Free Blog Counter
Poker Blog

Wednesday, October 15, 2008

Thank you naman!

Sa panahong handa ka nang mangarap, dapat maghanda ka na ring magtagumpay. --- Marvin, isa sa mga panuntunan ko sa buhay.

Hayzzzz!!!

Dahil sa naimbudo ako sa eksena ko kay April kahapon, 'di ko tuloy nagunita ang aking ika-limang taon sa Dubai. October 14, 2003 nang una akong pumalaot at napadpad sa City of Gold.

Tutyal! Akalain mo 'yun. How time flies!

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil itinakda n'yang mapagtagumpayan ko ang hamon dito. Maraming nabago sa buhay ko at mas marami akong natutunan. Marami akong natupad na pangarap. Marami akong napatunayan.

Pero higit sa pansarili kong tagumpay, mas ipinagpapasalamat ko sa Kanya na naging instrumento Niya ako para matupad rin ang mga pangarap ng mga mahal ko sa buhay at ng mga taong malalapit sa puso ko. Na nabago din ang buhay nila dahil sa akin.

Dahil ganoon lang naman kasimple ang hangarin ko nang minsang ako'y nangarap.

Limang taon ang nakalipas. Wala akong inireklamo kahit na mahirap ang dinaanan ko noon lalo na nang ako'y nag-iisa pa lang. Hindi ko 'yun naging ugali. Inilayo ko ang pag-iisip ko sa gan'ong perspektibo. Dahil para sa akin, 'pag nangarap ka, dapat isa lang ang iniisip mo - ang magtagumpay.

'Tapos, pasalamat ka kay God!

:-)

6 comments:

  1. congrats mare!

    mabuhay ka... sana makapunta rin ako jan para matupad ko ang pangarap ko sa mga boys na aking pinag-aaral! lol

    ReplyDelete
  2. thanks for that five years na naging part kami ng buhay mo!

    I will never forget when you told me that "We should always think that we receive more than what we deserve"

    iba ka ning you inspire me in so many ways!

    thanks and more successful years to come!

    ReplyDelete
  3. @ geisha,

    salamat mare! sana nga makapunta ka here! i-prayer offering natin yan. hahahahaha. ilan ba scholars mo ngayon? ahihihihi

    @ bittersweetfemme,

    salamat girl! pagbutihin ang pag-aaral! ;-)

    @ anonymous,

    domeng, ikaw ba yan? hahahaha! kurek! naalala ko nga na sinabi ko yan. secret ko yan to contentment. para hindi tayo laging naghahanap ng kung ano ang wala tayo. nakakahiya kay God! basta, more successful years to come! mwah!

    ReplyDelete

  4. Ako napunta sa kamustahin
    Dahil mahanap ko talaga ang iyong blog!
    Ako dumating upang sabihin ang goodnight,
    At gusto ko makita siya bukas!

    voyance mail gratuite

    ReplyDelete
  5. I really love what you do wonder how did I miss your blog .

    voyance en ligne

    ReplyDelete