Free Blog Counter
Poker Blog

Wednesday, November 5, 2008

Sa Iyo, Garland

Maaanghang na salita sana ang gusto kong bitawan. Gusto ko sanang magalit. Gusto ko sanang ibuhos ang sama ng loob ko sa pamamagitan ng blog na ito. Ayoko na sanang isipin kung meron man akong masasaktan o kung masasaktan man ako sa gagawin at sasabihin ko. Hindi ko na rin alintana kung ano man ang iisipin ng mga taong makakabasa nito tungkol sa akin. P*cha! Galit na ako, sila pa ba ang isasaalangalang ko?

Kaya nagsulat ako. Gumawa ng post na huhupa sa nararamdaman ko. Pinaigting ko ang bawat salita at nilukuban ko ng apoy ang lahat ng puntong gusto kong iparating. Marami akong katanungan.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako nakayang harapin.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinaniwala mo akong maayos ang lahat sa atin.

Hindi ko maintindihan kung bakit wala kang ibinigay sa aking respeto.

Hindi ako lumuha habang ginagawa ko ito. Pero gusto kong umiyak. Dahil hindi ako makapaniwala na darating pala ang araw na makakaya kong isulat sa iyo ang mga bagay na naisulat ko. Puno ng hinanakit at hitik sa panunumbat.

Sa kabila nu'n, hindi ko makita ang sarili ko. Bagama't nang matapos, naghanda na akong i-publish ito.

Binasa ko ulit. Nag-proof read. Dalawang beses.

Nag-isip at huminga ng malalim. Iginalaw ko ang cursor at naghandang pindutin ang "publish post".

Pumikit ako sandali. Kumuha ng lakas ng loob.

Tapos...

Pinindot ko ang "close button".

Kung anuman ang naisulat ko, burado na.

Sino lang ba naman ako? Wala akong karapatang magparusa. Wala rin akong karapatang manghusga. Makasalanan din ako. Hindi ko man maintindihan kung ano ang naging pagkukulang ko sa sitwasyon na ito, tanggap ko pa rin na meron akong pagkakamali. Kaya kong harapin 'yon. At, kaya kitang harapin kung sakaling magkita tayong muli.

Hindi ko 'yon ipagdarasal. Pero kung sakali man, haharapin kita.

Ngingitian. At, tatanungin kita kung duwag ka pa ba. Kung ano man ang magiging sagot mo, hindi na rin 'yon magiging mahalaga.

"Duwag ka nga ba?"

Sa kabila ng lahat, binabati kita. Dahil nagtagumpay ka. Nabastos mo ako. Nasaktan mo ako.

At katulad ng mga pagkakataong nasusukol ka, malamang sasabihin mo na naman na parati na lang na ikaw ang mali, na ikaw ang nasisisi.

Pasensiya na. Pero ipapaalala ko lang sa 'yo - hindi ba't ikaw na rin ang may paniniwala na sa buhay hindi kailangan na lagi kang tama?

Bagama't para sa akin baluktot 'yon, hindi ko 'yon alintana dahil hindi ganu'n ang paniniwala ko. Kaya nga siguro may mga nasaktan kang tao dahil ayaw mong gawin kung ano ang tama. Ayaw mong harapin ang sitwasyon ng buo ang loob mo. Duwag ka ba? Takot ka ba sa dikta ng ego mo? O natakot ka lang dahil alam mong hindi mo ako kayang sisihin? Mas madali ba sa 'yo ang tumakbo?

Inaasahan ko na katulad ng palagi mong ginagawa, sa huli, magmamaang-maangan ka at palalabasin mong ikaw ang biktima.

Pasensiya na. Pero kung magkakagayon man, hindi ko maiiwasan ang magtawa.

Dahil kung ganoon pa rin ang pag-iisip mo, hindi ka na nga nagbago. Niloloko mo pa rin ang sarili mo.

12 comments:

  1. Ni ayoko sana magcomment eh! kasi dadagdagan ko lang ng mas maaanghang na salita para sa kanya! hindi ko sya kaibigan noon, at lalong hindi na magiging kahit kelan kasi hindi sya nag-eexist para sa kin! at kahit same feeling kami, wala akong pakialam!!!

    ang care ko lang ikaw! i know na ur much better than before....dahil jan let's toast!

    ReplyDelete
  2. Hinay hinay lang Marv's... kaya mo yan, kaya may mga ganyang tao ay para makita natin ang salamin ng totoong buhay.

    Hindi lahat ay nakakasundo natin, kahit na handa tayong ibigay ang lahat para maunawaan ang mga ganitong sitwasyon. Sa panahon na napupundi ka na at gusto mo nang sumigaw... magsulat ka lang. :)

    ReplyDelete
  3. parang ang bigat bigat ng post na to. parang may gustong kumawala jan sa puso mo na di mo pa din mailabas. ang masasabi ko lang ay nakakasama talaga ng loob ang mga ganyang klase ng tao. pero kung ako naman ay pinipilit kong hindi na isipin. pero kung sumosobra na ay kumprontahin mo na ng harapan para maturuan mo din ng leksyon!

