hindi ako nakapasok kahapon dahil masama talaga ang pakiramdam ko. sino ba naman ang hindi susuko ang katawan sa init sa dubai ngayon? sa umaga, pag papasok na kami ni jong, maglalakad kami ng 5-7 minuto para marating namin ang pinagtatrabahuhan namin. at habang basa pa kami sa pawis, sasalubungin naman kami ng napakalamig na air-con sa hotel pagdating namin. sa gabi naman, gayon din. maglalakad kami pabalik sa bahay at bubungad sa amin ang pagkalamig-lamig na hangin na galing pa rin syempre sa air-con. hay naku! hindi ko naman makuhang magreklamo dahil: (1) ginusto ko namang magtrabaho dito kaya dapat tanggapin ko ang klima dito; (2) kung tutuusin, napakaswerte ko na kung ikukumpara sa iba na mas matagal ang pamamalagi sa init ng araw katulad ng mga construction worker na feeling ko eh hindi na iniinda ang epekto ng skin cancer; at (3) gumaganda ang skin ko kapag naaarawan ako - kahit 5 minutes lang. ahihihihi, totoo yung ikatlo kong razon ha!
ang totoo, wala rin naman akong masyadong gagawin sa opisina kaya ayos lang din na lumiban ako. yung daily food cost lang naman ang report na obligado kong i-send dahil importante yun sa executive chef namin ( na huling araw na ngayong Huwebes...lilipat na kasi sya sa Park Hyatt Madrid eh ). pero ipinagawa ko na lang sa kasama ko na na-train ko na sa paggawa nito para sa mga pagkakataong wala ako.
mahigit walong buwan na rin akong cost auditor. at ang dati kong kina-aayawan na posisyon eh minahal ko na rin. akala ko noong una hindi ako tatagal dito dahil katulad nga nung nasabi ko sa mga nauna kong posts eh, dito talaga ako mahina. at dahil pinili kong i-convert ang weakness ko sa strength, eto ako ngayon - peteks! ahahahahhaha...kasi, dahil kabisado ko na ang trabaho, nagagawa ko nang i-budget ang time ko sa maghapon at ang schedule ko sa buong buwan. ang siste nga rito eh tuwing huling linggo lang ng buwan talaga ako abala dahil sa spot checking ng inventory. at ciempre, tuwing monthend rin dahil sa pagsasara ng libro na karaniwang natatapos ng ika-2 ng susunod na buwan. maliban dun, wala na akong masyadong gawain sa maghapon! yung daily task ko nga eh pang-2 hours lang...hmmm, hindi kaya unfair ito sa kumpanya?
bukod sa napakaluwag na schedule, marami pang ibang perks ang trabaho ko...
isa na dito ang wine tasting. hehehehehe...hindi ako lasenggo at hindi rin ako palainom pero feeling sosyal ako dahil marami akong nalalaman tungkol sa mga alak alak na yan! chardonnay, cabernet, sauvignon blanc, pinot noir, cristal champagne...at kung anek anek pang ka-chorvahan!
legal din ang pangungulimbat ko ng mga pagkain sa food store - pero syempre, hindi ito madalas dahil ayoko namang labagin ang mga policy na ako rin ang nagtatakda...ahehehe...
may takot sa akin ang manager ng mga restaurant...dahil kailangan nila ng tulong ko pagdating sa mga cost na na-charge sa outlet nila...kaya nga kapag nag-papa-reserve ako for dinner or lunch sa outlet nila eh, walang busy busy...basta ako, nanginginig pa! ahehehehe...pero hindi ko rin yan sinasamantala kasi baka mag-back fire sa ken noh!
siyempre, feeling celebrity kasi kilala ka ng halos lahat ng tao...feeling brainy kasi hinihingi nila ang opinyon ko sa napakaraming bagay...
at higit sa lahat, dahil senior position sa accounting, eh biggie-ah ang andalucia mae pagdating ng sweldo...isa to sa talagang ipinagpapasalamat ko ng husto dahil hindi naman naging madali ang tinahak kong daan patungo rito sa kinalalagyan ko...anlakas kasi ng nanay ko sa taas eh...maya't maya dasal ng dasal...ahehehehe...salamat poh!
26 na ako...sa birthday ko, 27 na ako...hmmm...kelangan ko na nga talagang mag-ipon at mag-seryoso sa buhay...
interruption...
speaking of nanay, nag-miscol ang mama ko from the philippines...anlakas makaramdam! ahehehehehe...tinawagan ko na muna at nangungumusta lang daw...napanaginipan daw kasi nya yung kapatid ko eh...sabi ko sa kanya ok naman si Pangot ( ahehehehe...yan kase ang tawag ko sa kapatid ko eh...pero Jun Jun talaga ang palayaw nya...)...nagkita nga kame kaninang umaga kasi pauwi na cia at papasok pa lang me...night shift kasi ang mokong...doon cia umuuwi sa accomodation ng Hyatt, sa Sahari...naka-live-out kase ako kaya once a week lang kame halos magkita...
anyway, heto ang isa sa mga pictures namin nung celebration ng birthday ni jong sa peppercrab sa grand hyatt noong june 13, 2008 ...mejo matagal na at hindi ko man lang nai-post ito...last week ng mama ko dito nung time na yun at inagahan ang celebration bago cia umalis...hindi nakasama si domeng dito tsaka c garland kase may pasok cla pareho...ang nakasama tuloy ay ang pinsan ko na si ate nety ( antaba nya!ahehehe...kaya sa kanya ako tumabi sa pic para magmukha akong payat...ahihihihihi... )...wala si pangot jan kasi cia ang kumuha ng picture...
It's amazing when you find a good content in today's internet.
ReplyDelete