"...hiwalay na kame."
Tulad ng normal kong ginagawa, tinawanan ko lang ang kaibigan kong si Mitz nang sabihin n'ya sa akin na hiwalay na sila ng boyfriend n'ya. Parang sirang plaka lang na paulit-ulit ang tugtog pero hindi ko inihihinto dahil kahit papano, nag-eenjoy rin ako sa ka-weirdohan kong makinig. Ilang beses ko na bang napakinggan sa kanya 'yung linyang 'yun?
"For the nth time?", sabay tawa ko ng malakas habang tinitignan ko ang nakapaskil na "sale" sa shopping mall na nadaaanan ng bus namin pauwi ng accommodation. Hindi pa pala ako nakakapag-shopping this month. Sa Friday, pagkasimba ko titingin ako ng bagong boxers tsaka black socks.
"I know. Pero Marvin, this time, totoo na 'to!", seryoso n'yang litanya na parang kahit s'ya, tanggap na rin n'ya sa sarili n'ya na paulit-ulit lang ang tinatahak niyang landas sa dyowa n'ya - away-bati, away-bati, away-bati...
Ah, ok...", sarkastiko kong sagot. Sanay na sa akin si Mitz. Nagkakabasahan na kami ng iniisip kaya hindi na bago sa kanya ang pagiging sarkastiko ko.
"Angsakit lang kasi ng sinabi n'ya eh. Ito na yata 'yung hindi ko kayang lunukin." Tamlay-galit n'yang sabi. Kilala ko ang kaibigan ko. Konting kasiyahan, masayang masaya na siya. Konting kalungkutan, damang dama rin n'ya. Parang mathematics lang ang bawat emosyon sa kanya. Nalalagyan n'ya ng exponent. Kaya kapag pinagsasama n'ya ang mahigit sa isang emosyon, alam ko nang somesing is wrong.
"Baket? Ano ba'ng sinabi?", kumagat naman daw ako sa pa-suspense n'yang entrada.
"Sabi n'ya, hindi raw ito ang gusto kong buhay. Hindi raw ako masaya sa ganitong buhay with him. Hindi daw n'ya ako mabibigyan ng deserve ko. Alam daw n'ya. Nararamdaman daw n'ya. Maghanap na lang daw ako ng iba na makakapagpasaya sa akin! Wala raw kapupuntahan ang relasyon namin!", dire-diretso n'yang sabi.
Weird.
No! Morbid!
"May gano'n? Baket daw? Eh, wala ka namang ibang ginusto sa buhay mo kundi makasama s'ya ah! Hindi ka na nga lumalabas kasama kami kasi importante sa 'yo ang bawat moments n'yo together, 'tapos wala ka namang ibang bukambibig kundi 'yang jowa mo tsaka 'yang jowa mo pa rin tsaka syempre, ang jowa mo pa rin! Adik ka nga sa kanya eh. Pwede na ngang mag-coin ng word para lang may proper na tawag sa mga ginagawa mo 'tapos sasabihin n'ya hindi ka masaya! Saan galing 'yun?", ang mahinahon kong banat.
Hindi pala masyadong mahinahon kase napapatingin na 'yung iba kong kasama sa bus dahil medyo nag-falsetto na ako.
"Ewan ko. Pero this time, iba na talaga. It's for real. I don't deserve to be treated like this. Ano pa ba ang dapat kong gawin? 'Wag naman n'ya akong tratuhin ng ganu'n!" himutok n'ya.
In fairness, I have to give it to my friend. Hindi dahil sa kaibigan ko s'ya. Pero isa rin s'yempre 'yun sa reason kung bakit sa kanya ako papanig. Part ako ng support system n'ya eh. Pero other than that, hindi ko yata matanggap na may mga taong hindi kayang tumanggap ng pagmamahal. She's been really dedicated in loving him. Saksi ako doon 24/7. 'Yung simpleng nakaupo lang sila habang nanonood ng TV, kung maikwento n'ya sa amin akala mo naman nanalo s'ya sa jueteng. Tiniklop lang ng boyfriend n'ya 'yung damit n'ya, parang gusto nang isulat sa Maalaala Mo Kaya. Nasaan ang hindi masaya du'n?
Normal lang naman sa relasyon 'yung nag-aaway dahil sa selos o dahil merong hindi tinupad na sinabi ng isa. Pero para sisihin mo ang sarili mo dahil sa palagay mo hindi mo mapaligaya ang taong mahal mo, sino ka? Naisip ko na lang na kung hindi duwag ang dyowa n'ya, sadya lang sigurong psycho.
Duwag kasi hindi n'ya matanggap na pwede rin pala s'yang maging masaya at mahalin.
Psycho kasi hindi n'ya maharap ang realidad ng buhay.
I therefore conclude...
Kunsabagay, minsan pareho lang kami. Iisa lang naman kasi ang dahilan ng gano'ng ugali eh. Takot. Malaking takot.