    ReplyDelete
  4. kaya mo yan...

    ilabas mo ang galit mo!
    pakita mong matatag ka at kaya mong bumangon ng walang sha! isipin mong hindi mo ito kawalan!

    smile ka lang pare!

    ReplyDelete
  5. marvs you knew from the start how much our friendship means to us,you and jong will always be my bestfriends for as long as i live,andami na nating pinagdaanan at lahat un i will cherish for the rest of my life,
    if there are people like him who doesn't value the meaning of friendship well it's thier loss kc people like them doesn't deserve any space in our heart and in our life. Go on lang kc eventually people like them will find it hard to search true friend and saka lang nila marerialize ung ginawa nila. I know u don't deserve this pero ok lang kc andito lang kami and hindi ka nawalan!

    ReplyDelete
  6. @ jong,

    tnx for being there for me through the years...

    @ mix,

    salamat sa payo master mix. i'll keep writing. :-)

    @hisnameisdencios,

    eh pano ba yan, duwag eh! hamo na, habang buhay na lang 'yang tatakbo.

    @geisha,

    salamat 'tol! ahahahaha. babangon ako't dudurugin ko s'ya! LOL!

    @doms,

    u r more than enough to fill in the loss, my friend. bakla tayo pero mas matapang tayo sa kanya. hahahahaa! :-)

    ReplyDelete
  7. nice way of dealing your anger, I did that before, nag create ako ng blog for some people para lang ibuhos ang galit ko sa kanila, ngayon I don't even remember the name of that blog

    ReplyDelete
  8. I saw this guy once in Sahari..iwan di ko lang sinasadya mabigat loob ko sa kanya at hindi ako nagkamali....bastos pala siya in real life...all these years ang pagpangalaga mo sa kanya di minsan you go with this guy and leaving us your friends kasi priority mo na samahan siya ...putcha!!!yan pa ang napapala mo..totoo pala pag nag-alaga ka daw ng ahas at pinapakain mo sa palad mo..pati palad mo at buong katauhan mo lalamunin....at di sya bastos kung aalis man lang sana sabihin man lang hey! aso aalis na ako at thanks for everything kung galit...sabihin "See you in hell bitch!!!" I know he came from a good school but, gosh! mabuti pa siguro ang galing public school may tunay na pinag-aralan....Bunso...he's not worth for you he is a rubbish....
    Garland!!! wala kang utang na loob....mabaho ka pa sa bulok na daga,canal at basura ka !!!!
    Karma is on the way scientific name - Carmi Martin
    Ito ang Ate ni Bunsong Marvin
    Rene

    ReplyDelete
  9. @ kodakan,

    tnx for dropping by. having it written down somehow eased a lot of emotions...:-)

    @ anonymous ( ati rene ),

    ahahahaha! at talaga namang mas may galit ka kesa sa akin! pero censored ka! again, hindi na naman kita na-kontrol sa mga gusto mong sabihin. pasensya na pero hindi ko maatim na manumbat. kung ano man 'yung nagawa ko para sa kanya, hindi ko 'yon pinagsisisihan. salamat ate at palagi kang nandyan para ipagtanggol ako sa mga taong ewan. kumusta na lang kay aling mildred! LOL!

    ReplyDelete
  10. sa akin unang pagbasa pinili kong hindi na magcomment.nasabi ko naman na syo di ba na ang sama pala ng ugali ng kaibigan mo na itinangi sa iba.alam mong itinangi mo sya dahil pinili mong sya ang unahin na tulungan(kung naintindihan nya un)kaysa sa iba.dahil akala mo may domino effect ang pagtulong na un.sa susunod sya nman ang makaalala sa ibang kaibigan na nangangailangan.
    ang sa akin lang, sana naman hindi sya naduwag na sabihin na may problema pala, grow up!
    ang sa akin lang, bumili sya ng dictionary at hanapin ang salitang pasasalamat, utang na loob at respesto.

    salamat at sa una pa lang nakita ko na tunay nyang kulay.
    yun lang naman at sana sa muli nyong pagkikita...kasing edad mo n sya!

    ReplyDelete
  11. @ be-c,

    friend,ang totoo, naiintindihan ko kung hindi ka man nag-comment nung una mong nabasa ito. katulad ng iba pa nating kaibigan na nagpahayag ng personal na pagdamay. pero salamat dahil sa panahong ganito, nandiyan ka, nandiyan kayo. hindi ko hinangad na maghanap ng kakampi nang sinulat ko ito. kilala nyo siya, kilala nyo rin ako. hindi lang rin naman ako ang nakakilala sa kanya eh. siguro, panahon na rin para may magsabi sa kanya ng mga bagay na nasabi ko. at katulad ng sinabi ko, hindi ko ipagdarasal na makita ko syang muli. hindi ko rin isinusumbat kung anuman ang nagawa ko. wala yun. ang importante, umaapaw ako sa biyaya! LOL. ikaw rin pala! LOL! anyway, tama ka. mabuti na lang at hindi mo nakatuluyan yun! ewan ko lang kung anong klaseng buhay meron ka ngayon. oooppps! off topic! hahahahaha!

    ReplyDelete
  12. Your blog is really great, I wanted to thank you for the help you provide.

    ReplyDelete