Ecija na talagang bonggang bongga para sa akin mula pa noong bata ako. The best dito ang baked macaroni, halo halo, papaitan, giniling, cakes, palabok, sans rival, puto at marami pang iba.

Sa bahay - sobrang sarap magluto ng Mama Diving ko. Kaya maarte kame pagdating sa mga pagkain kase mataas ang standard namin. Ahihihihihi. Madalas kaming mang-okray ng mga kapitbahay namin na nag-papasabaw ng mga luto nila. Nyahahahahhaa. Inggrata namin no? Ang gagawin ng mama ko, lulutuin nya rin yong kapareho ng binigay sa amin para may konting subtlety. Kaya madalas, maraming nagpapaturo sa kanyang magluto! Pero ako, hindi ako dati mahilig magluto kase tamad ako eh. Pero nung napunta ako sa Dubai, natuto talaga ako. Malamang, dahil alam ko ang tamang lasa at timpla ng isang lutuin, kaya ayun! Kuha ko naman in fairness. At take note, hindi ako nagbe-betsin!

4. Four places you’d rather be?

China - la lang, nood lang ng Olympics...ahihihihihi. Charot! Miss ko lang talaga si Naruto.

Puerto Gallera - sabi ng mga fwenship ko sa Pinas, magugustuhan ko daw dun tapos hahagikgik sila pag tinanong ko kung baket. Ano yun? Pa-suspense? Leche!

Japan - gusto ko lang ma-experience...

Pilipins - di ko yata kaya ang mawalay kay Inang Bayan habangbuhay...hayyyyy....

5. Four TV shows I could watch over and over.

Desperate Housewives
Maging Sino Ka Man Books 1 & 2
Ally Mcbeal
Friends

6. Four people I think (and hope) will respond.
Hmmm...mahirap tong part na itu! Pero sabi kase, don't break the trend daw eh...so ok!

Keep the ball rolling!!!!!

4 comments:

  1. Thank you so much for this useful and valuable information. Super your blog, congratulations!

    voyante serieuse par mail

    ReplyDelete

  2. A lot of Thanks for the posting an important article! This campaigns is really good and I would also like to note that the sleeps blog.
    Thanks
    voyance gratuite par mail rapide

    ReplyDelete
  3. Thanks to your site I just learned several things. Continue!

    Voyance gratuitement

    ReplyDelete
  4. Superb blog much more complete and practical. It will take me months to "catch up" with my delay.
    A big thank-you.

    voyance mail gratuite

    ReplyDelete