Takot na baka sa huli, kapag nag-invest ka na ng sobrang emosyon, kapag in-emrbace mo na ang masayang buhay, malalaman mo na lang na hindi pala totoo ang lahat. Na sa isang iglap lang, kukunin din sa 'yo ang lahat ng magandang bagay na nangyayari sa 'yo.
Question is, kailan ka pa magiging masaya?
"So, this is it? Totoo na 'to?", tanong ko ulet. 'Yung tanong na tipong hindi na rin interesado sa kung anuman ang maririnig na sagot.
"Pinapahatid ko na 'yung gamit ko from him. Sabi ko i-drop na n'ya sa apartment ko...", may panghihinayang n'yang sagot. Gumagana na naman ang exponent sa emosyon n'ya.
There. Ang hatiran ng gamit galore.
"Eh ikaw, kumusta na? Kumusta na kayo?", sabay segue na tanong n'ya sa akin. Kakagimbal 'yung tanong na 'yun ah!
"Anong 'kayo'? Walang 'kami'!", pa-cute kong sagot.
At nauwi ang mahaba naming usapan sa kung saan saan. Natapos ang phone conversation at nag-text s'ya sa akin.
"Marvin, good night. I'll be fine. Enjoy your single life. :-)"
Adik. Enjoy your single life?
Wehanopangaba!
naku ha! sounds familiar! ganyan-ganyan na ganyan din ang constant drama ng lablayp ng bespren ko sa damuho niyang ex for 8 years. Ang kinahantungan, iniwan din siya with the same lines na narinig mo sa friend mo. Tapos nagkaboypren siya ng bago na iniwan din niya at binalikan niya na naman yung damuho niyang ex na hanggang ngayon ay halos hindi siya maipakilala sa ibang tao bilang gerlpren. Sa totoo lang, ilang beses ko nang inattempt na iuntog sa pader ang ulo ng bespren ko pero mukhang may suot siguro siyang helmet kung kaya't hindi tinatablan at hinding-hindi natututo.
ReplyDeleteano ba ang magagawa natin sa mga taong ganyan? wala naman, kung hinde ay hayaan natin ang sarili nating maging sounding board sa kanila, hindi ba?
goodluck sa friend mo. at sana mas maging matalino ka pa sa friend mo when it comes to love.
i take that back. i know your smarter. blogista tayo, di ba?
missed you friend. alam kong matagal na rin akong nawala dito sa blogosphere. salamat at hindi pa rin ako nadelete sa iyong blogroll. hahaha...
mareeeeeeeeeeeee, ganyan din sinapit ng isang taong malapit sa puso ko.. hay nakooooo.. ung mga BF na 'yan no? bibitiw ng hindi mo alam kung bakit.. ang payo ko naman sa girl, sabi ko sa kanya, baka kelangan ng counseling nung BF nya, psychiatrist? hahaha.. baliw ata ung BF nya eh........................ :D
ReplyDelete'Parang mathematics lang ang bawat emosyon sa kanya. Nalalagyan n'ya ng exponent.'
ReplyDelete-i love this line marvin.wow.ang galing.
btw,malamang sila na ulit ng bf nya.hehe
ay akala ko nag comment na ako dito..
ReplyDeleteano ba.. ulyanin na daw..
ibang klase ang drama eto.. dinaig ang tayong dalawa.. wis ko na know ang mga ganyang line.. alam mo naman kame walang masyadong drama ang lovelife.. puro bed life.. CHos!
Make or Break
mare, magbespren ba tayo? parang lahat ata ng linya ng bespren mo ay kinopya nya sakin?? magbespren ba tayo??? waaaaahhhhh!!!
ReplyDeleteano ba ym mo at ng magulo kita?
lagi na lang kameng mga lalaki ang may problema! tignan nyo naman pagkukulang nyo..
ReplyDelete@ si angelnawalangpakpak,
ReplyDeletemare, natutuwa ako na nagbalik ka na sa blogosperyo. at, congrats muli sa iyong tagumpay! ang taruzh mo na! ung frend ko,kelangan tlga nya ako. tga-feed ako ng reality sa kanya eh...
@ mareng madz,
psychiatrist tlga! well, prayers lang katapat ng mga taong ganyan...
@ flamindevil,
tnx for loving it...and yes, parang sila na ulet! kukulet! hihihi...
@ pehpot,
feel ko rin namang ma-achieve ang puro bed life! ahihihihihi.
@ ifoundme,
uu mare, mag-bespren tau! pero pasalamat ka kase hindi tau magkasama. kase, kakalbuhin kita 'pag nagpaka-tonta ka sa bf na ganyan! choz! in fairness, kunsintidora ako...
@ dencio,
uy! eto naman! paxenxa na...mukhang outnumbered ang mga lalaki eh. hahahaha! balik ka na kase! miss ka na namin! :-(
mare, prayers? hmm... ano ipagdarasal ko? na sana kunin na sila ng kung sinuman ang dapat kumuha? ahihih.. joke!
ReplyDeletebagal mag-update o!
ReplyDeleteThank you for the advice. It's amazing that there is such options and free development! One wonders how he can remain on the Web a lot of sites and wobbly done wrong.
ReplyDelete