"mahal na 'ata kita..."
nakapikit s'ya n'un habang nakahiga nang banggitin ko ang magic words. diyosme! anghirap palang sabihin! muntik pa akong mabulol at malagutan ng hininga!
char!
napangiti s'ya - 'yung ngiting parang expected na n'ya ang sinabi ko. 'yung ngiting confident at malandi.
pero hindi pa rin s'ya dumilat.
sa isip ko, " gano'n lang ang reaksiyon n'ya? hindi man lang s'ya papa-burger?".
"hindi ka ba magpapa-burger?" eto na naman! na-translate ko na naman sa spoken words ang aking thoughts. s'yempre pa, 'di ko na nabawi kaya kailangang lusutan na lang...
"huh?" sagot n'ya sa akin. hindi n'ya naintindihan kung saan nanggaling ang tanong na 'yun.
inulit ko naman. "hindi ka ba magpapa-burger? parang gusto ko ng burger eh." pa-cute na naglilihi. char!
"labas na lang tayo mamaya. tinatamad pa ako eh." hindi pa rin talaga s'ya dumidilat. parang gusto na n'yang iderecho ng tulog ang pagkakapikit n'ya. bakit ba kase hindi na lang s'ya umuwi?
"umuwi ka na lang kaya!" peste! another Freudian slip.
"huh?" favorite n'ya talaga ang ganitong reaksiyon. 'yung tanga-tangahan effect. ano bang napapala n'ya sa pagtitipid ng reaksiyon. hindi ko naman ipinagbabawal ang reaksiyon na lelevel sa SONA sa kahabaan. gusto n'ya papalakpak pa ako pagkatapos ng speech.
pero in fairness, anghirap naman talagang sundan ng sequence of thoughts ko. kailangan n'ya talagang basahin ang isip ko para lang malaman n'ya kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko. eh, mukhang inaantok pa s'ya kaya naman hindi na s'ya nag-eeffort na arukin ang pagiisip ko.
"wala." walang gana kong sagot. itinuon ko na lang ang pagsa-surf sa net, nagsuot ng headset at nagumpisa nang makinig ng kanta sa youtubebang. nag-uumpisa pa lang ang kantang "Somebody Warm Like Me" ng 5th Dimension nang maramdaman kong kinakalabit n'ya ako.
kinakausap pala n'ya ako pero s'yempre hindi ko s'ya naririnig kaya inalis ko muna ang headset at isinabit sa leeg ko. nairita ako na nakapikit pa rin s'ya.
"ano bang gusto mong marinig sa akin?" tanong n'ya. seryoso ang mukha n'ya kaya medyo kinabahan ako. turning point ba itu?
"turning point ba itu?" putik! wala ba talaga akong maiisip na pwedeng nasa isip ko na lang?
"huh?" ang kanyang walang kakupas kupas na linya.
"huh?" ang napipikon ko nang sabi. "may kakaibang swerte ba sa 'yo ang mag-huh? siguro kung may disease na huh syndrome, nahawa na ako sa 'yo. tuwing magrereact ka, huh! anong pangalan mo? huh? saan ka nakatira? huh? paabot ng plato. huh? gising na! huh? tulog ka na? huh? nananaginip ka na ba? huh? katakot. standard sa 'yo ang huh, 'no?" dire-diretso kong sabi. seryoso ang mukha ko habang dinideliver ko ang spiel pero deep inside eh natatawa na ako sa mga pinagsasabi ko.
nakangiti lang s'ya habang nakikinig sa akin. alam n'ya talaga akong i-provoke kapag asar na ako. parang layunin n'ya 'yun sa bawat paguusap namin.
"hindi mo sinagot ang tanong ko." balik-spiel n'ya sa akin.
oo nga naman. minsan na nga lang s'yang mag-speech ng isang complete sentence na may subject and predicate, dinedma ko pa.
"hindi ko alam. siguro dahil 'yun na ang tanong mo, ayoko na ring sagutin. kung ano man ang gusto kong sabihin mo, sasabihin ko na lang sa sarili ko. may ipinagkaiba ba kung ididikta ko sa 'yo?" makahulugan kong sagot.
hindi s'ya umimik. nanatiling nakapinid ang mata n'ya. mahirap basahin ang iniisip n'ya habang nakatingin ako sa kanya. pero hinintay kong sagutin n'ya ang tanong ko.
Sunday, January 3, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)