Free Blog Counter
Poker Blog

Sunday, March 15, 2009

My Randomness


"will you let Eve have the bite?..."

i'd say, why not?

for a fleeting moment, i could forget the cloak of anonymity that covers me. and in a crowd of random DNA's, i could finally be a familiar face to someone...

the thought is just divine!
someone knows me. someone can see a shining, colorful me in a pack of black & white strangers.

...the train station, the laundry room, the sushi stop, the art exhibition, the grocery shop, the music store, the concert hall, the one-off themed party, the football stadium - the roster of places is just endless.

but i know better.

it may have taken me to the edge of infinity to finally learn but yeah...now, i know better.

randomness does not necessarily equate to emptiness...

Monday, March 2, 2009

Lip Liner 5

"...hiwalay na kame."


Tulad ng normal kong ginagawa, tinawanan ko lang ang kaibigan kong si Mitz nang sabihin n'ya sa akin na hiwalay na sila ng boyfriend n'ya. Parang sirang plaka lang na paulit-ulit ang tugtog pero hindi ko inihihinto dahil kahit papano, nag-eenjoy rin ako sa ka-weirdohan kong makinig. Ilang beses ko na bang napakinggan sa kanya 'yung linyang 'yun?

"For the nth time?", sabay tawa ko ng malakas habang tinitignan ko ang nakapaskil na "sale" sa shopping mall na nadaaanan ng bus namin pauwi ng accommodation. Hindi pa pala ako nakakapag-shopping this month. Sa Friday, pagkasimba ko titingin ako ng bagong boxers tsaka black socks.

"I know. Pero Marvin, this time, totoo na 'to!", seryoso n'yang litanya na parang kahit s'ya, tanggap na rin n'ya sa sarili n'ya na paulit-ulit lang ang tinatahak niyang landas sa dyowa n'ya - away-bati, away-bati, away-bati...

Ah, ok...", sarkastiko kong sagot. Sanay na sa akin si Mitz. Nagkakabasahan na kami ng iniisip kaya hindi na bago sa kanya ang pagiging sarkastiko ko.

"Angsakit lang kasi ng sinabi n'ya eh. Ito na yata 'yung hindi ko kayang lunukin." Tamlay-galit n'yang sabi. Kilala ko ang kaibigan ko. Konting kasiyahan, masayang masaya na siya. Konting kalungkutan, damang dama rin n'ya. Parang mathematics lang ang bawat emosyon sa kanya. Nalalagyan n'ya ng exponent. Kaya kapag pinagsasama n'ya ang mahigit sa isang emosyon, alam ko nang somesing is wrong.

"Baket? Ano ba'ng sinabi?", kumagat naman daw ako sa pa-suspense n'yang entrada.

"Sabi n'ya, hindi raw ito ang gusto kong buhay. Hindi raw ako masaya sa ganitong buhay with him. Hindi daw n'ya ako mabibigyan ng deserve ko. Alam daw n'ya. Nararamdaman daw n'ya. Maghanap na lang daw ako ng iba na makakapagpasaya sa akin! Wala raw kapupuntahan ang relasyon namin!", dire-diretso n'yang sabi.

Weird.

No! Morbid!

"May gano'n? Baket daw? Eh, wala ka namang ibang ginusto sa buhay mo kundi makasama s'ya ah! Hindi ka na nga lumalabas kasama kami kasi importante sa 'yo ang bawat moments n'yo together, 'tapos wala ka namang ibang bukambibig kundi 'yang jowa mo tsaka 'yang jowa mo pa rin tsaka syempre, ang jowa mo pa rin! Adik ka nga sa kanya eh. Pwede na ngang mag-coin ng word para lang may proper na tawag sa mga ginagawa mo 'tapos sasabihin n'ya hindi ka masaya! Saan galing 'yun?", ang mahinahon kong banat.

Hindi pala masyadong mahinahon kase napapatingin na 'yung iba kong kasama sa bus dahil medyo nag-falsetto na ako.

"Ewan ko. Pero this time, iba na talaga. It's for real. I don't deserve to be treated like this. Ano pa ba ang dapat kong gawin? 'Wag naman n'ya akong tratuhin ng ganu'n!" himutok n'ya.

In fairness, I have to give it to my friend. Hindi dahil sa kaibigan ko s'ya. Pero isa rin s'yempre 'yun sa reason kung bakit sa kanya ako papanig. Part ako ng support system n'ya eh. Pero other than that, hindi ko yata matanggap na may mga taong hindi kayang tumanggap ng pagmamahal. She's been really dedicated in loving him. Saksi ako doon 24/7. 'Yung simpleng nakaupo lang sila habang nanonood ng TV, kung maikwento n'ya sa amin akala mo naman nanalo s'ya sa jueteng. Tiniklop lang ng boyfriend n'ya 'yung damit n'ya, parang gusto nang isulat sa Maalaala Mo Kaya. Nasaan ang hindi masaya du'n?

Normal lang naman sa relasyon 'yung nag-aaway dahil sa selos o dahil merong hindi tinupad na sinabi ng isa. Pero para sisihin mo ang sarili mo dahil sa palagay mo hindi mo mapaligaya ang taong mahal mo, sino ka? Naisip ko na lang na kung hindi duwag ang dyowa n'ya, sadya lang sigurong psycho.

Duwag kasi hindi n'ya matanggap na pwede rin pala s'yang maging masaya at mahalin.

Psycho kasi hindi n'ya maharap ang realidad ng buhay.

I therefore conclude...

Kunsabagay, minsan pareho lang kami. Iisa lang naman kasi ang dahilan ng gano'ng ugali eh. Takot. Malaking takot.

Takot na baka sa huli, kapag nag-invest ka na ng sobrang emosyon, kapag in-emrbace mo na ang masayang buhay, malalaman mo na lang na hindi pala totoo ang lahat. Na sa isang iglap lang, kukunin din sa 'yo ang lahat ng magandang bagay na nangyayari sa 'yo.

Question is, kailan ka pa magiging masaya?

"So, this is it? Totoo na 'to?", tanong ko ulet. 'Yung tanong na tipong hindi na rin interesado sa kung anuman ang maririnig na sagot.

"Pinapahatid ko na 'yung gamit ko from him. Sabi ko i-drop na n'ya sa apartment ko...", may panghihinayang n'yang sagot. Gumagana na naman ang exponent sa emosyon n'ya.

There. Ang hatiran ng gamit galore.

"Eh ikaw, kumusta na? Kumusta na kayo?", sabay segue na tanong n'ya sa akin. Kakagimbal 'yung tanong na 'yun ah!

"Anong 'kayo'? Walang 'kami'!", pa-cute kong sagot.

At nauwi ang mahaba naming usapan sa kung saan saan. Natapos ang phone conversation at nag-text s'ya sa akin.

"Marvin, good night. I'll be fine. Enjoy your single life. :-)"

Adik. Enjoy your single life?

Wehanopangaba!