Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, August 8, 2008

Adik List - Current Fixation Edition

Today, sisimulan ko ang isang pakulong ka-chorvahan na kapupulutan ng aral ng mga bumibisita sa blog ko...ahihihihihi...echoz lang!

Ito ay ang Adik List - ang listahan ng kung anek anek lang na naisip ko, tinipon at kinalap upang makatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas at langis, sa paghahanap ng world pis at sa paghahanap ng lunas sa AIDS at cancer. O di ba? Napaka-noble ng hangarin ko. Hindi makasarili...ahihihihi...

Sisikapin ko ( choz! parang Panatang Makabayan itu! ) na limitahan sa lima (5) ang mga ililista ko sa bawat post para naman hindi ito magmukhang wikipedia na lahat ng info pasok.

At, sa unang edisyon, ililista ko ang mga kasalukuyan kong kina-aadikan sa buhay.

1. Wasabi Peas

una ko 'tong natikman noong nag-spot check ako sa isa sa mga bars ng Hyatt. Medyo natagalan kase 'yung barman sa paghanap ng isang item kaya habang naghihintay, napagdiskinitahan ko 'yung mixed nuts na naka-display sa harap ko. Habang sarap na sarap ako sa paglapokstra nun, parang biglang may gumuhit na matinding kakaibang sensasyon sa ilong ko papunta sa utak! Pakshet! Huli na nang malinawan ko ang lahat. Panlilinlang ito! Ang green peas na kinain ko ay ------------ Lasang wasabe! Anak nang.....!

Malakas ang resistensya ko sa maaanghang na pagkain. Pero nang una kong matikman ang wasabe sa isang Japanese restaurant, challenge talaga para sa akin. Ibang klase ang anghang nito dahil mararamdaman mo ang burning sensation sa ilong mo, hindi sa bibig! Magmula noon eh naging paborito ko na 'to kapag Japanese food na ang pinaguusapan, kasama ng sushi at shoga.

Kaya hindi kataka-takang instant hit sa akin ang wasabi peas.

The snack with a kick! Nakaka-adik!



2. A Very Special Love

Aliw na aliw ako sa trailer ng movie na 'to. Napaka-natural kase ng akting ni Sarah Geronimo. Dito sa Dubai, August ito ipalalabas. Pero sa Pinas noong July 30.

Partikular kong aabangan yung "sun dance " ni Sarah at yung eksena kung saan ipinapasara ni John Lloyd yung pinto kay Sarah na nag-akalang may hindi magandang gagawin sa kanya si JLC. Kaya sabi ng gerlat "Sir, hwag po!" sabay takip ng towel sa face at project ng nakakaawang mukha. Nairita naman si JLC kaya sabi nya, "Lock the door when you leave". Okray!!!!! Ahihihihihi....Feelingash kase si Sarah! Napapahiya namang litanya ni Sarah ang, "ahehehehe...kala ko Sir kung ano na"...ahihihihii

Tuwing mapapanood ko yung part ng trailer na yon, kinikilig talaga ako. Sabi ni Jong adik na adik daw ako sa part na yon. Ahahahaa.

Manonood talaga ako nito! Kumuha na nga ako ng ilang araw na bakasyon sa August para lang sa movie na yan eh! ahehehehehe...adiiiiiikkkkkk!


3. Wicked, Wicked, Wicked!

Well, ang dapat na basa jan eh - Wik-eid, wik-eid, wik-eid. Uhuh! Dapat may pagka British Aristocratic accent cheverlou yan! Ito ngayon ang addictive kong expression.

Nakuha ko 'to sa movie'ng The Others sa eksena kung saan in-attack ni Nicole Kidman ang anak nyang girl dahil nakita nya dito ang anyo ng isang matandang babae na mukhang mangkukulam...at nang mapagtanto nya na anak pala nya yung ina-attack nya, nag-inar-ar herrera yung bata sabay hiyaw ng 8 octaves na, "get away from me! get away from me! wicked! wicked! wicked!" - ang taruzh ng bata kase may accent! ahahahahaha...

Hhhmmmm...parang may gusto akong pagsabihan ng linyang yan...ahihihihihihi...wag na lang - waste of time.


4. The Body Shop Lip & Cheek Stain

Minsang tumambay ako sa flat ni Mitz sa accommodation ng Hyatt, kinalkal ko ang kanyang cosmetics at na-sight ko ang isang parang pentel pen na kulay pink. Shocks! YSL Lip Marker Limited Edition! Sinubukan ko itong i-apply sa aking luscious lips at namangha ako sa effect na idinulot nito! Parang natural lang ang pagiging kissable lips ko! Talagang natural redness! Kaya dali dali kong pinukaw ang kanyang atensyon at nagpaka-feeling dukha talaga ako sabay dialogue ng, "This is mine!". ahihihihii...Inangkin? Nasaan ang karukhaan dun?Ahihihihihihi...Sadly, ayaw nyang ibigay sa akin kasi nga, LIMITED EDITION! Ampf!

