Hindi ako makakausap ng matino kapag busy ako o kapag meron akong iniisip na malalim. Ma-focus akong indibidwal kaya deadma sa akin ang lahat hangga't hindi ko nasasatisfy ang kung anuman ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ko.
***************************
Sabi sa Law of Karma, what goes around comes around. Ironic talaga na kung minsan, mauulit ang isang sitwasyon sa buhay mo na nangyari na sa iyo pero sa pagkakataong ito, iba na ang papel mo. Halimbawa, kung dati ay ikaw ang biktima, ngayon naman ikaw na ang salarin.
Buhat ng lumipat ako sa bago kong tahanan sa Sahari Village, marami akong mga paanyayang natatanggap at marami rin akong mga bagong kaibigang nakikilala. Bagama't madalas kong sabihin sa kanila tuwing kakantiyawan nila ako na masaya akong "single" at hindi ako naghahanap, hindi ko pa rin inaaalis ang posibilidad na magkaroon ako ng interes sa isang tao. Yun nga lang, hindi talaga ang paghahanap ang misyon ko sa buhay lalo na ngayon.
Sa isa sa mga tomaan ko nakilala si Drake. Cuteness, mabango at mukhang mabait 'pag tulog. Yun nga lang, isnabero ang hombre. Hindi ka kakausapin kapag hindi mo kinausap kahit na magkaharap pa kayo sa mesa o kahit magkatabi pa kayo. Nakakaubos ng self-confi! Pwedeng titignan ka lang niya pero hindi ka niya kakausapin dahil hindi siya komportable sa iyo. Kaya nag-effort ako na maging komportable siya sa akin. Nakakairita kasi na kakausapin niya lahat ng tao tapos ako parang nakikitawa lang. Ano ako? Outkast?
Kaya kinausap ko siya ng mga walang kakwenta-kwentang bagay katulad ng tungkol sa global warming, giyera sa Iraq at ng pagsikat ni Charice Pempengco sa youtube.
Pinatawa ko siya kahit na required pa akong tumambling at kumain ng apoy. Pinuri ko ang kanyang gravity-defying na gelled hair. Naging close kami. Tumatambay siya sa bahay ko kahit na disoras ng gabi at kahit na natutulog na ako. Normal lang naman ang samahan namin hanggang na-realize ko na lang na parang gusto ko na siya. At habang mas iniisip ko kung gusto ko na nga ba siya, lalo ko namang naco-confeeeeerm sa sarili ko na gusto ko na nga siya.
Pero reality checks in. Jowa siya ng isa sa mga kaibigan kong gerlat. Aray naman di ba!
Needless to say, naging komportable nga siya sa akin. Hanggang minsan, habang naglolokohan kami, sinabi niya na gusto raw niya ako. Hindi ko inaasahan yun sa kanya. Akala ko naman etching lang yung gusto factor na yun. Yung parang gusto lang nya yung company ko o kaya gusto lang niya yung effort ko na mapatawa ko siya. Nagba-browse ako sa laptop ko noon at nasa likod ko siya. Paglingon ko nagkalapit ang mukha namin. Wala akong nasabi. Wala akong nagawa kundi ang maging frozen. Hinalikan nya ako. Gusto ko yun. Pero hinawakan ko siya sa balikat niya at marahan ko siyang itinulak palayo sa akin. Sabi ko sa kanya, hindi pwede. Mali eh. Kaibigan ko ang jowa niya. Sabi niya, wala naman daw makakaalam. Parang friends lang daw sa ibang tao.
Inamin ko na gusto ko rin siya. Pero hindi ko ide-demand na mawala ang complications sa pagitan namin. Hindi sa ganitong paraan! Dahil alam ko, ako ang wala sa lugar. Ako ang dapat magbigay. Hindi kasi rason na gusto namin ang isa't isa para manakit kami ng ibang tao eh. Ayoko ring samantalahin na nalilito siya sa nararamdaman niya.
Kahit na siguro hindi ko kaibigan ang jowa niya, kahit na kakilala ko lang, hindi ko gugustuhing pumasok sa ganoon. Malinaw sa akin ang piliin ang tama. Pinaigting ang desisyon ko ng katotohanan na bagama't hindi ko malapit na kaibigan ang jowa niya, wala naman itong ginawa o ipinakitang hindi maganda sa akin. Sapat na dahilan na iyon para umakto ako ng nararapat. Sapat na dahilan na iyon para isipin kong hindi pagsasakripisyo ang hindi ituloy ang kung anuman meron sa pagitan namin. Mahalaga sa akin ang pagtitiwala kaya pinapahalagahan ko rin ang tiwalang ibinibigay sa akin.
Sinabi ko kay Drake na maging magkaibigan na lang muna kami. Sa ngayon, iniiwasan ko muna siya. Sinabi ko sa kanya na maglolokohan lang kami kung matapos ang desisyon ko eh magkikita pa kami. Parati lang kaming malilito kapag nagkataon. Sabi nga nila, kung ayaw mong mapaso, iwasan mong lumapit sa apoy.
Maaga pa. Kaya ko pang hindi malulong sa kanya. Siguro, kung malinaw na sa kanya kung ano ang gusto niya, pwede na ulit kaming maging malapit sa isa't isa. Sa ngayon, ayokong makadagdag sa pagkalito niya.
