Free Blog Counter
Poker Blog

Monday, May 11, 2009

Lip Liner 6

Andami ko talagang pinagkaabalahan nitong mga nakakaraang araw/buwan. Lahat siyempre, work-related. Napabayaan ko na tuloy ang blog ko. Sorry naman sa mga bumibisita dito. I'm sure, nami-miss n'yo na ako. Pwedeng mag-assume? Last month pa kase ang huling entry. Pwedeng humingi ng pasensya? Pwede naman siguro.

Sa mga pagtitipon ng mga Pilipino dito sa Dubai na napupuntahan ko, hindi talaga mawawala sa mga pinaguusapan ang reklamo ng mga kababayan natin sa trabaho nila. Kesyo puro daw sila overtime at hindi raw tama ang sahod nila sa dami ng ginagawa nila. Pwede bang huwag na lang akong i-invite kung ganito lang din ang usapan? Meron pang moment na sisisihin ang ibang lahi dahil hindi daw marunong magtrabaho kaya madalas sa kanila napupunta ang ibang gawain pagkatapos ay hindi naman sila napo-promote o napupuri ng amo nila. Hayyy! Nakaka-drain ng energy ang makinig sa wantusawa nilang litanya. Hindi ba dapat magpasalamat na lang tayo na sa kabila ng milyon milyong taong walang trabaho eh heto at meron tayong naipapadala sa pamilya natin sa bawat katapusan ng buwan? Pwede bang be thankful na lang? Pwede naman siguro.

Mother's day last Sunday. Siyempre, nagsipsip na naman ako sa dalawa kong nanay at binati sila ng maligayang araw ng mga ina. Napakasaya nila kapag tumatawag ako. Bagama't naiintindihan nila na talagang hindi ako madalas makatawag sa kanila dahil busy ako sa trabaho, nagi-guilty pa rin ako dahil hindi naman sapat na dahilan ang kung anuman ang pinagkakaabalahan ko para lang hindi sila kausapin parati. Pwedeng bumawi starting today? Pwede naman siguro.

Nabanggit ko si Drake sa huli kong post. Pwedeng kiligin? Hindi ko na-realize na binabasa pala ng kapatid ko ang blog ko. Tuloy nung minsang nagkita kami tinanong n'ya kung sino daw si Drake. Naumid ang dila ko at hindi ako nakasagot. Pwedeng speechless? Alam kong wala namang magiging problema sa kapatid ko 'yun eh (sana...). Pero, pwede bang maghanap ng tamang panahon para i-reveal ko kung sino s'ya? Pwede naman siguro.

Namumroblema ako sa paguwi ko sa Pilipinas ngayong taon na ito. Hindi daw ako pwedeng magbakasyon ng higit sa tatlong linggo sabi ng amo ko dahil wala daw gagawa ng trabaho ko. Balak ko pa namang magdiwang ng kaarawan ko sa Disyembre kasama ang pamilya ko. Abala daw kami sa buwan na 'yun kaya walang uuwi. Eh, surprise ko pa naman sa family ko 'yung paguwi ko na 'yun kase kumpleto kami nun! Pwedeng madisappoint? Hindi ko talaga alam ang gagawin kong diskarte para mapayagan ako. Pwedeng manggigil? Pwede naman siguro.

10 comments:

  1. di mo masisi ang mga kabayan natin kung magreklamo pero wala din tayo magagwa kasi sadyang mga mangmang ang karamihang lahi dito haha.

    sa bakasyon mo, kung madami kayo talaga ginagwa aba e wala ka talaga magagawa.

    dasal ka, tutugunan yan :)

    ReplyDelete
  2. "mangmang" talaga ha! hahaha! di naman siguro. mga tamad lang matuto. pero at the end of the day, swerte natin kase nde tayo tulad nila ( lam mo na ibig kong sabihin). enough reason na yun to be thankful.
    dasal na nga lang talga katapat ng problem ko! pero didiskartehan ko talga to...makikita nila (with paniningkit ng mata)...

    ReplyDelete
  3. te buti naman nagpost ka na!

    iba ang inaasahan kong post mo ah! anyways sa dami mong namiss na araw magpost, im sure marami kang topic sa listahan.

    wag na lang tau paaffect sa negative force n kumalat yata sa mundo...buti mhilig kang matulog kc nung umulan ng nega sa mundo, natutulog ka! kaya di mo naabsorb ;)

    ReplyDelete
  4. Ako minsan nagrereklamo din ako sa trabaho pero iniisip ko din na maswerte ako kasi may part-time job ako hindi kagaya ng iba wala.

    Recessionistas like me cannot be chooser. lol Anyway mahirap naman talaga kumuha ng annual leave pag December,pray hard man. :]

    ReplyDelete
  5. @ ate jong,

    im hoping that i'd be posting more regularly now, you know. and you're right! wla tlga akong na-absorb na ka-negahan! hihihhi. happy recession! hahahaha! kulet tlga nung narinig kong greetings na yan! waaahh!

    @ MC,

    im prayin doubly hard now. and you're right, we should really count ourselves lucky kase may work tayo. and don't forget to save some for the stormy days...tnx for droppin by my site. will add u n my bloglist ha?

    ReplyDelete
  6. ako hindi ako mareklamo haha.. wag lang ung mga ganung klaseng pics LOL

    so talagang may kurutan blues? wahaha.. hindi naman sya nagduda sa katauhan mo LOL

    Make or Break

    ReplyDelete
  7. Isama mo na ako dyan sa nag rereklamo. Kung kelan may economic downturn, saka naman tumaas ang apartment rentals. Ka-asar!

    TY sa "passing-by", mahilig ka din pala mag lakwatsa.

    ReplyDelete
  8. @ pehpot,

    uu! may kurutan tlga. ahihihi. nde nman sya nagduda, chosera kah! sa pic mo mejo nagduda sya. tinanong nya kung naging ksing ganda mo daw ba si bea alonzo later on. nung cnabi kong mas pa, tinignan ka nya ulet! hahahahhaa. di makapaniwla!

    @ k,

    sa hongkong ka, di ba? kase dito rin sa dubai, anlakas ng loob ng mga landlords na magtaas ng rent sa gitna ng krisis ha! very untimely!
    and yes, i love roaming around kea ia-add kita sa bloglist ko as one of my destinations evrytym. k?

    ReplyDelete
  9. ako ang kukurit sayo.. luka luka

    uy si D ba ay kabayan din? hehe

    ay tsismosa!

    ReplyDelete
  10. Hello there, You’ve done a great job. I will certainly digg it and for my part suggest to my friends. I am confident they’ll be benefited from this web site.

    ReplyDelete