Pero nag-try pa rin akong maghanap nito sa aking suking tindahan pero talagang limited edition lang nga talaga ito. Depression na talaga ako that time kasi gustong gusto ko sya eh. Nung panahon na yon, kahit yata buong buwan kong sweldo eh ibibili ko magkaroon lang ako ng ganun!

Then comes the rainbow after the rain. Ugali kasi namin ni Jong na kapag nagpupunta kami sa mall eh sinusugod namin ang The Bodyshop para sa libreng lotion at make up! Ahahahahahaha...Ka-cheapan talaga! Marami kasi silang TRY ME doon. Eh kami naman, masunurin, kaya sige, eh di TRY YOU! Ahahahahahaha...

Habang naglalagay ng concealer si Jong, binutingting ko ang lip balm nila, yung Born Lippy. Nice sya kaya lang hindi ko kasi gusto yung may shining shimmering splendid effect sa lips kaya lumipat ako sa next shelf. At doon ko na nga nakita ang Lip & Cheek Stain nila! Aba, aba, aba! Mukhang promising itu ah, sabi ko sa sarili ko, at sa ibang tao na rin kasi napalakas pala! Ampf! At nag-try naman syempre ang mahadera nyong lola...

Naka-ka-low-kah! Hindi sya shining shimmering splendid! Para lang natural! Hindi ko talaga kinaya yung moment na yon! Dali dali ko na syang binili na para akong mauubusan kahit na plentious pa naman ang stock! Ahahahhaha! Mahirap na noh! Baka limited edition lang din pala yon! Ahihihihihihi...

Sa lips ko lang itu ginagamit kase naturally pinkish na ang cheeks ko...ahihihihhi...I swear, sobrang natural tignan - nakaka-adik! Especially sa mga guys na gustong magpaka-red lips na hindi nagmumukhang girly because of the shine, this is a must sa inyong kikay kit! Ahihihihihi...Just don't apply generously kasi magiging sobrang red. Para kayong kumain ng blood! Dapat medyo naglalaban lang yung pinkish tsaka reddish tone para effect na effect. AT, one application will last the whole day ------ kung hindi ka kakain! ahihihihihi...otherwise, retouch lang.


5. Lion Ramses Friedl

Ang current cruzh ko...kyembot! ang kiri kiri ko talaga! ahihihihih

Gustong gusto ko yung ganitong moment ng buhay ko. Yung looking forward akong pumasok at inspired magpaganda...Na-miss ko tong ganitong feeling buhat ng mawala si Naruto. Mas may added feature nga lang this time kase hindi kame friends ni Lion. Hindi rin kami acquaintance dahil we've never been introduced. Hindi rin kame madalas magkita dahil iba iba ang shift nya. Isa kasi syang Chef sa isang 24-hour international restaurant sa Hyatt - ang The Kitchen.

Matagal ko na syang nakikita. First time ko syang makita nung puntahan nya ang isang kasama kong Pinoy during a meeting. Kinuha lang nya yung susi at umalis na sya. Muntik na nga akong malaglag sa kinauupuan ko nung nakita ko sya, muntik pang mabali leeg ko sa pagsunod ng tingin sa kanya paalis! Shoots! Chubby at mukhang barumbado kung tumingin - yung akala mo manghahamon ng away palagi.

Nung nakita ko sya ulet, nakatingin lang ako sa kanya. He looked at me, too pero hindi kami nagbatian. Wala lang. Parang wala lang kaming nakita. Ako kase, na-mesmerize. Nde ko ini-expect na makita ko sya. Sya naman, cool lang, parang walang pakialam sa mundo - eh gustong gusto ko yung ganon!

Nung next na nagkita kami, galing sya ng smoking room. Binati ko sya. Tumango lang sya na parang bad boy! Sa sobrang conscious ko, hindi ko na matandaan kung nagsalita pa ba sya o tumango lang. Napansin ko na parang may scratch sa cheeks nya na namumula...Nakadagdag sa bad boy image nya...hmmmmm....

Sa ngayon, nag-fee-feeling detective ako. Inaalam ko lahat ng intel na pwede kong malaman tungkol sa kanya. So far, ang na-gather ko pa lang eh isa syang German, girlfriend nya yung isang waitress na hindi ko alam ang lahi pero ayon sa informer ko, chaka daw! ahaahahaha...confidence booster amputsa!

Basta, inaayos na ng mga friends ko na mag-meet kami. May isang ino-organize na party at doon isisingit ang aming eksena. Shocks! Sir, huwag po.... ahihihihihihi...

4 comments:

  1. Super blog, I love your articles and reports, good continuation.

    voyance gratuite immediate

    ReplyDelete
  2. Hey great post. I have to learn a lot from this post. Thank you for sharing.

    voyance par mail rapide

    ReplyDelete
  3. Thanks for the great work. Many, many thanks.

    ReplyDelete
  4. My warm congratulations for your site! It helped me a lot and Long live your site. Above all, never be discouraged; your blog is really great, especially since all your sharing is interesting.

    Voyance en ligne discount

    ReplyDelete