***************************
Nakita ko si Jared kahapon sa hintayan ng bus sa accomodation namin. Galing sa gym ang loko. Nagulat siya na nasa Sahari na ako. Kumusta na raw ba ako. Sabi ko ok lang. Busy pero hindi nagrereklamo.
Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya lately. Galing nga daw siya sa gym at gabi pa daw ang pasok niya. Kinumusta ko siya at pati na rin ang jowa nya na hindi ko naman alam kung meron. Matapos nya akong sabihan ng gago, nilinaw nya na wala siyang jowa at ok lang naman siya.
Tinignan ko siya. Gwapo talaga ang kumag. Gumanda pa ang katawan. Naka-white shirt at blue track pants. Halatang madalas ngang magbabad sa gym. Nginitian nya ako ng mahalata niya na chine-check ko siya.
Jared: miss mo ko noh!
Me: ulol! feeling ka!
Jared: hahahahahaha!
Me: peste! sige na anjan na yung bus.
Jared: tawagan mo ko.
Me: gagu! wala akong number mo!
At habang umaandar ang bus, tinignan ko siya na naglalakad palayo. Hindi ko maiwasang mapangiti. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Natutuwa lang ako na ok lang kami.
Minsan, ansarap makipag-lokohan lang. Walang pressure. Walang complications. Walang expectations. Walang problema. Walang seryosohan. Walang sakit. Walang nosebleed!
waaah.. mare, inlababo ka? hahaha.. oh, complicated heart.. :D kung anuman ang desisyon mo mare, may it always be the best :)
ReplyDeletealam mo nakasira na ko ng relasyon. nagsisi na ko at nextime alam ko na din ang gagawin ko. bilib ako sayo. isa kang tunay na lalaki sa mga paninindigan mo!
ReplyDeletemare, ang haba ng hair mo.... pero bilib ako sayo. may class ka mare kasi alam mo kung san ka lulugar. apir nga!
ReplyDeletelong hair galore? ahaha.. landi!
ReplyDelete@ madz,
ReplyDeleteinlab inlaban lang. lam mo minsan, the best decisions that we make are the selfless decisions. *nosebleed*
@ hisnameisdencios,
salamat tol! LOL! dapat matuto tayo sa pagkakamali natin. that's the essence of committing mistakes. :-)
@ ifoundme,
apir! ahihihi. tenks mare. minsan buwis buhay talaga ang lumugar sa tama. nakakadugo! inisip ko na nga lang na paano kung ako yung girl, di ba? hayyyz!
@ pehpot,
bagong rebond! as always! hihihihi. sabi ni ecker change ko na daw preference ko kase lagi lang daw akong masasaktan. saan ang handaan?
hanga ako sa iyo ang lakas ng control mo!!!
ReplyDeletebut then, you're not getting any younger .......... habang may asim pa! ha! ha! ha!
@ rodangeles,
ReplyDeleteahahahahahaha! tnx for dropping by. link mo naman yung blog mo so i can visit din. well, aaminin ko, hindi ganun kadali. anghirap nung control moment na yun! soooobra! try kong maligo sa suka pag older and wiser na ako. ahihihihihi.
Take a bow ning... galing-galingan ka hamo sasabihan ko sina gerard at jake na bigyan ka ng matinding SALUDO!
ReplyDeletebasta lam ko isa kang napakatalinong tao at marami pang iba jan... di ko alm ito ha in fairness... sino sya!
@ jong,
ReplyDeletehahahahaha! getch ko na!
@ domeng,
LOL! saludo? pwede namang kiss di ba? hihihihi. lagi ka kasing absent! wala kang ibang alam asikasuhin kundi si Glen! wahahahahaha. choz lang!
LOL ibang klaseng toys ang gusto mo eh.. ha ha hindi pang bata.. kung di pang gawa ng bata wahaha
ReplyDeleteso ano naman daw dapat ang preference mo according kay Betty?
'Maaga pa. Kaya ko pang hindi malulong sa kanya.'
ReplyDeletewow I admire your self-contro.galing.patambay lang muna ha.backread ako ng mga posts mo.btw,tenks sa pagdaan sa bahay ko. :p
hahaha, dumugo nga ang ilong ko dun! pwede pakitranslate? hahaha.. :)
ReplyDeleteGod Bless, :D
true un girl..why don't you just fish around our hs guys? nyak!
ReplyDelete@ flamindevil,
ReplyDeletesalamat din sa pagdaan sa kwarto ko. lagi kang welcome. will add u to my bloglist kung iyong mamarapatin. :-P
@ madz,
hahaha! sori mare. next tym, di ko maxadong lalaliman. :-)
@ pehpot,
highschool? asar talo na naman ako kay Janstif nyan! wahahahahaha!
wala pang update napadaan..
ReplyDeleteahaha! e mukhang late na si Janstiff! so sino ang sinuwerte?
ReplyDeletehinay at baka majontes LOL
@ dencio,
ReplyDeletesalamat sa pagdaan. sige, try kong magpost this week. :-)
@ pehpot,
nagpi-pills ako! dianne...wahahahaha!
Thank you for this article which adds + in what we already know. I follow you for a few months, and I thank you for your advice that help young bloggers today to better advance their business.
ReplyDelete